Chapter 5

192 79 34
                                    

Naglakad ako papunta sa kotse ni Kuya bitbit ang tumbler na may lamang kape.

Wala si Manong dahil susunduin niya si Mommy sa airport ngayong umaga. Si Daddy naman, kagaya ng sinabi niya kahapon, ay maagang pumasok sa kompanya. Kaya heto't ang kapatid ko ang maghahatid sa akin sa eskwelahan.

"Wow, did you pull an all-nighter? Laki ng eyebags natin, ah!"

Iyon ang bungad niya sa akin pagkapasok ko pa lang sa sasakyan. Hindi ko siya pinansin, nilapag ko agad ang aking bag saka nagkabit ng seatbelt.

"So, I'll be expecting a perfect score from you, huh," patuloy niya nang makalabas ang sasakyan sa gate ng bahay.

I looked at him with a straight face, tinawanan niya lang iyon. "Shut up, I'm not gonna tell you my scores."

Binuksan ko ang tumbler at sumimsim sa aking kape. Isinandal ko ang ulo sa backrest saka mariing pumikit. I reached for the bridge of my nose and gently massaged it.

Gosh, I'm so tired.

I did pull an all-nighter, but I was distracted the whole night!

Hindi ko na nagawang i-absorb lahat ng binasa kagabi dahil kung saan-saan na lang napupunta ang isipan ko. Lalong-lalo na 'dun sa sinabi ni Zedec kay Daddy, na friends daw kami.

Really? Bakit siya lang ang may alam?

His words kept playing on my mind kumpara sa mga pinag-aralan ko last night. Baka ang kinalabasan pa nito'y iyon ang maisasagot ko sa test namin mamaya.

Huwag naman sana.

Dumilat ako at inayos ang pag-upo, ngayon ay nakabaling na kay Kuya na tahimik lang sa pagda-drive. Ilang segundo ay naisipan kong magtanong sa kanya. "Gaano kayo ka-close ng lalaking iyon?"

Tumingin pa siya sa kaliwa niya bago bumaling sa'kin na nakakunot ang noo.

"Huh? Malay ko kung sino iyon."

"Not that man we just passed by! I meant, Zedec," pagbibigay linaw ko.

Nagawa pa niyang matawa sa pagiging slow niya bago ako sagutin. "Call him Kuya, he's older than you."

Inirapan ko siya dahik sa ginawa niyang pagsita. Duh, ano naman? Mismong kapatid nga niyang si Sandrene, eh, minsan lang siyang tawaging Kuya.

"Fine, gaano kayo ka close ni Kuya Zedec?" I cringed when I heard myself calling him 'Kuya'.

"He's my friend, so obviously, we're pretty much close," kibit-balikat niyang sagot, sandali niya akong tiningnan bago bibalik ang tingin sa daan. "Why are you asking? Thought you guys are friends."

I faced my brother and looked at him with disbelief. "Seriously, you believed him?"

"Why not? He's got lots of friends, everybody likes that guy," I scoffed at what he said.

Oh, and I bet he's loving every bit of affection and attention given to him. And, ano raw? Everybody likes him? Well, from now on, it will no longer be everybody dahil nandito na ako, probably the only person who dislike him.

Akala niya, huh.

Malapit na kami sa university nang magbigay si Sandrene ng last minute text, punta daw kami sa bahay nila mamaya para sa paper works. Nagpakawala ako ng buntong-hininga nang mabasa iyon, hindi na ako makapaghintay na mag-September. Ang bagal umusad ng August, gusto ko ng matapos ang week na ito.

"Whoever gets a perfect or passing score will no longer take my final exam; I'll automatically give you a perfect rate in your quarterly assessment which is 30 percent of your grade. So, you better ace this summative test."

For What It's Worth (Daily Dose Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon