"Alam niyo iyong sinasabi ng karamihan na kung sino daw ang middle child, iyon ang black sheep sa pamilya? Well, iba sa amin. Siya ang golden sheep sa aming magkakapatid."
Tandang tanda ko pa ang mga salitang iyon ni Sandrene, minsan niya itong kinuwento noong Sunday, iyong pangalawang punta namin sa kanila. At dahil nasa topic kami tungkol sa kaniyang kuya, todo hingi ako ng dispensa sa kaniya sa nangyari noong Friday 'cause I'm too shy to say sorry to his brother.
"It's okay, seriously don't worry about him, wala lang iyon sa kaniya. He's been always like that, maprinsipyo kuno."
"So, mag-aabogado rin siya katulad ng kuya't ate mo?" Jen probed.
The Punzallanos are a family of lawyers. ZALVAS, being the leading law firm in the country has been doing excellent performance in providing legal services to big companies and corporations, including ours. It was established by their great grandparents hanggang sa ipinasa sa mga naging anak, at ngayon sa kanilang mga magulang. Balang araw, sila na rin ang mamahala at magpapatakbo nito.
"No, he's taking Chemical Engineering now. He's interested sa pagpapatakbo ng RMG, our other business. The reason why our parents favor him a little bit."
The favorite son.
The golden boy.
He's every good thing. A role model to his family, the best friend and the intelligent one in his class. So basically, he is the center of everything.
Just the kind of person I don't want to meddle with, to be friends with... because it seems like the world revolves around them. And I'm not a fan of that.
Kaya hindi ko lubos mawari kung bakit ipinagpilitan niyang magkaayos kami. Dapat ba kaibigan niya lahat ng tao? Si Martel ba siya na parang tatakbo sa pagka-Mayor? Does it ruin his good image if may kaalitan siya? Parang ang oa naman masyado, pero kung alin man doon, well, he should not worry kasi wala naman akong balak mapalapit sa kaniya o di kaya'y siraan siya.
Unlike others, I don't give a damn about him.
Or maybe I'm just overthinking his actions? Dahil kahit sino naman siguro ay iyon ang gagawin.
My god! Ako lang pala ang oa dito, eh.
"Yesha?"
Naputol ang pagmumuni ko dahil sa mahinag tawag ni Rafael sa aking harap. Masyado akong nadala sa iniisip ko na muntik ko nang makalimutan na magkasama pala kaming dalawa ngayon sa Cafeteria.
Afternoon break at pinuntahan niya ako sa room para ayain akong magsnack dito, pinagbigyan ko naman siya at tahimik na tumakas mula sa mga kaibigan ko dahil alam kong tutuksuhin lang ako ng mga iyon. Ililibre pa nga niya sana ako pero hindi ako pumayag dahil may pera naman ako, kaya kong magbayad para sa sarili.
"Ah yes, sorry, what were you saying again?"
Sa halip na magpatuloy sa sinasabi, ay nagtanong siya. "Is there something bothering you? Parang ang lalim ng iniisip mo kanina."
Agad akong lumingu-lingo, not wanting to talk about it. Nakaramdam ako ng konsenya dahil imbes na nasa kaniya ang atensyon ko dahil siya ang kasama ay kung saan-saan lumilipad ang isipan ko.
Tumikhim ako at inayos ang pagkaupo, ngayon ay binalik ang tingin at ang buong atensyon kay Rafael na nasa harapan ko.
"I just want you to know that I'm serious sa panliligaw ko sa iyo."
He's a transferee from Dumaguete, they moved here in Manila dahil sa expansion ng business nila. First day pa lang ng Grade 12 ay nagpapakita na ng motibo si Rafael sa akin, we were introduced to each other by Ander, classmate kasi sila.
BINABASA MO ANG
For What It's Worth (Daily Dose Series #1)
Teen FictionAinaia Consuella Aristizabal is far from your typical girl who came from a rich family, she has always been contented with her life. Family, friends, wealth, nasa kanya na ang lahat ng ito. Surrounded by peers her age who's in the phase of building...