ENTRY #13

35 6 5
                                    

"APRIL FOOLS"

---

Masaya akong nag inat habang may magkabilang ngiti sa labi. Agad kong kinuha ang phone mula sa bedside table at inopen ang messenger.


Agad namang nanguna ang pangalan ni Franco. Ang boyfriend ko. Nag greet lang naman sya ng good morning at magkita daw kami sa school. Hindi ko naman maalis sa mukha ko ang kilig dahil sa message nya. Nagreply muna ako bago ko napagpasyahan lumabas na ng kwarto.


"HAPPY APRIL FOOLS DAY!!!" Malakas kong sigaw sa loob ng bahay.



"Jade naman e! Ipaprank ko pa naman si Mama!" Kumakamot sa ulong singhal sakin ni Kuya Jordan. Tinawanan ko naman sya. Lumapit naman ako kay Mama para humalik sa pisngi.



"Good morning, Ma." Mahina kong sabi.



"Good morning." Nakangiti nyang balik na sagot. "Anyway, ikaw Jordan ha. Pag ako inatake atake sa mga kalokohan mo." Pananakot nya kay Kuya. "Pero kahit anong prank pa yan, kahit ilang beses nyong sabihin ang 'April fools!' Hindi naman ako maniniwala." Dugtong nya. Napakunot naman ako ng noo habang nagpapalaman ng tinapay.



"Bakit naman, Ma?" Ako na ang nagtanong.



"Kase kahit naman month ng April o hindi man, may mga panloloko pa ding nagaganap." Seryosong sagot nito. Napatigil ako sa ginagawa ko at kunot noong tumingin sa kanya. Wala syang kahit na anomang reaksyon habang naghihiwa ng mga sangkap para sa lulutuin nya.




Pagkatapos kong gawin ang lahat lahat ay handa na akong pumasok. Nagpaalam na ako kay Mama at Kuya bago ako lumabas ng bahay. Ilang minuto lang at nakarating na ako sa school. Agad na sumalubong sa akin si Franco.




"Oy, alam kong April ngayon kaya wag mo kong maprank prank ha." Agad nyang paalala sa akin. Pabiro ko naman syang siniko sa tagiliran.




"Oo na!" Natatawa kong sabi. Naaalala ko pa. Last April, pinrank ko syang may lalaki ako, pinatagal ko ang prank na yun sa maghapon. Sakto namang lagi kong kasama nun ang dati kong kaklase na si Hans. Napagkamalan nyang ayun ang lalaki ko! Edi ayun nakapanood ako ng live na suntukan hays! Kaya sinusumpa ko di ko na uulitin ang pag prank kay Franco.





Bago ako pumasok sa loob ng room ay pinalitan ko na ang emosyon ko. Ginawa ko nang pang isang mahusay na artista.




"May assignment kana ba?" Pagkaupong pagkaupo ko ay ang tanong agad nyang yan ang bumungad sa akin. "Huy, Jade! Ano, may assignment kaba?" Pag uulit nya pero nanatiling di ako kumikibo at nakatulala lamang habang tila kinakabahan. "Jade???" Hinawakan nya ako sa braso at inalog alog.




"N-Nery.." Nauutal kong pagsambit ng pangalan nya.




"Ano? Bakit? Sumagot ka!" Animo'y kinakabahan nyang utos sa akin. Umabot na ng 101% ang acting skills ko dahil nagawa ko pang umiyak sa harapan nya.



"B-Buntis ako..." Pagkatapos nun yumuko ako at tinakpan ang mukha gamit ang dalawa kong palad.  "Buntis ako, Nery.. H-Hindi ko sinasadya.." Umiiyak ko pa ding sabi.




"A-Ang tanga mo.." Pinunasan ko ang luha ko bago ko sya tinignan. Mabuti nalamang at kami palang dalawa dito sa room dahil maaga pa masyado para sa first class namin. "Alam mo bang ang tanga mo?" Maluha luha nyang sabi. "Ang tanga tanga mo!" Galit nyang pinunasan ang mga luhang bumagsak mula sa mga mata nya. "S-Sabi ko kasi sa inyo mag condom kayo, tanga mo!" Iyak na sya ng iyak sa harapan ko. Hindi ko akalaing ganto magiging reaksyon nya. Nakakaawa. "Graduating na tayo sa College oh! Bat mo pinapasok!!" Pinunasan ko ang mga luha nya bago ko sya mahigpit na niyakap. Di ko na kaya, iyakin pala 'to.





"Tama na, Nery." Bulong ko sa kanya. "HAPPY APRIL FOOLS!!"





"G*GO!!"




Isang matinding sabunot ang natamo ko mula sa kanya.

---



Kinahapunan, nakaisip nanaman ako ng panibagong prank para kay Mama. Tignan ko lang kung hindi talaga sya maniniwala. Naabutan ko syang nasa garage at kausap si Mang George. Ang family driver namin. Kita ko pa nang bigyan nya ito ng tubig habang may inaasikaso ito sa sasakyan. Normal lang yun dahil maski ako ay ginagawa iyon kung minsan.




"Ma!" Pagtawag ko sa kanya. Hindi ko na pinansin pa nang makita kong para syang kinabahan. Dali dali syang naglakad palapit sa akin at sinabayan ako sa pagpasok sa loob. "Ma, pwede ba tayong mag usap?" Tanong ko sa kanya. Huminga sya ng malalim bago kami parehong umupo sa sofa.



And the prank's begin.




"Ma, alam ko na ang ginagawa mo pag wala kaming lahat dito sa bahay lalo na ngayong nasa ibang bansa si Daddy.." Mahina kong sabi sa kanya. Naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko.



"A-Anak..." Dahil sa mahigpit nyang paghawak sa akin ramdam na ramdam ko ang nanlalamig nyang mga kamay.





"Ma, alam kong may lihim kayong relasyon ng driver nating si Mang George. Pano nyo 'to nagawa?" At ito nanaman hinayaan ko nanaman ang sarili kong umiyak.







Ngunit mistulang nawala ang pag arte ko nang magtaka ako sa isinagot nya sa akin.






"Patawarin mo sana ako..."






Bulong nito at ang mas lalong nagpadurog sa akin ay ang mga huling salitang binitawan nya.






"....sabi ko naman sayo, month man ng April o hindi, may mga panloloko pa ding nagaganap."

THE END.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon