Chapter 16

119 23 12
                                    

Napakurap-kurap ako. Hindi ako agad nakapagsalita dahil parang biglang nawala ang aking boses.

Bakit niya tinatanong kung sino ako? Hindi ba nakaregister ang number ko sa cellphone ni Zedec?

"Hello?" anito matapos ang ilang segundong katahimikan.

Nabalik ako sa huwisyo. Mahina akong tumikhim bago nagsalita.

"But this is Zedec's phone..." tangi kong nasabi.

"Yeah, nasa kwarto pa kasi siya ngayon. We're actually busy, may ipapasabi ka?"

What the hell? Busy of doing what?!

"Uh, wala," sagot ko saka diretsong pinatay ang tawag.

Marahas kong nilapag sa mesa ang cellphone. Sunod-sunod ang mga malalalim kong hinga. Hindi nakapaniwala sa nangyari.

Iyon ba? Iyon ba ang tinutukoy ni Tali? Iyong komplikadong relasyon na meron sila?

Ayaw ko sanang mag-isip ng masama sa kung ano mang ginagawa nila. But knowing na si Victoria ang kasama niya, paano ko sila pag-iisipan ng walang malisya?

Ano pa ba ang pwede nilang gawin? Lalaki't babae sa iisang kwarto. Nasa wastong edad na rin sila. Ang tanga ko na rin siguro kung iisipin kong nag-pe-prayer meeting sila. Come on, I'm not that innocent!

Nagtagalan muna ng ilang minuto bago ako nagkaroon ng lakas na tumawag ng waitress para ipabalot iyong nga pagkain. Kahit iyong akin ay hindi ko rin nagalaw.

Bigla akong nakatanggap ng mensahe mula kay Rafael. It was just a random message. Ewan ko kung anong pumasok sa utak ko at nagtipa ako ng reply.

Ako:

Raf, are you busy?

Rafael:

Nope, why?

Ako:

Could you pick me up? I'm here at Zachary's Café. Manong won't answer my calls, e.

Rafael:

Sure, I'll be there in a minute.

Halu-halo ang emosyon ko ngayon. Pero nangingibabaw ang awa na nararamdaman ko para sa sarili. I can't believe I waited three hours for this! At talagang nag-alala pa ako kanina? Jokes on you, Yesha!

Tumingin ako sa paligid. May ilang tao pa ang naroon. Lihim siguro nila akong pinagtatawanan sa isip nila. Napayuko ako at pinipisil ko ang aking mga daliri.

How's that, Yesha? May sagot ka na rin sa mga tanong mo kanina tungkol sa kanilang dalawa. Sa wakas, ngayon ay naliwanagan ka na. Hindi mo na kailangang maniwala sa mga tinatanggi ni Zedec.

Tangina niya rin, e, 'no?

Parang may bumabara sa lalamunan ko kaya pinipilit ko itong lunukin, baka sakaling mawala iyon. May isang luha na pumatak sa aking palda kaya agad kong pinahid aking mata.

Stupid!

Bakit ako iiyak!

Ano naman kung nalimutan niya itong pagkikita namin? Ano naman kung nagpapakasaya siya roon sa babae niya imbes na siputin ako rito?
Magkaibigan lang kami so I should stop being upset over petty things!

It's not worth my tears, damn it!

"Eto na po ma'am."

Nakayuko kong tinanguan iyong waitress nang mailapag niya ang nakabalot na pagkain. Hindi ko siya magawang pasalamatan dahil sa nagbabadyang hikbi.

Sumipol iyong waitress.

Kasabay no'n ay siya ring marahas na pagtunog ng wind chimes sa pinto, palatandaan na may bagong pumasok. Naging rason ko iyon para mag-angat ng tingin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For What It's Worth (Daily Dose Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon