Chapter 2

395 253 62
                                    

"Are you for real!?"

Malakas at medyo oa na sambit ni Farrah mula sa screen. Kinukwento ko kasi sa kanila ang nangyari kila Sandrene noong Biyernes. Sunday na ngayon, nasa kanya-kanya kaming bahay habang nagvi-video call.

"Malay ko ba na kapatid niya pala iyon. Saka, may mali ba sa ginawa ko?"

Actually, oo. I called him names kaya meron talaga akong maling nagawa. Hindi ko na nakayanang pigilan ang sarili dahil sa inis na nararamdaman.

Ang ayaw ko kasi sa isang tao ay iyong nagmamarunong, pabida at nakikisawsaw. Tapos nagkataon pa talagang iyon ang mga inasta niya kaya talagang ganoon ang naging reaksyon ko. Basta, ewan ko ba, lumalabas siyang Mr. Know It All sa mga pangangaral niya. Akala mo kung sinong perpekto.

"Aminin mo, Yesha, gwapo 'no? E, Punzallano 'yon," tinapunan ko ng masamang tingin si Farrah dahil umaandar na naman iyang pagkahumaling niya sa mga lalaki.

I shifted from my seat para muling alalahanin ang itsura no'ng Zedec.

Well... he actually has this asian latino look, iyon din naman ang napansin ko sa kapatid niyang si Sandrene pero mas umaapaw iyong sa kanya.

Hindi siya iyong gaano kaputian, tama lang para bumagay sa naka-clean cut niyang itim na buhok at makapal na kilay. His pointy nose, full lips and firm jawline are greatly placed on his well structured face. Also... he's got a pair of almond brown eyes, na sa tingin ko ay hindi gaano ka espesyal dahil marami namang may ganoong kulay ng mata rito sa Pilipinas.

"Uhm, okay naman ang itsura niya. Sakto lang," maikli kong sagot.

Napansin ko kung paano ako tiningnan ni Farrah sa sinagot ko, halatang hindi kontento sa narinig. Tinagilid niya ang kanyang ulo at tumingin sa taas, mukhang iniisip ang pagmumukha ni Zedec. Nagtanong pa siya, e, halata namang naka-follow siya sa mga social media ng mga ito.

"After that? Anong sabi ni Sandrene?" Tali suddenly asked while painting her nails. Mga kaartehan talaga ng babaeng ito.

"There's nothing more after that, I guess?" hindi sigurado kong sagot.

"Yeah, after her mini show with Sandrene's brother ay tahimik lang kaming lahat hanggang sa matapos ang meeting. Bro, the silence felt like a year!" hirit ni Ander.

Inirapan ko ang kaibigan mula sa screen dahil sa exaggerated na pahayag. Hindi naman ganoon ka tahimik, sadyang si Sandrene lang talaga ang palaging nagsasalita do'n sa meeting.

"Kaya dapat kinakaibigan mo ang mga pamilyang iyan para hindi ka magmukhang tanga sa susunod," sabat ni Lucia, nasa likod niya naman ang pinsan na si Gavu.

Nasa puder nila kasi ito ngayon dahil nasa ibang bansa nakabase ang trabaho ng mga magulang nito. Hindi rin pinahintulutan na mag condo dahil hindi mapapanatag ang ina ni Gavu.

"Six friends are already a handful for me, hindi ko na kakayanin magdagdag ng kung sino pa diyan."

Also, I am not a social butterfly. I don't know where to get the confidence para kaibiganin ang mga Punzallano, Rijalva, Saldivar at kung sino pa iyang mga kasosyo namin sa negosyo. Kontento na ako sa mga kaibigan ko. Hindi man kami magkalebel ng social status, nasa kanila naman ang mga katangian na hinahanap ko sa isang kaibigan.

"Tama 'yan Yesha, huwag ka nang maghanap ng ibang kaibigan, baka magselos kami niyan," biro ni Martel.

"Shut up, ikaw nga itong parang tatakbo bilang Mayor, kinakaibigan lahat ng nasa campus," pambabara ni Farrah.

"Bakit, selos ka?"

"Of course not!"

"Oh, edi tumahimik ka."

For What It's Worth (Daily Dose Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon