Chapter 12

123 35 10
                                    

"Unibersidad ng Pilipinas! Unibersidad ng Pilipinas!"

"D! L, S! U! Animo La Salle!"

Parang guguho ang arena sa lakas ng cheer ng mga manonood nang magsilabasan na ang mga players mula sa dug-outs.

Simula pa lang ng first quarter ay naging mainit na ang labanan, La Salle ang ang may leading score pero hindi pa rin sila nagpapakompyansa dahil panay ang paghabol ng UP.

Aside sa naka-lineup na all-star type of players ng Fighting Maroons, I must say na malaki rin ang improvements nila this season seeing their gameplay right now. Medyo nahihirapan din kasi ngayon ang Archers sa kanila dahil napapantayan nito ang kanilang mga puntos bawat minuto.

Nang mag-timeout ay biglang naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bag. Kinuha ko iyon at agad na sinagot nang makitang tumatawag si Martel.

"Where the hell are you?"

"Sorry, nakita ko kasi ang pinsan ko tas napahaba ang usapan namin hanggang sa naabutan na kaming mag start ang game. Dito na ako tumabi sa kanya," dahilan niya.

Tinanong pa niya kung may kasama ba ako. Gago, siya itong kasama ko ta's nasa kabilang side siya ng court, ldr lang?

"Martel! Basta you still have to drive me home, hindi ako sasabay sa kapatid ko dahil paniguradong may lakad sila ng kaibigan nila after dito."

"Yeah, yeah! Sige na magsisimula na ulit, oh, bye!" aniya saka pinatay ang tawag.

Nilingon ko naman ang katabing si Zedec,  kalmado lang niyang pinapanood ang laro, tumikhim ako at binalik na rin ang tingin sa harap.

Panay ang hiyawan ng mga tao sa loob ng arena, kahit ako ay paminsan-minsan na nagre-react na tinatawanan lang ni Zedec.

Tinatanaw ko si Kuya ngayon sa harap, fourth quarter na and UP is now taking their first lead, dalawang puntos ang lamang.  Mahina akong natawa nang makita ang kapatid na ngayo'y mukhang galit at seryosong naglalaro, ibang-iba sa kwelang Kuya Vito na kilala ko.

"Ball is loose, Gimaras over to Desiderio, a wild throw! Vito telegraphs it, here's Aristizabal for the lead, and oh my god! For three by Vito Aristizabal! Are you serious?"

Lahat kami rito ay nagsigawan sa saya nang maipasok ni Kuya ang bola sa huling segundo ng laro.

"And De La Salle takes home their first win against the Fighting Maroons! It was an intense robbery here in Araneta!"

They won! 82-81 ang score, in favor of the Green Archers. It was a close fight, isang puntos lang ang lamang at sobrang kaba ng lahat sa mga huling segundo dahil akala namin ay matatalo sila.

Everyone in our side is celebrating for the team's first victory, maging ang mga players ay sobra rin ang saya, nakikita ko ngayon na dinudumog si Kuya ng mga teammates niya.

"You did really enjoy the game, huh?"

Utas ni Zedec nang mapansin ang palagi kong pagtikhim, sumasakit kasi ang lalamunan ko gawa mg kakasigaw kanina sa game.

Narito na kami sa parking lot, naunang naglakad si Martel patungo sa kanyang sasakyan habang kaming dalawa ni Zedec ay nasa likod niya, nakasunod.

Huminto ako para sagutin ang katabi.

"Yeah, congrats pala niyo," nagkibit lang siya ng balikat.

Bigla kong naalala iyong tungkol sa UPCAT, hindi ko alam kung paano i-bring up iyon dahil ang awkward naman kung kakabati lang namin ta's hihingi na agad ako ng pabor. Pero kailan naman, Baka matagal pa bago muli kaming magkita. October 5 ang schedule ng exam ko tapos second week na ngayon ng September.

For What It's Worth (Daily Dose Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon