Chapter 11

101 36 3
                                    

"What's this?"

Napalingon ako sa tanong ni Ate at nakitang binubuksan niya ang brown envelope na may lamang pictures nina Sandrene do'n sa photobooth. Mabilis akong napatayo at agad iyong hinablot mula sa pagkakahawak niya.

"Tingnan mo tuloy," sambit ko at inayos ang mga litrato dahil medyo nayupi iyon sa pagkakahablot ko.

"Bakit may picture ka nila?" nakahalukipkip niya akong pinagmamasdan habang naghihintay sa sagot ko.

"Sa photobooth namin 'yan," tinalikuran ko siya at bumalik sa pwesto para kunin iyong hihiramin niya.

Today's Saturday, last day na ng intrams at hanggang ngayon ay di pa rin namin nabibigay kay Sandrene iyong litrato nila. Marami kasi siyang competition na sinalihan kaya nahihirapan kaming hanapin siya, saka hindi na rin pumunta muli ang mga kapatid niya do'n sa university.

"Here..." inabot ko kay Ate ang hair straightener. "Isuli mo 'yan agad, huh."

Inirapan niya lamang ako bilang pasasalamat bago lumabas sa aking kwarto. Nang maisara ko na ang pinto ay hinanda ko na ang mga gamit at susuotin ko para sa araw na ito saka pumasok na sa banyo para maligo, hindi na ako masyadong nagtagal.

Sumabay ako kay Kuya papuntang skwelahan, maaga kasi ang alis niya dahil ngayon na ang opening ng UAAP. Maaga rin ako dahil ngayong umaga gaganapin ang Mr. and Ms. Intramurals na sinalihan ni Tali, tutulungan namin siyang magkakaibigan sa paghahanda at pag-aayos para sa kompetisyon.

"Ano 'to?"

Nakarating na kami sa university, lalabas na sana ako ng sasakyan nang pigilan ako ni Kuya at naglahad ng ticket para sa first game nila mamaya, dalawa iyon.

"Punta kayo ng kaibigan mo," pinasadahan ko iyon ng tingin, mamayang 4 pm ang laro at UP Fighting Maroons ang makakalaban nila.

"Bakit dalawa lang, anim ang mga kaibigan ko."

Sino ang isang pipiliin ko sa mga 'yon, e, halos silang lahat ay mahilig manood ng basketball match. Si Tali lang ang hindi.

"Oo nga 'no, nakalimutan ko," aniya nang napagtanto ang sinabi ko, humarap siya akin nang may mukhang naisip na solusyon. "Gawin mo nalang iyong eeny, meenie, miny, mo sa pagpili para walang bias."

Napalingu-lingo ako habang siya naman ay tumatawa sa sarili niyang suhestiyon.

"I'd me more happy kung 'yung perang pinambili mo rito ang binigay mo sa akin, you know," pinagkibitan niya lang ako ng balikat.

Nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na sa kotse.

Puno ng mga audience ang gymnasium nang madaanan ko ito papunta sa room kung nasaan ang mga candidates, nakatuon ang mga atensyon ng lahat sa harap kung saan nagbibigay ng opening speech ang Directress ng university.

Pagpasok ko sa room ay lumapit agad ako sa aking mga kaibigan.

"Wow, you're so pretty," ngumiti lamang si Tali sa sinabi ko dahil nilalagyan ngayon ni Lucia ng lipstick ang labi niya.

"Gago, ang lag," bumaling ako sa nagmamaktol na Martel, binigyan niya ng makahulugang tingin si Farrah.

Mukhang naglalaro silang tatlo ngayon ng ml.

"Subukan mong lumabas, matatamaan ka talaga sa akin," sipat ni Farrah sa kaibigan.

"Di na kailangan, matagal na akong tinamaan sa'yo, e."

Malakas kaming naghalakhakan sa biro ni Martel, si Farrah naman ay namumulang inirapan ang kaibigan.

Simula nung ikinasal sila sa marriage booth ay tinutukso na namin silang dalawa sa isa't isa, ang nakakatawa pa ay sinasabayan lang ni Martel ang mga biro at humihirit pa ng banat kay Farrah.

For What It's Worth (Daily Dose Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon