"Ay, hindi po diyan ma'am."
Pigil ng isang kasambahay sa'min ni Rafael nang maglakad kami papuntang indoor garden ng bahay.
Iginiya kami sa isang patio, nasa unahan nito ay ang backyard nila at mayroon pang swimming pool sa left side.
Napansin ko agad ang bilang ng tao na naroon, mas marami ito kesa inaasahan ko.
"Diba, palagi akong nagre-remind sa gc na may mga bisita ako ngayon. Bakit pumunta pa rin kayo rito, at nagdala pa talaga kayo ng mga babae niyo!"
Nahagip ko si Sandrene na pinapagalitan ang isang matangkad na lalaki, hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod ito sa amin.
"Oh, I thought you're inviting us kaya panay ang share mo sa gc tungkol sa party na'to."
Nasapo ni Sandrene ang kaniyang noo, tinawanan lamang iyon ng lalaki.
"Ang boring ng party mo kung kayo lang," I saw the guy crossed his arms. "Swerte mo nga kasi nandito ako, the life of the party."
"Shut up, nakakainis kayo. Isusumbong ko kayo kay Daddy!"
I heard the guy scoffed.
"Oh sige, kunwari natakot ako sa sinabi mo," anito at umaaktong natatakot.
Tinalikuran na ng lalaki si Sandrene at nang masulyapan ko ang mukha nito ay agad kong nakilala kung sino iyon. It's Calixto, iyong mukhang hyper nilang pinsan.
Naglakad kami papalapit kay Sandrene at binati ang isa't-isa, humingi siya ng dispensa dahil nakisali ang mga pinsan at kapatid niya.
"I doubt na alam nila kung para saan 'tong victory party na'to. Pinili nila dito kesa mag-club para wala silang babayarang food at inumin."
Sumulyap ako sa gawi nila, now I noticed na nandito lahat ng pinsan at kapatid niya at may dala nga itong mga kaibigan.
Si Zedec lang ang wala roon.
Umabot hanggang hapon ang lunch date nila, huh.
"It's fine, mas magiging masaya 'to kasi marami tayo," paninigurado ni Rafael, tumango lang si Sandrene.
"Well, I think everyone's here naman so makakapagsimula na tayo!" aniya at hinila kami papunta sa bandang harapan, kung nasaan ang iba naming kasama.
Isa-isang na ngayong nilalagay ng mga kasambahay ang mga pagkain at inumin sa isang long table na nakapwesto dito sa harap, sa gilid nito ay isang nakahandang portable barbeque grill. Hindi rin nakatakas sa'king paningin ang isang videoke machine, tumaas ang kilay ko.
Talaga bang magagamit namin 'yan mamaya?
Sa gitna ay naka-arrange ang mga round wooden tables at chairs, may nakalatag ring mga banig at sarong sa gilid na sinamahan rin ng mga unan. Hindi ako sigurado kung disenyo lang iyon o pwede talagang umupo roon.
Maya-maya ay tinawag na ni Sandrene ang atensyon ng lahat.
"Before we start, gusto ko lang magpasalamat sa mga pumunta ngayon, invited man o hindi," sabay irap niya.
Natawa kami dahil agad nag-react ang mga pinsan at kapatid niya na nasa katabing round wooden table namin.
"I want to thank my groupmates, of course. I'm just so amazed with our team's chemistry, all our efforts and hard work has finally paid off, guys. We deserve this celebration so let's all have fun tonight, cheers!"
Itinaas niya ang kanyang baso at naghiyawan ang mga tao, nasasabik nang magsimula.
"Akala ko sasama sina Martel at Gavu?" tanong ko kay Ander habang kumukuha kami ng pagkain.
BINABASA MO ANG
For What It's Worth (Daily Dose Series #1)
Teen FictionAinaia Consuella Aristizabal is far from your typical girl who came from a rich family, she has always been contented with her life. Family, friends, wealth, nasa kanya na ang lahat ng ito. Surrounded by peers her age who's in the phase of building...