ENTRY #1

170 21 24
                                    

This is a short story that I also posted on my facebook account. I also posted it here cause I want to share it to my Wattpad readers. Hope you like it! :)))

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

A MAN IN A WEEK

Lunes.

"Asan nanaman ba yung lipstick ko! I need it! I need to look pretty!" Natataranta nyang pinaghahalungkat ang mga gamit nyang pang make up. Niyakap ko sya mula sa kanyang likuran.

"Hindi mo na kailangan yun, mahal. Araw araw kang maganda para sakin may lipstick man o wala." Pagcocomfort ko sa kanya. Huminga sya ng malalim pero pinilit pa ding hanapin ang nawawala nyang lipstick. Sya si Clarisse. Ang babaeng pinakamamahal ko.

Martes.


"Ano kayang feeling ng maging isang bituin sa kalangitan?" Mahinang sabi nya na animo'y tinatanong nya mismo sa kanyang sarili. Tinignan ko sya na ngayon ay nakatingala at pinagmamasdan ang libo libong bituin sa langit.

"Ikaw, ano bang feeling mo?" Balik kong tanong sa kanya. Kunot noo nya akong nilingon.

"Ha? Hindi naman ako isang bituin para malaman ko ang kasagutan." Hinaplos ko ang kanang pisngi nya bago ako nakangiting sumagot.

"Hindi totoo 'yan. Dahil para sakin ikaw ang nag iisa kong bituin na kahit kelan hinding hindi mawawala ang kinang ng iyong kagandahan." Inipit ko ang buhok nya sa likod ng kanyang tenga. Mahilig syang magsaliksik tungkol sa astronomy. Mga bagay na tungkol sa kalawakan. At sya si Astrid. Ang babaeng pinakamamahal ko.

Miyerkules.


"Tumahan kana." Mahigpit ko syang niyakap dahil kanina pa sya walang tigil sa pag iyak. Ang sabi nya ay iiwan ko sya dahil meron akong ibang babaeng inuuwian bukod sa kanya. Sa tuwing tinitignan ko sya ay kitang kita ko ang pighating kanyang nararamdaman kasabay ng bawat pagtulo ng kanyang mga luha.

"Hindi.. H-Hindi! Lumayo ka! Iwan mo na ko! Dyan ka naman magaling diba!?" Pilit nya kong pinagtutulakan palayo ngunit dahil sa mas malakas ako sa kanya ay sinamantala ko yun para mas lalong hindi ko sya pakawalan.

"Ikaw lang ang mahal ko.. Mahal na mahal kita." Tumulo ang aking mga luha habang yakap ko sya ng mahigpit. Ayokong nararanasan nya ang ganito. Hindi ko kayang makita syang nasasaktan at iniisip na kaya ko syang iwan. Sya si Maddy. Ang babaeng pinakamamahal ko.

Huwebes.


"I love this outfit!" Kitang kita ko ang malawak nyang pag ngiti habang nakatingin at nakatayo sa harapan ng salamin. Umiikot ikot pa sya at halatang gandang ganda sa suot nyang highwaisted pants, white converse shoes, black croptop shirt na may mukha ni Jennie Kim ng Blackpink, habang may nakasukbit sa kanan nyang balikat na black din na canvass bag. Sumandal ako sa gilid ng pinto habang nakangiting pinagmamasdan sya.

"I love you too.." Mahinang sambit ko sa aking sarili habang nanatiling nakatingin sa kanya. Sya si Sassy. Ang pinaka fashionistang babaeng pinakamamahal ko.

Biyernes.


"Gising kana ba?" Dahan dahan kong binukas ang dalawang mata ko nang marinig ko ang boses nya. Automatic syang napangiti nang makita akong gumising. "Yey!" Pagkatapos ay hinalikan nya pa ako ng isang beses dahil sa tuwa.

"Ano ang gusto mong almusal? I'll cook!" Excited nyang tanong sa akin.

"Can we stay like this for a moment?" Paghingi ko ng pabor sa kanya. Mas lumawak ang ngiti nya abot tenga. Kinurot nya pa ako sa ilong bago muling nagsalita.

"Ikaw ha! Gusto mo nanaman akong masolo!" Pagkatapos ay pinang gigilan nya ang aking dalawang pisngi. Kahit masakit ang pagkakakurot nya ay hindi nalamang ako kumibo. Dito sya masaya. So I let her.

"Araw-araw.. Araw-araw kitang gustong masolo." Bulong ko sa kanya. Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Ang mga pilyo nyang ngiti ay unti unting napalitan ng pananabik kasabay ng unti unti ding pagpikit ng kanyang dalawang mata senyales na handa na sya. So, I kissed her lips and let her wrapped her arms around my neck.

"I love you so much." I whisper to her ear. Sya si Sweet. Ang babaeng pinakamamahal ko.

Sabado.


"HEY, HEY, YOU, YOU! I DON'T LIKE YOUR GIRLFRIEND! NO WAY! NO WAY! I THINK YOU NEED A NEW ONE!" Hindi pa ako nakakapasok ng bahay ay ang malakas na pagkanta at tugtog agad nya ang naririnig ko. Nakangiti kong binuksan ang pintuan at naabutan ko syang nag heheadbang pa at tuwang tuwa na sinasabayan ang pagkanta ni Avril Lavigne sa speaker. Napatigil sya nang makita akong pumasok.

"Love!!" Patakbo syang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Buti nakauwi kana!" Nakangiti nyang sabi. Tinignan nya yung bulaklak na dala dala ko. "Para sakin ba 'to?" Tanong nya. Tumango ako bago ko sya hinalikan sa noo.

"Ibaba mo na muna yan at tayo'y mag rakrakan!" Paghila nya sa akin. Natawa nalamang ako ng mahina bago nya pinahawak sa akin ang walis tambo at gamitin ko daw yun bilang electric guitar. Natatawa nalang ako na sinunod ang gusto nya. Sya si Rakky. Ang babaeng pinakamamahal ko.

Linggo.


"Hindi ba't ang sabi ko sayo ay susundin mo lagi ang sinasabi ni Mommy? Alam mo namang ayokong nalilipasan ka ng gutom." Pababa ako ng hagdan nang marinig ko ang boses nyang kausap ang batang lalaki.

"Sorry, Mommy.. I love you." Sagot naman ng apat na taong gulang naming anak bilang paglalambing sa kanya. Nang makita nya ako ay animo'y naging slow motion ang pag galaw ng paligid. Maski ang pag flip nya ng kanyang buhok ay tila nakakaakit sa aking paningin.

"Buti naman bumaba kana, mahal." Nakangiting sabi nya habang inaayos ang necktie ko. Hinalikan ko sya sa labi bilang isang good morning kiss. "Tara na, baka mahuli tayo sa misa." Masayang pag aya nya sa akin at kay Max. Si Max-ang nag iisa naming anak. Nakakalungkot man na sa tuwing araw lang ng linggo nya naaalalang may anak kami ay okay lang dahil kahit hindi nya maalala ay alam at ramdam ko naman ang hindi mawawalang pagmamahal nya sa aming mag ama.

At sya si Lily a.k.a Lian.

Ang aking nag iisang asawa. May pito syang iba't ibang katangian at sa araw ng linggo lang lumalabas ang tunay na sya. Mahirap man paniwalaan pero araw araw ay iba iba ang kanyang katauhan ngunit nag iisa lang ang maipapangako ko sa kanya-

Sya lang ang nag iisa. Ang nag iisang babaeng pinaka mamahal ko.

THE END.

~/~/~/~/~/~/~/~/~/~/~/

Please leave a vote and comment if you like it! :)))

Written by: _trixyann
Add me on facebook: Trixy Ann
Follow me here on Wattpad!🧡

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon