Mabilis lumipas ang mga araw. Hindi ko namalayan na unang linggo na pala ngayon ng Oktobre.
Patuloy pa rin kami sa pagkikita ni Zedec, tuwing alas singko sa café. Iyon na ang naging set up namin. Kaya wala pang alas singko ay umaalis na ako sa university, at hindi ko lubos naisip na mapapansin iyon ng nga kaibigan ko.
"Let me guess, emergency?"
Natigil ako sa pagtipa ng mensahe para kay Zedec dahil sa tanong ni Lucia. Tumango ako at umismid lang ang kaibigan.
"Na naman?" puno ng pagdududa ang boses ni Ander.
"Aba, Yesha, pang ilang emergency mo na 'yan sa buwang ito! Minsan ka na lang ding sumama sa study out natin dahil palagi kang nauunang umuwi. Ewan ko kung maniniwala pa rin ako sa'yo kapag sinabi mong nay emergency ka na naman ngayon."
"Chill, Farrah, tumatalsik ang laway mo," sita sa kaniya ni Martel bago ako binalingan. "Pero seryoso, may hindi ka ba sinasabi sa amin?"
Napaatras ako mula sa pagkakaupo dahil sa paraan ng pangungusisa niya. Parang pinaghalong nakakatawa at nakakatakot. Sinulyapan ko ang dalawang walang imik. Si Gavu ay nasa librong binabasa ang atensyon habang si Tali ay mariin akong tinitingnan.
"Okay fine, I'll tell you. But first, Martel tigilan mo nga 'yang kakadilat sa mata mo, ang creepy mo tingnan," ani ko, binatukan siya ni Farrah dahil doon.
"Truth is... I'm preparing for the UPCAT," pag-amin ko sa kanila.
Biglang tumahimik. Tiningnan ko sila at naghintay sa kanilang reaksyon pero wala akong natanggap. Mukhang nag-aabang pa sila ng idudugtong ko kaya sinipat ko sila.
"Huh... weh?" hindi pa rin naniniwalang saad ni Ander.
"And? Iyon na 'yon?" si Lucia na mukhang hindi nakuntento.
Tumango ako. "Yeah, ano ba ang akala niyo?"
"Seriously? Wala kang tinatagong boyfriend sa amin? Wala kang bagong mga kaibigan? Or kahit ano na mas surprising diyan sa sinasabi mo?" parang praning si Farrah sa mga pinagsasabi niya.
And, hey! Anong hindi surprising? Alam naman nila na hindi ako iyong tipo na magsusumikap at paghahandaan ang mga ganitong bagay. They know how chill I am. So this should be a big thing for them.
Inilingan ko siya bilang sagot.
"Oh, ayan na, Farrah. Wala sa mga iniisip mo ang ginagawa ni Yesha kaya pwede ka nang kumalma. Kakapanood mo 'yan ng mga drama, e."
Natawa ako saad ni Martel para sa kaibigan. Okay so basically naamin ko na sa kanila. Hindi ko nga lang sinabi kung sino ang tumutulong sa'kin.
Nahagip ko muli ang tingin ni Tali sa'kin. Seryoso iyon at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Normally, she's loud like Farrah pero ngayon ay tahimik lang siya gaya ni Gavu.
Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya.
Pupunta sila ngayon sa bahay ni Ander, biyernes na kasi ngayon kaya wala nang problema kung gagala man. Hindi ako sasama dahil magkikita kami ni Zedec mamaya kaya nauna na akong magpaalam sa kanila. Pagdating ko sa parking lot ay wala roon ang sasakyan ng asungot. Nilibot ko pa ang tingin para makasigurado. Natigil lang ako nang tawagin ako ni Manong.
Oh, so sa café na pala kami magkikita?
"Yesha," tawag ng kung sino man sa akin.
Paglingon ko ay nakita kong si Tali iyon, siya lang mag-isa at hindi kasama ang iba naming kaibigan. Naglakad siya papalapit sa'kin.
"Tali," I acknowledged her.
"I know your dating Zedec Punzallano," walang pag-aalinlangan niyang sabi.
BINABASA MO ANG
For What It's Worth (Daily Dose Series #1)
Teen FictionAinaia Consuella Aristizabal is far from your typical girl who came from a rich family, she has always been contented with her life. Family, friends, wealth, nasa kanya na ang lahat ng ito. Surrounded by peers her age who's in the phase of building...