"Do you like Martel?"
Agad na naibuga ni Farrah ang iniinom niyang juice sa tanong ko. Umuubo siya ngayon habang masama akong tinitingnan.
"What the hell, no! Anong klaseng tanong iyan, Yesha?"
Today's friday at mamayang hapon gaganapin ang event namin sa CPAR. Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon dahil nasa Arts Auditorium ang mga kaibigan namin, tinatapos pa ang kanilang Installation Art. Si Ander naman ay hindi ko alam kung nasaan.
"You always seem so irritated with him, and you guys fight a lot," I replied.
She gave me a confused look at muling sumimsim sa inumin niya.
"I don't get it, anong connect?"
"I mean, iyang iritasyon mo sa kanya, is it pure irritation or it's your way to mask some feelings you have for him?" imbes na sagutin ang tanong ko ay tumawa siya ng napakalakas, may ilang napatingin sa gawi namin.
Nandito kami ngayon sa isa sa mga nakahilerang kiosk dito sa labas ng SHS building, sa aming kanan ay tanaw ang malawak na field ng University kung saan kasalukuyang nag-eensayo ang football team.
Sinamangutan ko ang kaibigan.
"Sorry, sorry..." pinilit niyang huminto sa pagtawa.
Tumikhim muna siya bago ako sagutin. "Wala kasi, talagang naiirita lang ako sa kanya. Sino bang hindi, e, gago 'yon."
Tiningnan ko ang malawak na field. I tilted my head at muling bumalik sa aking isipan ang sinabi ni Martel last week doon sa parking lot. Wala naman silang pinagkaiba sa amin ni Zedec, ah. Heto nga sila ni Farrah at palaging nagkakapikunan, tapos wala namang gusto sa kaniya ang kaibigan. Napailing na lang ako sa sarili, nag-alala naman pala ako sa wala.
"At hindi ko kailanman magugustuhan si Martel, he's not my type. Lilipad muna ang mga hindi lumilipad bago mangyari 'yon."
Bumaling ako sa kanya nang muli siyang nagsalita. "Naniniwala naman ako sa'yo, chill ka lang," natatawang sabi ko na inirapan niya lang.
Umabot sa kung saan-saan ang topic na pinag-usapan namin nang bigla siyang nangusisa tungkol sa amin ng manliligaw ko. "Kamusta naman kayo ni Rafael?"
Nagkibit lang ako ng balikat, pinaglalaruan ang walang lamang box ng juice. Okay naman kami, wala namang nagbago. Panay din ang pag-text sa'kin gabi-gabi, hindi nga lang ako gaano nakakareply dahil palagi akong nanonood ng mga pelikula o di kaya'y inaatupag ang mga gawain sa eskwela.
"Ang hina niyang manligaw, hindi ako kinikilig sa mga galawan. Talaga bang nanliligaw iyon sa'yo?" sinamaan ko siya ng tingin, taklesa talaga ang isang 'to.
"He's just slowing things down, at iyon naman ang gusto ko."
Noong nalaman kong groupmates kami sa CPAR, sinabi ko sa kanya na mag-lie low muna siya sa panliligaw niya dahil nakakahiya sa ibang members namin na dumidiskarte siya habang may ginagawa kaming project.
"Anong slow down, paano kung mag-eend of the world na bukas?" sabay katok niya ng tatlong beses sa wood table ng kiosk, napailing na lang ako sa sinabi niya at di na siya sinagot.
Limang minuto bago mag-alas dose nang tinawagan ako ni Martel , nag-aayang mag-lunch dahil tapos na raw sila. Umalis na kami at naglakad papuntang cafeteria.
"Oo nga, we're near na. Save a seat for us," bilin ko sa kanya mula sa phone.
"Weh?"
Napa-irap ako sa sinabi nito, si Farrah naman ay kunot-noong nakikinig sa gilid ko, naka-loud speaker kasi iyon. Binawi niya ang hawak kong cellphone at siya na ang kumausap kay Martel.
BINABASA MO ANG
For What It's Worth (Daily Dose Series #1)
Teen FictionAinaia Consuella Aristizabal is far from your typical girl who came from a rich family, she has always been contented with her life. Family, friends, wealth, nasa kanya na ang lahat ng ito. Surrounded by peers her age who's in the phase of building...