CHAPTER 16

8 0 0
                                    

"Dad, bilisan natin" Umiiyak kong sinabi kay daddy habang nagddrive siya


"Anak, kumalma ka muna" Pagtahan sa akin ni mommy na nasa tabi ko


Buong byahe namin papuntang ospital ay wala ako sa sarili ko. Ang alam ko lang ay buong byahe akong umiiyak. Pagkadating namin sa ospital ay nakita na namin agad sila tito naka upo sa may bench malapit sa may emergency.


"Tito ano pong nangyari?" Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak para masabi ko ng maayos. 


"Car accident, Lorraine" Sagot ni tito sa akin. Yakap yakap ng daddy ni Kenji ang mommy niya. 


"Po, bakit po akala ko ba 2 days pa po siya doon?" Sabi ko na pinipilit parin kumalma


"He was about to surp-" Natigil si tita sa pagsasalita dahil hindi niya parin mapigilan ang pag iyak niya. "Surprise you" Tumingin siya sa akin. 


"I'm sorry tita" Sabi ko sa kanya. Dahil feeling ko kasalanan ko kung bakit siya naaksidente. 


"No, anak walang may kasalanan" Sabi sa akin ni tito. 


Tangina bakit sa kanya pa nangyari 'to? Putangina putangina. Kung lahat din pala ng masasayang araw namin ay mapapalitan lang ng ganito, sana ay hindi nalang nangyari. Bakkit sa kanya pa? Ang dami daming tao bakit sa kanya pa? Paano kung hindi na siya makaligtas hindi na siya gumising. Halo halo na ang nasa isip ko. 


 Si daddy at daddy ni Kenji ay pumunta muna sa lugar kung saan nangyari ang aksidente. Kami naman nila mommy at tia ay andito lang hinihintay sa pag labas ng doctor para malaman namin ang sitwasyon ngayon ni Kenji. 


"Umuwi ka muna anak" Sabi sa akin ni mommmy


"No, mom I need to stay here" Sabi ko sa kanya habang nakatingin parin sa baba. Hindi ako makapagangat ng tingin sa kanya. Kailangan andito ako, kailangan ko malaman lahat ng mangyayari sa kanya. Kailangan andon ako pag sinabi na ng doctor lahat. 


Dalawang oras na ang nakalipas simula noong dinala dito si Kenji. Hindi parin lumalabas ang kahit na sino sa loob ng emergency. Si mommy naman ay bumili muna ng kape namin. Dahil kailangan maiwan dito ni tita para kung sakaling lumabas na ang doctor ay may makakausap siyang kamag-anak ni Kenji.


Walang nagsasalita sa amin ni tita. Iyak at hikbi lang ang tanging maririnig mo sa aming dalawa. Hanggang sa binasag ko ang katahimikan. 


"Tita, mahal ko po anak niyo" Humarap ako sa kanya at nagangat ng tingin


"I know" Hinawakan niya ang kamay ko at mapait na ngumiti "Hindi ko pa nakikita 'yong anak ko na ganito kasaya. Not until you came" Umiyak ulit si tita. Mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kanya "Please don't leave him"


"Hindi po mangyayari 'yon tita" Halo halo ang nararamdaman ko ng makitang may lumabas na mula sa ICU. Halos tumakbo kami palapit doon ni tita. Hindi koparin binitawan ang kamay niya hanggang sa nasa harap na kami ng doctor. 

Journey Through the Memories (Road Trip Series #1)Where stories live. Discover now