"Guys, ito na ang ipapasa ko sa SSG. Tandaan niyo ang mga schedule at sinalihan niyo."
Unang linggo pa lang ng Setyembre at abala na ang lahat sa pagpaplano para sa Intramurals. Next week na ito gaganapin at anim na araw ang tagal, Lunes hanggang Sabado. Maliban sa mga sinasalihang sports events at ibang competition ay required kaming mga Seniors na magtayo ng booth per section.
Iyon ang simula ng hanggang gabi naming pagaatupag sa mga ginagawang preparasyon para sa Intrams, laking pasasalamat namin at kasisimula pa ng second grading kaya hindi sumasabay ang mga academic activities dito. Buong linggo rin kaming hindi masyadong nagkakasama ng mga kaibigan ko dahil may kanya-kanya silang sinalihan.
I didn't participate in any competition kaya kasama ako sa mga gumawa ng mga props na kakailanganin ng mga representatives namin per competition at inatasan ring mag-manage ng booth sa araw ng Intramurals.
"And to light the cauldron is our 2019 Basketball Finals MVP, Martel Alfonso."
Bitbit ang torch sa kanang kamay ay patakbong inikot ni Martel ang grounds at nang masindihan na ng kaibigan ang cauldron pagkabalik nito sa harapan ay opisyal nang sinimulan ang event.
"Welcome to Intramurals 2020!"
Naghiyawan ang lahat ng mga estudyanteng nasa field, mapa-junior man o college.
Mayroong short program na inihanda para sa umagang ito bago simulan ang mga laro at operation ng mga booth mamayang hapon. And after witnessing a series of mood-lifting performances from chosen students, sinalubong ng masigarbong palakpakan ang mga naimbitahang alumni guest, most of them are social media influencer like vloggers, may isang kaka-debut na local singer din.
Everyone was having fun the whole time at tanghali na nang matapos ito.
"Thank you, bukas na namin ibibigay ang printed pictures niyo," ani ko sa magbarkada na naging unang customer ng booth.
Our class agreed na photo booth ang gagawin namin.
Ilang sandali ay lumapit dito ang mga kaibigan ko, mukhang galing sila sa paglilibot. Hindi ko magawang sumama sa kanila dahil ako ang cashier ng booth ngayong first day, kasama ang isang kaklase namin na siyang taga-kuha ng litrato.
"Naks, ang ganda ng booth natin, ah. Ikaw ang nag-design nito, Yesha?" hirit ni Lucia sabay sandal sa may pole ng tent na ginamit para sa booth.
"Sinunod lang namin ang binigay na outline ni Mika," sagot ko sa kaibigan.
Hindi ako sigurado kung sarkastiko iyong papuri niya o totoong nagagandahan talaga siya. Itinaas niya naman ang dalawang kamay sa ere, tila ba itinatanggi ang akusa ko sa kaniya.
Sandaling naputol ang pag-uusap namin nang may panibagong customer na nag-avail.
"Bakit kayong apat lang ang narito, nasaan ang kaibigan nating aso't pusa?" tukoy ko kina Martel at Farrah.
Ala una pa naman at mamayang alas kuwatro pa ang opening game ng basketball nina Martel, saka iyong sinalihan ni Farrah ay sa third day pa gaganapin.
"We signed them up sa marriage booth habang nagbabangayan sila kanina," humahagikhik na pag-amin ni Tali.
Natawa ako sa sinabi ng kaibigan at agad ring nilingon si Gavu.
"Teka, sa section niyo iyong marriage booth, 'di ba?"
Gavu chuckled before answering. "Yeah, in fact, si Martel pa nga ang nag-suggest ng marriage booth."
Tapos ngayon ang gago ang nabiktima sa sarili niyang suggestion, magaling rin.
BINABASA MO ANG
For What It's Worth (Daily Dose Series #1)
Teen FictionAinaia Consuella Aristizabal is far from your typical girl who came from a rich family, she has always been contented with her life. Family, friends, wealth, nasa kanya na ang lahat ng ito. Surrounded by peers her age who's in the phase of building...