CHAPTER 21

9 0 0
                                    

Nagising nalang ako dahil sa ingay ng mga bruha. Ang iingay kasi ng blower nila, tapos kung makapagkwentuhan parang walang tulog. Kahit nasa living room sila ay abot dito sa room ang ingay nila. Hindi naman talaga maiiwasan 'yon kung si Denise pa nga lang ay ang sakit na sa tenga eh. 


"Ingay ah" napasapo ako sa ulo ko dahil sa hilo


"Ay sorry madam ah" inirapan ako ni Bei


Naligo na rin ako hindi ko na sila pinansin doon. Pagkalabas ko ay hindi parin sila tapos kaya may time pa ako para makapag ayos din. 


"Ano oras breakfast?" tanong ko


"8 daw dapat andon na" sabat ni Veronica


Tama nga, lumabas na rin kami ng 8 pagkadating namin doon ay kami nalang ang inaantay nila. Si Kenji agad ang nakita ko. He's wearing a white button down polo, and baby blue board shorts. May nakasabit din sa polo niya na shades. 


Kumain na kami at puro seafoods nanaman ako inorder nila. Miss na miss ata nila ang mga fresh seafoods. Hindi rin naman sila marunong magluto, at bihira ang ganoon sa manila. Mahirap makahanap. Makakatikim lang ako sa manila kapag umuuwi ako sa bahay. O di kaya kapag nagluluto si Bei. 


Pagkatapos namin kumain ay sinimulan na namin ang mga water activities. Inasikaso na daw 'to ni Cullen bago pa kami kumain. Kaya wala na kami poproblemahin. Una muna naming ginawa ay island hopping muna. 


Dalawang boat ang sinakyan namin. Sa isang boat ay ako, si Kenji, Cullen, Bei, at Marco. Sa isa naman ay sina Charles, Veronica, Noah, James, at si Denise. Hindi naman na naging awkward para sa kanila dahil close naman na kaming lahat. Hindi naman mahirap pakisamahan ang mga kaibigan ni Kenji. Onti na nga lang ay mag merge na kaming magkakaibigan. 


Nang makarating kami sa isang island ay nagpicture picture muna sila. Wala namang bago. Nang nasa tubig na kaming lahat ay pinicturan kami ni kuyang nagdrive ng boat namin. Pagkatapos ng picture namin ay umakyat na ako ulit sa boat. Laking gulat ko na ganoon din ginawa ni Kenji. Pero mukhang masakit ang ulo niya dahiul nakasapo ang kamy niya dito.


"Okay ka lang?" kinuha ko ang towel ko. 


"Yap. Sumakit lang ulo ko, Familiar 'tong nangyari eh" 


Halos marinig ko na ang kalabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. Naalala niya yung ginawa namin noon. Sana ay yun ang naaalala niya. He look so frustrated hindi ko alam kung bakit. 


"Ginawa natin 'to dati" mapait akong ngumiti sa kanya " diba I told you yesterday"


"Oo nga naalala ko, pero naalala ko lang na ginawa ko ito. Pero hindi ko naalala na ikaw ang kasama ko" tumingin siya sa akin "I'm sorry" ngumiti siya sa akin


"No it's fine" umupo ako "Kelan ka pala tayo mageenroll?" tanong ko sa kanya. Iniba ko nalang ang usapan dahil masakit na hindi niya parin ako naalala. It's one of my happiest memory with him. 

Journey Through the Memories (Road Trip Series #1)Where stories live. Discover now