Chapter 13

57 20 3
                                    

I want to laugh at myself.

Parang kailan lang noong panay ang sumpa ko sa pagkatao ni Zedec, samahan pa ng abot langit na pambabara at pagsusungit ko sa kanya dahil sa inis. As if I considered him as the most annoying person in the world dahil 'di ko lubos maatim ang kanyang presensya. Tapos ngayon ay natatagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa isang maayos na kombersasyon kasama siya.

To be honest, I never thought that this day would come, iyong kalmado lang kami at 'di ko siya binabangayan. Heck, I didn't even expect that we'd become 'friends'.

Naisip ko na wala rin palang silbi iyong todo tanggi ko sa inaalok niyang friendship dahil doon rin naman pala ang bagsak naming dalawa. Ang nakakatawa lang ay ako na ang nag-alok sa kaniya ng pagkakaibigan do'n sa game.

Oh, if you just noticed how the tables have turned.

Wala talaga akong laban sa kaniya, kung ganoon. Dahil umaayon ang lahat ng pangyayari sa kahit anumang nanaisin niya.

"Hey, is everything alright?"

Umangat ang ulo ko mula sa pagkakahulimbaba nang maputol ang malalim kong iniisip dahil sa tanong ni Zedec.

"Huh?"

He leaned towards the table at masusi akong pinagmasdan. I cleared my throat because of his sudden move.

"No, I'm fine. I was just thinking about school stuff," pagsisinungaling ko kahit masyado pang lutaw.

Mukha namang pinaniwalaan niya iyon dahil tumango lamang siya.

Bigla niyang inilahad sa akin ang kanyang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa, parang niyayaya akong hawakan iyon. So without hesitation, I accepted his hands and gently caress it.

Nagtaka ako dahil mahina siyang natawa matapos ko iyong gawin. I looked at him, completely confused.

"Damn, Yesha, I was asking for the modules."

My jaw dropped at what he said. I immediately removed my hands from the hold and turned to my bag to get the modules. Dahil sa kahihiyan at inis sa sarili ay marahas kong inabot sa kanya ang mga iyon.

Ampotah!

"But if you really want us to hold hands, I have no problem with it, though," he said in a playful tone.

I only made a face at him because I can't think of a better comeback. Hindi pa kasi ako masyadong nakabawi mula sa pagmumuni-muni ko kanina. Wala pa sa tamang huwisyo ang pag-iisip ko.

Wala na muling nagsalita sa amin. Abala siya ngayon sa pagbuklat ng sinagutan kong module habang ako naman ay nakatanaw lamang sa kanya.

Ilang sandali ay dumating na ang waitress dala ang order at nagsimula na kaming kumain.

It's still 5:12 in the afternoon, kung tutuusin ay maaga pa. Hindi na siguro ako kakain sa bahay, okay lang dahil wala rin naman ang mga tao doon. As usual, my parents are busy with our business. Si Kuya naman ay sa kanyang condo na umuuwi dahil UAAP season na, and Ate is in med school so well... she's also busy, I guess.

Nasa isang café kami near my university. This is our third meet up but today's the first time that we went out for this. Sa nagdaang dalawang araw na pagkikita namin para sa mga pinapahiram niyang UPCAT reviewers ay nasa bahay lang kami, hindi rin siya masyadong nagtatagal dahil inaabot niya lang ang mga ito sa akin.

Hindi namin ito pinagplanuhan. Nabigla na lang ako nang makatanggap ako ng text mula sa kaniya after class at sinabing naghihintay siya rito.

Ang akala ko ay naisipan niyang dito maghihintay at sabay na kaming tutungo sa bahay, pero nagulat na lang ako pagkarating ko nang sabihin niyang kakain daw muna kami. Tinanggihan ko iyon pero huli na ang lahat dahil aniya'y umorder na raw siya ng makakain namin. Kaya wala na akong nagawa.

For What It's Worth (Daily Dose Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon