Chapter 14

54 21 5
                                    

"What, but it's still 4:30!"

Kausap ko ngayon sa cellphone si Zedec.

Noong last week pa ang huli naming pagkikita at masusundan ito ngayon. Alas sais sa bahay ang aming napagkasunduan, pero tumawag ang asungot at sinabing naghihintay na raw siya ngayon sa parking lot ng university.

"I know your class is done, I just saw your friends."

"Ugh!"

"Where are you, anyway? Ako na lang ang pupunta sa 'yo. Nilalamok ako rito."

"Edi, paluin mo! Papunta na ako diyan kaya maghintay ka."

Hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin at agad na pinatay ang tawag. Pumasok na ako sa loob ng cafeteria.

Magkasama kami ngayon ni Rafael. Maaga pa at kakatapos lang ng aming klase. Kakain sana kaming dalawa sa labas pero naalala kong magkikita pala kami ni Zedec mamayang alas sais sa bahay, kaya sinuggest kong dito na lang kami sa cafeteria. Tapos may nangiistorbo pang asungot!

"May problema ba?" tanong ni Raf pagkabalik ko, napansin niya siguro ang timpla ng aking mukha.

I sighed.

"Nasa parking lot na si Manong," binahiran ko ng lungkot ang aking boses.

"Oh, akala ko nasabihan mo ang driver niyo na matatagalan ka?"

Shit, oo nga pala! Nakalimutan kong naroon siya nang tawagan ko si Manong kanina para magpaalam.

"Yeah, pero may dapat pa pala siyang aasikasuhin kaya hindi na siya makakapaghintay."

Mabuti na lang at hindi ako si pinocchio dahil malamang kanina pa 'to humaba ang aking ilong sa pagsisinungaling. Nakaramdam ako ng konsensya sa ginawang pagsisinungaling kay Rafael.

Kahit ang mga kaibigan ko ay hindi ko rin sinabihan tungkol dito, lalo na't nandiyan sina Tali at Farrah. Hindi pa rin kasi humupa ang disgusto ni Tali kay Zedec. And Farrah... well Farrah is Farrah. Paniguradong hindi iyon titigil sa pangungulit sa'kin tungkol kay Zedec, mukhang kabilang pa naman ang asungot na 'yon sa listahan ng college crushes ng kaibigan. Baka utusan pa akong kunan ito ng litrato para sa kabaliwan nito.

Kaya hangga't maaari ay ayaw ko na sanang malaman nila ang tungkol sa ginawang pagtulong sa'kin ni Zedec para sa UPCAT.

It's not that big a deal, anyway.

Pagkarating ko sa parking lot ay namataan ko ang sasakyan ni Zedec, nasa pinakadulo ito nakapark. Lumapit ako doon.

"Now, what? Hindi ba 'yan makapaghintay mamaya ang sasabihin mo?" bungad ko sa kanya.

"Sinabi ko bang may sasabihin ako?"

"Huh? E, anong pinunta mo rito? Mamaya pa ang usapan natin, ah."

Umayos siya ng tayo mula sa prenteng pagkakasandal sa pintuan ng kanyang kotse. Sinundan ko siya ng tingin nang lumibot siya rito.

"Let's go," anyaya niya at pinagbuksan ako ng pinto ng front seat.

"Huh, but I'm with Manong."

"I already texted him na ako ang susundo sa'yo, I got his number from your brother."

"What?!"

I checked my phone at nakitang may mensahe nga roon galing kay Manong, sinabing kinontact siya ni Zedec.

I rolled my eyes.

Nagmartsa na ako papunta sa kanya nang may tumawag sa akin. Nilingon ko ang pinagmulan ng boses at nagulat nang makitang si Rafael iyon.

For What It's Worth (Daily Dose Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon