Chapter 6

170 76 28
                                    

Hindi ko pa rin lubos maproseso ang nalaman.

What a small world! Zedec is the Black Chevy guy. So, siya ang ka-fling ng Ate ni Tali? Siya ang dahilan kung bakit ito nagluluksa ngayon?

I can't believe it!

Seeing him kanina, how could he be so relaxed na nagawa pa niyang mambulabog sa akin gayung may taong nagpipighati dahil sa kaniya? Does that not bother him?

Marahas akong nagpakawala ng malalim na hininga.

I didn't expect him to be that kind of guy, though. He's almost close to perfection kung ilarawan ng mga taong nasa paligid niya. Pero siguro ganoon nga talaga, walang taong perpekto. May kanya-kanya tayong di-kasakdalang taglay, at nagkataon na sa kaniya, iyon ay ang pagiging gago.

Then maybe I was not wrong for calling him douche, huh.

Naisturbo ako mula sa aking malalim na iniisip nang katukin ni Manong ang bintana ng kotse, nagtataka dahil hindi pa ako lumalabas. Pinilig ko ang ulo, I shouldn't be bothered by this dahil labas naman ako dito. It's their issue kaya bahala na sila.

"Salamat po," giit ko matapos pagbuksan, dumiretso na ako sa loob ng bahay at nagtungo sa kwarto para kunin ang laptop.

Magtatakip-silim na nang makarating ako sa bahay ng mga Punzallano, pinagbuksan ako ng kasambahay at sinamahan papunta sa living room kung nasaan ang aking mga kagrupo.

"Oh, nandito na si Yesha. Ayos dahil kompleto na tayo," bati agad sa akin ni Sandrene.

Nakaupo ang mga girls sa sofa habang nasa sahig ang mga boys, lahat sila ay busy sa pagtitipa sa kanilang mga laptop. Namataan ko ang isang lalaki na komportableng nakaupo sa tabing couch na inuupuan nila Sandrene, nasa TV ang buong atensiyon nito. Nagtagal ang tingin ko sa suot nitong jersey, number 7 ang naroon. Oh, siya yata iyong tinatanong ni Farrah sa'kin do'n sa cafeteria, kung kilala ko ba raw.

Tinawag ito ni Sandrene at ipinakilala kami sa isa't isa. "Yo, this is Kuya Vito's sister, Yesha. This is my brother, Claudreic."

He must be the fourth child.

"Hey, just call me Drake," maikling bati nito sa akin bago naglahad ng kamay.

Mukhang malapit lang ang agwat ng edad nilang dalawa ni Sandrene, mas matangkad nga lang ito. Pinagmasdan ko si Drake, halos pareho sila ng physical features na taglay ng Kuya niya. It's like I'm staring at a young Zedec right now.

Sa kulay ng kutis at aura lang sila nagkaiba, maputi si Drake habang kayumanggi naman ang kaniyang Kuya. The younger one has this silent and mysterious vibe, very different from his older brother who is oozing with confidence and strong energy.

"Huwag ka nga rito, doon ka sa entertainment room o kwarto mo manood ng movie!" pagtataboy ni Sandrene sa kapatid.

Lumapit na ako kina Pauline at tinanong kung ano pa ang gagawin, binuksan ko na ang laptop at ini-start iyon.

"Tss, I wanna have my own condo now. I'm so done with you bossing us around here," sabay tayo ni Drake at humabol pa ng irap.

"What are you talking about, you have a condo! Ako na nga lang sa ating lima ang hindi binilhan, e."

Hinarap ni Drake ang kapatid na may blankong ekspresyon sa mukha, walang pakialam sa pagmamaktol ng kapatid. Nilingon siya muli ni Sandrene at humalukipkip, naghihintay sa isasagot nito.

"It's not really mine since I share it with Zedec."

"Ang dami mo pang arte. Ang sabihin mo, ayaw mo lang maistrobo kayo ng mga babae mo," akusa ng bunso.

For What It's Worth (Daily Dose Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon