"Can you believe it? Wala pang isang buwan 'yong break up nila, may date na naman siya tonight?" pahisteryang sabi ni Tali.
Afternoon break namin ngayon at nandito kami sa SHS Cafeteria, we usually spend our break sa room pero ngayon ay pinipilit ni Farrah na dito muna kami sa di malamang dahilan.
"And this will be their eighth time going out, eighth!"
Minumwestra pa ni Tali ang walong daliri sa harap namin, para bang hindi namin alam kung anong numero ang eighth. Saka, talaga bang binilang niya kung ilang beses?
Halos sampung minuto na kami dito at ito pa rin ang topic namin, hindi ko na nga matandaan ang rason kung bakit ito pinoproblema ni Tali.
Nakatitig na lamang ako sa platong pinaglagyan ng naubos kong cheesecake kanina, naputol ang tingin ko dun nang bigla naming narinig ang hiyaw ng mga tao sa Gynasium. May game pala ngayon?
"Look Tali, wala naman akong nakikitang mali so why make it a big deal?"
Inirapan lamang ni Tali si Lucia dahil sa sinabi nito.
"It is a big deal because kuya Marcus is the only guy I find ideal for ate, okay? He's mabait, he is gwapo, and he's also smart! They may only be together for a few months pero I know na he's the one for my sister!"
Napataas ang kilay ko sa narinig, ang dalawa naman ay may pagdududa rin sa kanilang mukha dahil alam namin na puro ka bullshit-an iyong sinabi niya.
"Ok fine, you got me! It's about Kuya Marcus' brother, I can't make a move or even see Niccolai anytime I want na," pagsasabi niya ng totoo.
Of course, Niccolai.
"Wow, tagal mo ng crush 'yan," wala sa saraling sabi ni Farrah.
"Girl, huwag mo na ipilit. At pang ilan na? Fifth? It's till early to tell but maybe they're getting serious," sabi ni Lucia.
"Who's the guy ba kasi?" pang-uusisa ko.
Napatingin ako sa phone nang mag-vibrate ito, umilaw ang screen at nahagip ang message galing sa class gc. May iinstruct daw ang aming President tungkol sa ibinigay na group project ng aming last subject.
"I don't know, but I named him Black Chevy in my mind since sasakyan niya lang nakikita ko tuwing nandiyan siya para sunduin si ate sa mga date nila," Tali replied.
Natawa kami sa sinabi niya. Napabaling muli kami sa Gym nang umingay nanaman ng hiyaw. Ipinaalam ko sakanila ang nasabing message at nag-aya ng bumalik sa room.
"You know what Tali, alamin mo nalang kung sino 'yong guy at baka may kapatid siya na mas lalamang kay Niccolai," I jokingly suggested.
Inaayos ko na ang kalat saming table at nauna nang tumayo. Nagulat ako nang napasubsob ako sa harapan kong si Farrah nang marahas niyang hinatak ang aking palapulsuhan pagtayo ko. Mahina akong napadaing dahil na-ipit ang dibdib ko sa matigas na lamesa.
"Yesha, umayos ka't baka isipin pa nilang tinutuwaran mo sila!" agad ko namang binawi ang aking kamay mula kay Farrah at umayos ng tayo tsaka umupo dahil sa puna ni Lucia.
"Sino ang mga 'yan, gwapo ah," ani Tali na nakatingin sa aking likod.
Nilingon ko iyon at nakitang mga di pamilyar na players ang papasok rito sa canteen, sandali ko lang sila tiningnan at binalik na rin ang tingin sa mga kaibigan.
"I know right! You should thank me for dragging you guys here," kaya naman pala pinagpilitan niya talagang dito kami kumain, alam niyang may game ngayon. Typical Farrah.
"Kuya daw ni Sandrene Punzallano iyang si number 7. Diba, Yesha?" puna pa niya.
"Ewan ko," diretso kong sagot nang hindi tinitingnan ang tinutukoy niya.
BINABASA MO ANG
For What It's Worth (Daily Dose Series #1)
Teen FictionAinaia Consuella Aristizabal is far from your typical girl who came from a rich family, she has always been contented with her life. Family, friends, wealth, nasa kanya na ang lahat ng ito. Surrounded by peers her age who's in the phase of building...