"AYOKO SA KAEDAD KO"
---
"Kamusta na kayo ni Ronald?"
"Huhuhu wala na kami huhu"
Lunes na lunes ay namumugto ang mga mata kong nagsusumbong kay Cherry. Ang best friend ko.
"Susmaryosep! Wala?? So, ibig sabihin naging kayo na?" Naguguluhan nyang tanong. Tumango naman ako habang patuloy na umiiyak. "Naging kayo pala ni hindi ko manlang alam!" Dugtong nyang sabi.
"Huhuhu Cherry... Ganto ata talaga kapag hindi ko kaedad.. Huhuhuhu" Iyak ako ng iyak at halos uhugin na ako sa harapan nya. Muli akong kumuha ng tissue at suminga.
"Sabi ko naman kase sayo dun ka sa age 19 to 21! Medyo mas matured sila mag isip! Jusko ka, shinota mo kase yung dise-sais anyos? E mukhang hindi pa nga tuli yun e!"
"Huhu Cherry.. Grabe ka.. Tuli na sya kinewento nya sakin.." Napahinto ako sa pagsalita nang hindi ko mapigilang mabahing. "...sabi nya pa nga nangamatis daw dati huhuhuhu"
"Ay jusko po!" Hindi nya lalo makapaniwalang sabi. "O, tumahan kana dyan. Pansinin mo na kase ang iba pang nanliligaw sayo. Naalala mo pa ba, diba sumumpa ka saking bago tayo grumaduate ng grade 12 ay may jowa kang 21 years old!?" Singhal nyang pagpapaalala sa akin. Pinunasan ko ang magkabila kong pisngi bago ko sya muling tinignan.
"E lahat naman ng jinojowa kong bente uno anyos, iniiwan din ako e." Nakanguso kong sabi. Napailing iling nalamang sya.
Huminga ako ng malalim habang nakahalumbaba. Ako si Shela. Ang babaeng laging broken hearted. Natatakot akong maging single kase ayokong maging mag isa—you know. Pagod na din akong umiyak pero wala akong magagawa. At least dahil sa mga pesteng luha na 'to napapatunayan ko sa sarili kong tinreasure ko talaga ang pinagsamahan namin.
Tulad ng sinabi ni Cherry, graduating na kami as Grade 12. Sa katunayan nyan wala na kaming klase ngayon dahil bukas na ang graduation ceremony namin. Andito kami sa school dahil graduation ngayon ng Grade 10 na si Ronald. Nalaman kong may iba sya dahil nahuli ko sya ngayon mismo. Hindi ko na nagawa pang lumapit dahil baka kung ano pang magawa ko sa kanya. Baka muli syang mangamatis sakin!
Sinubukan ko naman mag jowa ng mas bata sakin e. Pero di pa din kami nagtagal! Nagjowa na din ako ng mas matanda sakin ng dalawang taon dati pero di rin kami nagtagal! Ano pa bang kailangan kong gawin? Mag tomboy at umibig ng babaeng katulad ko? No way!
Nang makauwi ako sa bahay, naabutan kong may isang lalaking nakatayo sa ilalim ng liwanag ng poste sa tabi ng gate namin.
"May kailangan po kayo?" Tanong ko sa kanya dahil para syang may inaantay mula sa labas ng bahay namin. Unti unti syang naglakad palapit sa akin. Doon ko nakita ng klaro ang mukha nya.
Matangkad, matipuno ang katawan, mapungay ang mga mata.. In short, ANG GWAPO!
Hindi ko malaman pero nang nginitian nya ako ay agad akong nakaramdam ng mga paro-parong nagliliparan sa aking kalamnan.
---
Kinabukasan, excited akong tumungo sa paaralan kasama si Mama. Graduation na namin! OMGGGGG!!! Agad na hinanap ng mga mata ko ang best friend kong si Cherry.
Nang makita ko sya ay agad akong tumakbo palapit sa kanya. Iniwan ko na muna si Mama kasama ng mga kumare nyang kachikahan nya.
"CHERRY!!!!" Tuwang tuwa kong pagtawag sa kanya. Nang lingunin nya ako ay mahigpit kaming nagyakapan. "Ang ganda ganda mo naman!" Nakangiting pagpuri ko sa kanya. Napangiti naman sya lalo abot tenga.
"Ikaw din syempre! May pakulot kulot ka pa dyan!" Sabi nito habang hinahawakan ang kulot na dulo ng buhok ko.
"Cherry, may sasabihin ako!" Sabi ko na naging dahilan para mapatigil sya.
"Ano nanaman ya----"
"Cherry feeling ko magkakaboyfriend na ko ng seryosohan!!" Excited kong balita sa kanya. Namilog ang dalawang mata nya dahil sa galak.
"Totoo ba? So, sino? Pakilala mo naman na sakin bago ko pa malamang boyfriend mo na nga!" Pagpupumilit nito bago nya buong gigil na hinawakan ang kamay ko. Tumawa naman ako bago ko tinuro sa di kalayuan ang matangkad na lalaking nakasandal sa asul na kotse nito.
Kumaway pa ito sa akin. Nginitian ko sya bago ko ibinalik ang tingin ko kay Cherry na ngayon ay gulat na pasalit salit ang tingin sa lalaki pati na din sa akin.
"S-Shela.." Mahinang sambit nito sa pangalan ko.
"Ang gwapo dib----"
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang bigla syang magsalita.
"ALAM KO NAMANG AYAW MO SA KAEDAD MO! PERO SANA NAMAN HINDI KA NA DUMATING PA SA PUNTONG PATI TITO KONG 35 YEARS OLD JINOWA MO! POTA."
THE END.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
ContoA collection of one shot stories! These stories are work of fiction. Every chapter is a new story for you to read! PLAGIARISM IS A CRIME. Credits goes to the rightful owner of the book cover.