CHAPTER 6

12 0 0
                                    

Nagising ako ng 8am pero sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung dahil sa alak o dahil kay Kenji na parang tanga, iniisip ko kasi kagabi kung bakit niya ako niyaya magdinner. Puede ba 'yon? Crush na siguro ako neto. Hayst


Naligo na ako, pero iniisip ko parin si Kenji. Hanggang pagligo ba naman? Nagsuot nalang ako ng shorts at basic tee, tinuck in ko na rin at nagsuot ako ng belt wala lang style lang. 'Di ko naman siguro kailangan ng bonggang dress para sa dinner namin dahil wala pa namang malisya 'yon. Sa akin ah ewan ko nalang sa kanya. 


Pagdating ko sa room naabutan ko na si Allison na nakaupo doon. Mukhang kanina pa andito, may bakanteng upuan naman sa tabi niya kaya doon nalang ako umupo. Wala pa naman 'yong prof namin kaya nag scroll muna ako sa social media at nagchikahan muna kami ni Allison. Kinukwento niya sa akin na, nag reply daw sa kany si Marco, pota kilig na kilig 'Hi' lang naman sabi niya. Playboy si Marco kaya natatakot lang ako para kay Allison.


Dumating na 'yong prof namin pero wala parin si Kenji. Natapos na 'yong subject pero wala parin siya. Bumili muna siya ng snacks, hindi naman ako bumili ng pagkain ko dahil nakapag prepare naman ako ng breakfast kanina. After naming kumain, lalabas na sana kami ng cafeteria pero bigla kong nakita si Kenji. 


"Uy Kenji" Sabi ni Allison habang nakataas kamay para agad siyang makita ni Kenji.


Lumapit naman sa amin si Kenji naka jeans lang siya at white tshirt. Ganon parin pero may iba sa mukha niya. May pasa sa mukha niya. Tatanungin ko sana kung bakit may pasa siya sa mukha niya pero bigla nalang siyang tinawag nila Cullen yung mga friends niya rin dito.


Pagkalapit niya sa mga kaibigan niya ay agad naman siyang inasar ng mga 'to pero napawi rin 'yon dahil nakita rin siguro nila 'yong pasa ni Kenji. Mamaya ko nalang tatanungin sa kanya sa dinner namin, dahil may next class pa naman ako. 


Pagkdating namin sa next class ko ay dumating naman kaagad 'yong prof namin sa subj na 'to. Nagpapagawa pa ng plates and guess what 2 days lang 'yong binigay niya sa amin na time para matapos 'yon. Hindi naman ganon kadaling mag isip ng idea interior ng modern house 'yon. Bahala na.


Natapos ang last subject at nagkita na rin kami ni Kenji, sasakyan niya nalang gagamitin namin dahil nga hindi ako nagdadala ng sasakyan lagi. Tahimik kami na nasa kotse niya dahil hindi ko alam kung paano ko tatanungin sa kanya kung anong  nangyari. Baka sabihan ako neto ng chismosa. 


"Uhm" Sabi ko habang nagiisip ng itatanong ko.


Kumunot namang noo  ni Kenji at tumigin sa akin ng saglit.


"Anong nangyari?" Sabi ko habang nakatingin parin sa kanya "Jan sa pasa mo"


"Dad" Sabi niya sa akin sa malamig na tono "Misunderstanding"


Ayan nanaman tayo sa matipid na Kenji. Hindi na ako nagbalaang magtanong tungkol sa buong details dahil privacy na nilang family 'yon. Andito na kami s steak house ngayon kung saan ako dinala ni Kenji para sa dinner namin. Pumasok na kami sa loob at umupo kami sa pang apatan na upuan. Magkatapat kami ngayon. 


"Ano order mo?" Sabi niya habang tinitignan menu


Journey Through the Memories (Road Trip Series #1)Where stories live. Discover now