Chapter 8

134 57 30
                                    

"Bakit na sa'yo 'to?"

Bumaba na ako at pinuntahan siya dito sa labas. He raised a brow at me.

"Naiwan mo 'yan sa cafeteria kanina," aniya.

Napa-isip ako sandali at naalalang hindi ko nga 'to kinuha kasama ang mga biniling snacks kanina.

Humalukipkip siya ngayong tinitingnan ako.

"Gabi na, hindi ka pa ba aalis?" tanong ko pero nasa nilalarong ID nakatuon ang mga mata.

Tumikhim siya kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya.

"You won't even thank me after driving all the way here just to give you that?"

Umirap ako sa sinabi niya. Sino ba ang nag-utos sa kaniya na isuli 'to ngayong gabi, pwede niya namang utusan si Sandrene na ibigay sa'kin 'to sa Lunes.

"I already did," confident kong sagot.

Dumaan ang pagkalito sa mukha niya bago ako nagpatuloy.

"In my mind."

Mahina siyang natawa sa pagkapilosopo ko. Bumalik siya sa pagkakahilig sa kaniyang sasakyan at tinaasan ako ng kilay.

"Are there other things you told me through telepathy?" he asked in a playful tone while he air quotes the last word.

I only shook my head to hide my smile.

"Bro!" napalingon ako kay Kuya na papalapit sa amin, binabati ang nasa harapan ko.

Umayos ng tayo si Zedec at tinanguan si Kuya.

"Kanina ka pa?" my brother asked him, napatingin ako sa kausap niya.

May usapan pala sila ni Kuya na magkikita dito? Muntik pa akong madala sa pango-ngonsensya niya kanina tungkol sa ID ko.

Wala sa sarili akong napatanong. "Gagala kayo ngayon? Saan naman?"

"No, may hihiramin lang ako sa kanya," iling niya.

"You should visit my condo para makita mo pa'no talaga kami mag-hang out."

My brows furrowed after hearing my brother's words.

Sinipat siya ni Zedec dahil aa sinabi niya pero tiniwanan lang ito ng kapatid ko.

Kuya got his condo pagtungtong niya ng college, kagaya ni Ate.

Aside sa nandito sila Marta na palaging nadiyan kapag mayroon kaming kailangan, hindi naman ganoon kalayo ang village namin sa Taft kaya rito pa rin sila umuuwi.

I always wonder kung ano ang silbi ng biniling condo para sa kaniya, iyon pala at ginawang bachelor pad o di kaya'y hideout nilang magbarkada.

"Sino nga ang mga nasa circle of friends niyo?" I suddenly asked out of curiousity.

"Why, interesado ka sa kanila?" nakakunot ang noong tanong sa'kin ni Zedec.

"No, hindi ba pwedeng nagtatanong lang ako?"

Ang alam ko, anim silang nasa barkada and they're in the same University. Paminsa-minsan silang namemention ni Kuya pero hindi na ako nag-abalang tandaan kung sinu-sino ang mga 'to.

"Don't bother, they're not that important," umismid ako sa sinabi niya.

Kuya cleared his throat at nag-aya nang pumasok sa loob.

Nauna akong naglakad sa kanila habang sila ay nasa likod ko at may pinag-uusapan about school stuff.

My brother is in his last year in college, while Zedec is a third year student. They're both taking Chemical Engineering in La Salle.

For What It's Worth (Daily Dose Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon