ENTRY #3

54 14 5
                                    

"TINTIN"

--

"Aalis na muna si Lolo, dapat good girl ka pa din pagbalik ko ha?" Rinig kong sabi ni Papa Rey sa apo nitong si Tintin. Si Papa ay step-father ko. Namatay na ang tunay kong Ama bago pa sila magkakilala ni Mommy. Si Papa Rey ay may isang anak na babae na nagtatrabaho sa abroad. Nabuntis daw ito at ang naging bunga nun ay si Tintin. Simula bata palang si Tintin ay dito na sya samin nakatira at sila na ang nag aalaga. Ako ang madalas na kasama nito dahil madalas ding nasa trabaho si Mommy at si Papa.

"Ayoko dito, Lolo." Halos umiyak nyang sabi sabay yakap nya ng mahigpit kay Papa. Napairap naman ako sa hangin. Napakaarte.

"Bakit naman, apo?" Natatawang balik nitong tanong. Tinuro ako bigla ni Tintin.

"Bad po tito e. Ayaw ko sya kasama." Napakunot naman ang noo ko dahil sa inasta nya. Saglit akong tinignan ni Papa Rey bago muling tumingin sa apo nitong nakayakap pa din sa kanya.

"Hay nako bata ka talaga. Babalik din naman ako agad. Pagbalik ko kasama ko na si Lola. Tatlong araw lang naman yun, Tintin e." Pagpapagaan ng loob nito. Dahil sa kadramahang nasasaksihan ko sa kanila ay umiiling iling nalamang akong naglakad palabas.

"Ah, Reggie.." Napatigil ako sa tuluyang paglakad paalis nang marinig kong tawagin ako ni Papa Rey. Humarap ako sa kanya at tinignan ko sya na parang nagtatanong ako na kung bakit. "Pagpasensyahan mo na kung makulit 'tong pamangkin mo at baka napapasakit ang ulo mo. Pero ikaw na muna ang bahala ha? Asahan kita." May tipid na ngiting pagpapaalala nito sa akin. Tumango nalamang ako ng isang beses bago ako muling tumalikod na at tuluyang lumabas ng bahay. Pumunta ako sa mga barkada ko at nakipagkwentuhan pampalipas oras.

Ako si Reggie. Bente-syete anyos at si Tintin ay pitong anyos palamang. Kaya siguro di rin kami magkasundo ay dahil sa sobrang layo ng edad namin sa isa't isa. Bukod pa dun, malaki ang galit ko sa pamilya ko sa totoo lang. Matagal ko na 'tong kinikimkim sa aking sarili at si Papa Rey at Mommy.. Sila-Sila ang dahilan ng lahat.

"Ano ba naman yan, Tintin!! Hinaan mo nga yan!" Bulyaw ko sa kanya kinaumagahan nang marinig ko nanaman ang maiingay nyang laruan habang nagkalat ito sa buong salas. "Kahit kelan talaga hindi ako magkaroon ng tahimik na mundo pag andito ka!" Inis akong tumayo bago ko sya binato ng hawak kong dyaryo sa mukha. Kitang kita ko nanaman ang pagbabadya nyang pag iyak. Mayamaya pa ay tuluyan na nga syang umiyak.

"TAMA NA!! NATOTORETE AKO SAYO!" Sinipa ko yung coffee table na lalong nagbigay takot sa kanya. Hanggat pinapatahan sya talagang hindi sya titigil e! Dali dali akong lumapit sa kanya at hinawakan ko sya ng mahigpit sa braso bago ko sya binatuk-batukan.

"Pag sinabi kong tumigil ka kakaiyak, tumigil ka!!" Galit na galit kong sabi sa kanya.

"T-Tito.. Nasasaktan po ako!" Umiiyak nya pang sabi na mas lalong lumakas pa. Sunod sunod na rin ang kanyang mga paghikbi.

"BAKIT LAHAT NALANG NG PAGMAMAHAL IBINUBUHOS NILA SAYO HA, TINTIN?!! SAGUTIN MO KO!!" Hinawakan ko sya sa magkabila nyang braso bago ko sya paangat na binuhat at pabagsak na iniupo sa coffee table. "NUNG DUMATING KA SA PAMILYANG 'TO HALOS PUNUIN KA NILA NG KALIGAYAHAN PERO YUNG BATA NA WALANG KAMUANG-MUANG NASAAN NA TINTIN!!? KASALANAN NYONG LAHAT 'TO!!"

*PAK!*

Sinampal ko sya ng pagkalakas lakas na halos napahiga na sya sa lamesa. Sobrang nagdilim ang paningin ko nang maalala ko ang karumal dumal na ginawa ng sarili kong Ina at ng pangalawa nyang asawa. Ang daming kung ano-anong bagay ang bumubulong sa akin na tila mas lalong nagpademonyo sa isipan ko.

Pagkaraan ng ilang minuto, napagtanto ko nalamang ang sarili kong sunod sunod na pinaulanan ng suntok si Tintin. Basag basag ang kanyang mukha. Sa sobrang bata pa ng kanyang katawan ay hindi ito umubra sa lakas ng bawat suntok ko. Duguan ang kamao ko nang hingal akong tumigil. Hindi pa ako nakuntento kundi kinuha ko pa ang kutsilyo sa kusina. Hinasa hasa ko pa ito para lalong tumalim habang walang tigil sa pag humming na tila nagpapatulog ng isang sanggol..

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon