ENTRY #2

115 14 22
                                    

So, habang nag aalmusal ako kanina ay nagmusic marathon ako ng mga kanta ni Taylor Swift hehe. This song entitled 'Love Story' is one of my most favorite song of Taylor. That's why nakabuo nanaman ako ng eksena sa aking isipan and this song is my inspiration.

If you're a fan of Taylor Swift, hope you'll like this short story. Please don't forget to leave a vote and comments! Enjoy!<333

--

ALMOST A LOVE STORY

"H-Hi.." Utal kong pagbati sa kanya. Ginawaran nya ako ng ngiti ngunit may pagtataka sa kanyang mga mata.

"Addy?" Medyo gulat nyang sabi. Sa oras na 'to, ako naman ang napatigil at naguguluhan syang tinignan.

~We were both young when I first saw you.
I close my eyes and the flashback starts:
I'm standing there
On a balcony in summer air.~

"Here's your coffee, Mr. Rabbit" Nakangiti kong sabi bago ko sinalinan ng kape ang tasa nya. Pero tubig lamang ang lumabas sa laruang pitsel na hawak ko.

"Here's yours too, Mrs. Rabbit" Then I also pour her a coffee.

"And this one is mine," Mahinang sabi ko sa aking sarili bago ko sinalinan ang sarili kong laruang tasa.

"MOOOOOOOOOM!!" Napatigil ako sa paglalaro ko nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses. Agad agad akong lumabas sa maliit na tent na nakalagay dito sa mismong balcony ng kwarto ko. Nagmamadali kong dinungaw mula dito ang taong nasa labas ng bahay.

"ATE!" Tuwang tuwa at kumakaway kong sabi sa kanya. Napatingala sya sa kinaroroonan ko ngunit nang makita nya ako ay hindi ko manlang sya nakitaan ng kahit anong pananabik. Malungkot na sana akong tatalikod upang bumalik sa loob ng tent ngunit agad napukaw ng atensyon ko ang isang lalaking kasunod ng ate ko. Tumingala sya sa kinatatayuan ko at nakangiting kinawayan ako. Bigla akong nabuhayan ng loob. Marahil nakita nya ang pang ssnob sa akin ni ate. Nahihiya ko syang nginitian bago ko sila nakitang pumasok dalawa sa loob ng bahay namin.

~See the lights, see the party, the ball gowns,
See you make your way through the crowd,
And say, "Hello."
Little did I know...~

Anim na taon. Anim na taon ang mabilis na lumipas matapos ko syang unang makita. Ngayon, isa na akong first year high school at may edad na labing tatlo.

"Addy, andito ka pala!" Napatigil ako sa tahimik na pagbabasa nang marinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki. Tinignan ko sya at sumalubong sa akin ang isang lalaking may malinis at kompletong uniporme. Nakasuot din sa kanang balikat nya ang itim nyang backpack. Umupo sya sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. "Last night was so fun!"

"SSSHHHHH!" Pagbawal sa amin ng librarian dahil halos napalakas ang boses nya dahil sa sobrang tuwa. It's him—It's Jack. Hindi pa din talaga sya nagbabago even after 6years simula nang kawayan nya ako mula balcony. Ahead sya sa akin ng isang taon at magkaklase/matalik na magkaibigan sila ng Ate ko. Si Ate Charlie. Pakiramdam ko nga, nang makilala ko si Jack.. doon lang nagkaroon ng kabuluhan ang pagiging bata ko. Sya ang laging nandoon sa tuwing kailangan ko ng kausap. Sya ang laging nandoon sa halip na ang sarili kong kapatid.

~That you were Romeo, you were throwing pebbles
And my daddy said, "Stay away from Juliet."
And I was crying on the staircase
Begging you, "Please don't go."
And I said,~

"WHAT GOT INTO YOU, ADDISON!?" Galit na galit na sabi ni Ate Charlie nang makapasok na sya sa loob ng kwarto ko. Bahagya naman akong napakunot ng noo habang nakatingin sa kanya.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon