Chapter 3

303 181 47
                                    

Tahimik akong naglalakad pabalik sa room.

Lunch time na ngayon at kakakuha ko lang sa pinahatid kong textbook kay Manong Karding na gagamitin namin mamaya sa klase.

I was in the middle of scrolling through my Instagram nang makita ko ang isang post doon ni Sandrene, I just followed her yesterday. Her post was 12 hours ago, nagtagal ang tingin ko doon sa post niya.

1,076 likes
sand.pnzlln Look who's back from Cebu!!! We missed your katahimikan @rigelll lmao xoxo

Isa-isa kong tiningnan ang bawat taong nasa litrato.

Walo silang nandoon na kung saan pilit na pinagsisiksikan ang mga sarili sa isang maliit na couch habang tinuturo ang lalaking nasa gitna na nakatitig lang sa camera.

Nahagip naman ng aking mata si Zedec na nasa pinakagilid, nakangiti siya habang tinuturo iyong tinutukoy ni Sandrene sa caption.

I swipe to see more of the photos, apat kasi iyon.

The second photo looks pretty the same sa nauna pero ngayon ay nakangiti na ang lalaking nasa gitna, halatang napipilitan. Sa pangatlong photo ay kanya-kanya na sila ng pose. Pero naagaw ang tingin ko sa lalaking nasa paanan ng couch, nakanguso siyang tumingin sa camera habang malaswang nakadapa. Mahina akong natawa sa nakita.

Ang panghuling larawan ay candid ang pagkakuha doon sa kaninang lalaki na nakadapa, pero ngayon ay nakatayo lang siya nang sobrang lapit sa camera habang nakanganga ng sobrang laki ang bibig. Mukhang sumisigaw siya nang kinuhanan ito.

Tiningnan ko ang comments na naroon, at kadalasan nito ay iyong lalaki ang pinupuna. Nakita ko pang isa si Kuya sa nag-comment doon.

sand.pnzlln for everyone's information, kuya Tiago pulled down his shorts kaya po ganyan ang last pic lmfao

avistozabal ang kalat mo dude @notcalixto

gaelrijalva wtf bro @notcalixto I can clearly see your imperfectly shaped uvula smh

I went back doon sa mga pictures, tiningnan ko ang mga tagged accounts at isa-isa iyong vinisit. Halos sa kanila ay nakaprivate ang account, tatlo lang ang public.

Una kong tiningnan iyong sa kay Calixto, i was a little bit shocked when i saw the number of his followers. Not expecting him to be this famous. Random stuff lang ang mga pinopost niya na sinasamahan niya ng mga nakakatawa o walang kwentang caption.

May isa doon na picture lang ng ulo niya.

1,599 likes
notcalixto ang sakit ng ulo ko, pero okay lang dahil mas masakit daw ang walang ulo.

Hindi ko masyado na gets pero i think its funny kase may tumatawa sa comments.
As I browse more in his feed, I found out that he's a varsity player in their university, he also do modelling. So that explains the 10.28K followers, huh.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad nang mapunta na sa account ni Zedec.

Wait, am I stalking him?

Of course, not!

I'm just checking his account!

Ipinilig ko ang ulo ko at nagpatuloy na. His icon is a picture of his silhouette during a sunset, nakatalikod siya sa camera. Hindi katulad ng sa pinsan niya, nasa 2,963 lang ang followers nito. He only have 8 posts, I checked it immediately. Kadalasan ng mga pictures niya ay mga tanawin lang ng mga lugar sa iba't ibang bansa na binabakasyonan nila.

981 likes
zaidicarus pls tell my sister to clean her nails lol

Iyon lang ang post niya na siya mismo ang nasa picture, hindi pa ganoon kaayos dahil may nakaphotobomb na nakapeace sign na kamay sa gilid.

For What It's Worth (Daily Dose Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon