ENTRY #10

42 7 6
                                    

"HAUNTED"

--

"Talaga bang dito tayo titira?" May halong pagkairitado kong tanong kay Mama habang buhat buhat ang bag kong naglalaman ng mga damit ko.

"Oo, aarte ka pa ba? Mas malapit na 'to kesa sa eskwelahan mo." Sagot naman nya habang inilalabas ang mga maleta na nasa loob ng kotse namin.

"Ma, afford naman nating mamili ng bahay na mas maganda kesa dito! This house is sooo old and creepy!" Kunot noo kong sabi sa kanya.

"Manahimik ka nga. Yung iba nga walang bahay di nagrereklamo, tapos ngayon ikaw pa may gana dyan!" Sagot naman nito sa akin bago nya iniabot ang susi ng bago naming bahay. "O, buksan mo na para maipasok na natin ang mga gamit.."

"Ate!" Habang sinususian ko ang pintuan ay ang makasat kong kapatid na si Aura ang nangulit naman sa akin.

"Sandali nga at sinususian ko pa 'to." Sabi ko dahil nangangasat nanaman sya. Pagbukas ko sa bahay ay ang kulob na amoy agad ang bumungad sa akin. Ano ba kasing pumasok sa isip ni Mama at binili nya pa 'to? Mukhang haunted house!

---

Kinahapunan, inutusan ako ni Mama na magtapon sa labas kung kaya't sinunod ko naman agad sya.

"Hija, kayo ba ang bagong lipat sa bahay na iyan?" Napaangat ang tingin ko sa isang babaeng hindi ganun katandaan pero may mga puti na ang buhok nito at nakasuot sya ng daster. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. "Makatulog ka sana ng mahimbing sa gabi.." May ibig sabihin na tingin nito sa akin bago muling saglit na sumulyap sa bahay at tumalikod na sa akin. Dahil sa hindi ko inaasahan ang sinabi nya ay hindi ako kaagad nakasagot at nakatayo lamang ako doon habang pinagmamasdan ko syang naglalakad palayo sa akin.

--

"Hell yeah! Ang creepy dito!" Isinampa ko pa ang magkabilang paa ko sa railings habang nakaupo ako at may kausap sa cellphone.

Alas dos na ng madaling araw pero hindi pa din ako makatulog marahil dahil sa naninibago ako sa bahay at hinahanap hanap ang presensya ng dati naming tinutuluyan. Kausap ko sa telepono ang best friend kong si Sarah.

"Baka feeling mo lang yun! So, ano gala ako minsan dyan ha?" Halata pa din ang excitement nitong sabi. Napairap nalamang ako sa hangin bago muling ininom ang pineapple juice sa basong hawak ko.

"Aurora..."

Halos mapaigtad ako sa kinauupuan ko nang makaramdam ako ng malamig na bagay na parang dumampi sa batok ko. Animo'y may parang hangin na lumapat dito. Napatingin ako sa likuran ko ngunit ang madilim na kwarto ko lamang ang bumungad sa akin.

"Aurora! Ano, nandyan kapa ba?" Rinig kong pagtawag sa akin ni Sarah. Doon lamang ako nabalik sa sarili ko. Muli akong umayos ng pagkakaupo at sumandal. Ipinatong kong muli ang dalawang paa ko sa railings.

"O-Oo.."

"E bakit parang nauutal ka? Hahahaha!" Tumatawang tanong nito sa akin. Saglit akong muling tumingin sa likudan ko bago ko hinilot hilot ang sintido ko.

"Sarah, sinabi mo ba yung pangalan ko kanina?" Sinusubukan kong maging kalmado sa pagtatanong ko sa kanya.

"Oo? Diba tinanong ko pa nga kung nandyan ka pa?" Mabilis naman nyang sagot na tila naguguluhan.

"H-Hindi yon.. Bago pa yun." Sabi ko naman.

"Kanina pa tayo nag uusap pero ayun lang ang tanging beses kong naaalala na kung saan kita tinawag. Puro kase hangin lang at garalgal ang narinig ko e."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon