Prologue

738 347 93
                                    

Nasa harap ako ngayon ng aking vanity mirror, nag-aayos sa sarili. Tapos ko ng i blow-dry ang aking buhok kaya dumako na ako sa paglalagay ng light makeup.

"It's open," sagot ko sa kalagitnaan ng paglalagay ng lip balm nang may kumatok sa pinto.

"Hija, pinapasabi ng Kuya mo na bilisan mo raw diyan," si Manang na ngayon ay nasa hamba ng aking pintuan.

Tiningnan ko ang aking wrist watch, it's still 5:46 in the morning. Ano bang minamadali niya?

After applying everything, nagspray na ako ng pabango sa sarili saka tumayo at kinuha ang bag na nasa kama. Pagbaba ko sa hagdan ay naabutan ko sila Mommy at Daddy na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Lumapit ako sa kanila and greeted a good morning.

"Sila Ate, natutulog pa?" usisa ko.

"Oo, napuyat sa kaka-entertain ng mga bisita kagabi. Gigising din 'yon since maaga ang flight nila pa-Japan."

Dito kasi sa mansyon ginanap ang first birthday ni Pio, my sister's son. Unang anak nila ito, at siyang unang apo rin ng aming mga magulang.

I actually live alone in my condo, pero dahil late na natapos ang pagdiriwang ay pinagpasyahan kong dito na ipagpalipas ang gabi.

Nagpaalam na ako sa'king mga magulang at nagtungo na sa sasakyan. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto nito ay agad sumalubong ang nakabusangot na mukha ni Kuya habang nagce-cellphone.

"What took you so long?" masungit niyang tanong.

"Nag-ayos lang ng kunti, tsaka ang aga pa oh! My work starts at 7 pa, e."

"Why bother, nagpapaganda ka ba sa mga pasyente mo?" biro niya.

"Shut up."

Umayos ako ng upo matapos kabitin ang seatbelt.

"You can stop anytime you want if sobrang pagod ka na diyan sa trabaho mo Yesha. We have our own company, it's where you belong," biglang pagseseryoso niya.

It's been 5 years, and they still don't get it...

"I don't wanna have this conversation with you, Kuya," I put my airpods on para hindi na niya ako kausapin.

The ride was smooth, walang masyadong traffic sa daan dahil Sabado ngayon. Matapos ang mahigit treinta minutos ay nakarating na kami sa hospital

"Ikaw lang ata ang nurse na kilala kong tatanga-tanga," suway niya sakin nang bumaba ako at muntik malimutan ang ID na nasa ibabaw ng dashboard ng sasakyan.

I greeted everyone na nakasalubong as I entered the hospital. Pagkatapos kong mag time-in ay tumungo na ako sa aming floor.

Naglakad ako papuntang nurse station nang makita si Aya na nakapangalumbaba sa harap ng counter habang may kinekwento, seryoso namang nakikinig ang mga kasama ko sa sinasabi niya.

Itong isang 'to talaga, hindi maubusan ng chika.

"Anong meron?" usisa ko nang makalapit na.

"Pero mas maganda pa rin 'tong si Yesha, dito ako boto!" sabi niya, kumunot ang noo ko dahil hindi nakuha ang pinagsasabi.

"Kung ako ang may ganyang tangkad, ganda at katawan, talagang magmomodelo ako. Kaya bilib ako sa'yo te at pinili mong mag nurse!"

Hilaw lang na ngiti ang naitugon ko sa kaniyang sinabi.

Well, i tried modelling before because i want to impress someone...

"Girl, may modelong pasyente raw tayo ngayon! Nasa suite room naka-stay," pagpapaliwanag ni Kate nang makitang wala pa rin akong ideya sa pinag-uusapan nila.

"And guess who? Si Elise Lopez daw," ani Jobel.

Nagulat ako dahil isa siya sa mga modelo ngayon na matunog ang pangalan, kumbaga nasa peak ang career nito. I even saw her billboard poster for a famous clothing line earlier sa isang building habang nasa daan. 

"Really? kailan dumating?" tanong ko.

"Gabi na raw nang isinugod dito, nahimatay pagkatapos ng shoot niya para sa isang magazine," sagot ni Aya.

Nilampasan ko na sina Aya na patuloy pa rin sa pinag-uusapan. Lumibot ako para makatuloy sa station at nagtungo sa isang desk doon, sa tabi nito ay si Chino na tahimik na umiinon ng kape.

"Did your nephew like the gift?" tanong ni Chino, sinamahan niya kasi ako nung  Wednesday dahil nahirapan akong mag-isip kung anong ibibigay kay Pio.

"Yeah, tuwang tuwa pa nga siya pagkabukas niya sa regalo," natatawa kong sabi sa kaniya.

"Mabuti naman," aniya. 

Tiningan ko ang kardex para basahin ang mga impormasyon tungkol sa bagong pasyente. 

Lopez, Maria Elisabeth D.                                                       
Sandali akong napa-isip nang mabasa ang pangalan ng pasyente.

Matagal bago rumihestro sa'king isipan na si Elise Lopez ito, the model! Napangisi ako nang isipin na paniguradong maiinggit sina Aya sa'kin. Pinulot ko na ang monitoring sheet at iba pang kakailanganin at nagpalaam kay Chino, humarap na ako kina Aya na ngayon ay parang kinikilig.

"Sayang Yesha, di mo naabutan 'yong gwapong nagtanong kung saan ang room ni Elise Lopez. Busy ka kasi diyan kay Chino!" panunukso ni Jobel, inilingan ko na lamang ang huli niyang sinabi

"Feeling ko boyfriend niya 'yon. Swerte nila sa isa't isa, parehong maganda at gwapo," hula ni Aya.

"Kung sino man 'yang tinutukoy niyong gwapo, makikita ko pa rin yan dahil naka-assign ako kay Elise Lopez," pang-iinggit ko sa kanila habang iniwagayway ang mga hawak ko.

"Are you serious?!"

Natawa ako sa reaksiyon ni Aya dahil tugmang tugma iyon sa na-imagine ko, tinalikuran ko na sila at nagpatuloy sa paglakad patungong room S12.

Pagkarating ko sa room ng modelo ay kumatok muna ako bago pumasok. Malaki ang suite room ng hospital, mayroon itong patient's area, receiving area, dining set, kitchen at cr. Ito ang pangalawa sa pinakamahal na room, una ang presidential suite.

"Good morning miss," bati ko sakanya nang makalapit ako.

"Morning," tugon niya at binalik ang tingin sa pinapanood

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at nakitang kami lang dalawa ang nandito, wala ang gwapong boyfriend na sinasabi ni Aya. Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon at sinimulan na ang routine.

Pumunta ako sa gilid niya para check if maayos ang IV site at kung ang labels at drips nito ay on time ba. After assessing and taking her vital signs, pinainom ko siya ng kanyang gamot.

Nasa kalagitnaan siya ng pagtanggap ng inaabot kong tubig nang bumukas ang pinto sa harapan.

"Where have you been, Zedec?" gamit ang malambing niyang boses.

Napahinto ako nang marinig ang pamilyar na pangalan.

That name.

That fucking name.

Dahan dahan akong lumingon sa may pintuan at para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang makita kung sino 'yon. Tila huminto ang paligid, ang oras at maging ang tibok ng aking puso, hindi makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon.

Sa naghaharumantadong sistema ay nagawa kong tingnan ang kaniyang mga mata pero agad ring nabigo nang wala akong mahagip ni isang emosyon dito.

Blanko.

Agad akong umiwas ng tingin.

5 years.

It's been 5 years...

but i can still feel the pain.

For What It's Worth (Daily Dose Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon