ENTRY #8

48 7 10
                                    

"PRECIOUS"

--

I dialled her number and wait for her to answer it. After three rings she finally picked it up.

"Babe!" Tuwang tuwa kong pagtawag sa kanya nang masagot na nya ang tawag.

"Hello, my love!" Base sa boses nya ay ramdam ko ang excitement at pagkagalak.

"HAPPY ANNIVERSAR-- HAHAHAHAHAHA" Natawa kami pareho nang halos sabay kaming mabati ang isa't isa.


She's my girlfriend. My life. I'm so inlove with this girl and sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, paulit ulit ko nang iniimagine ang sarili kong kasama sya hanggang sa pagtanda at makasama din sya bilang isang ina ng mga anak ko. Her name suits her so well..



—She's Precious. My precious.


Bilang ito na ang pang limang anibersaryo namin ngayon, I made something special for her. Gumawa ako ng surprise para sa kanya. A simple dinner but ako mismo ang nagluto at nag ayos ng place at sinamahan ko pa ng pagmamahal.

All these years, hindi naman ako nagluluto ng ganito kadami para sa kanya. As her partner, alam ko namang hindi ako ganun naging sweet at showy na boyfriend. Ewan ko ba, sadyang hindi lang kase ako masyado clingy or anything. Basta ang mahalaga ay alam ko sa sarili kong mahal na mahal ko si Precious at sinisigurado ko ding alam nya ang bagay na yon.

Kaya paniguradong magugulat at matutuwa sya sa surpresang inihanda ko para sa kanya.




I'm so excited too!!


Huminga ako ng malalim bago ko nakangiting hinawakan ang red box na bulsa bulsa ko lamang kanina. It is now seven in the evening. Anytime soon ay darating na si Precious. Halo halo ang nararamdaman ko, saya, excited, kaba, takot at kung ano ano pa..




"I hope she'll say yes.."

--

After two fcking hours of waiting I gave up!! I even tried to call her so many times but she doesn't even cared to answer it!! Fck!! I'm so upset and decided to go home. Hinipan ko na ang kandila na nakasindi sa gitna ng table naming dalawa pagkatapos ay mahigpit ko nalamang hinawakan ang red box bago ko ito pagalit na ibinulsa sa suot kong pantalon.



"How was your date with---" Hindi ko na inantay pang makatapos ng sasabihin si Mommy at dire-diretso nalamang akong naglakad patungong kwarto ko.

Nagkulong ako sa loob at pinipigilan kong umiyak pero hindi ko na kinaya pa. Sobrang sakit lang! Andun na e! I even tried to call her naman diba!? But she just ignored it! Like I was nothing! Na parang hindi nya naisip na merong ako na nag aantay sa pagdating nya!

Galit kong kinuha ang red box at inis na ipinatong ito sa tabi ko sa ibabaw ng kama. My plan was to proposed to her.



But she didn't showed up..



*Knock! Knock!*




Inis kong pinunasan ang luha ko nang marinig kong may kumatok.



"I want to be alone, Mom.."



*Knock! Knock!*


"Mom, I said---"




"Babe.."



Napabalikwas ako bigla mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang boses at pagtawag ni Precious. Dali dali akong tumayo at naglakad patungong pintuan. Binuksan ko ito at handa na akong pagalitan sya nang bigla kong maramdaman ang dalawa nyang kamay na agad na yumakap ng mahigpit sa akin.


"Precious, we need to talk----"



"Sorry, Zach.." She whispered. Huminga ako ng malalim bago ko sya hinawakan sa kamay at pinapasok sa loob ng kwarto ko. Sinundan ko lang sya ng tingin habang diretso syang naglakad patungong kama at umupo doon. "Patawarin mo ko kung hindi ako nakasipot.. Y-You know how much I wanted to see you.. Hindi ko ginustong hindi ka siputin." Umiiyak nyang sabi na halos pumiyok na. Tumalikod ako sa kanya kaya ngayon ay nakaharap na ako sa nakasarado kong pintuan.



"Don't cry, Precious. Nangyari na.. Wala na kong magagaw---"



*Knock! Knock! Knock!*




Naputol nanaman ang sasabihin ko nang marinig ko ang sunod sunod at mabibilis na katok sa pintuan ko.


"Zach! Zach!" Boses ni Mommy. Dali dali ko naman itong binuksan. Bumungad sa akin ang mukha ni Mommy na may pag aalala habang hawak ang telepono. "M-Mommy ni Precious ang nasa linya.." Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla sa tono at takot sa mukha ni Mommy.



"Tita.." Sambit ko nang maitapat ko na ang telepono sa kanang tenga ko.





"Z-Zach.. Andito kami sa hospital.. Please pumunta ka dito.." Napakunot ako ng noo ko nang marinig ko syang iyak ng iyak at halos pumiyok dahil sa paghikbi.



"B-Bakit po---"




"Si Precious.. W-Wala na si Precious.. She got into a car accid---"



Hindi ko na narinig pa ang sunod nyang sasabihin nang unti unting dumulas sa kamay ko ang telepono na naging dahilan para bumagsak ito sa sahig.



Namuo ang mga luha kong dahan dahang nilingon ang babaeng nanatiling nakaupo sa kama ko.. Nakangiti sya sa akin ngunit punong puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata..


"P-Precious..." Halos hangin nalamang na sambit ko sa pangalan nya. Tumayo sya at naglakad palapit sa akin. Umiiyak nyang hinawakan ang magkabila kong pisngi.. Sa isang pagkurap ko lang ng aking mga mata ay napalitan ng duguan ang napakaganda nyang mukha..




Kasabay ng paghawak ko sa malamig nyang mga kamay ay ang pagbagsak din ng mga luha ko..




"Mahal na mahal kita.. Hanggang sa muli, Zach."

THE END!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon