ENTRY #5

46 9 7
                                    

"PINAGTAGPO PERO---"

--

"Malay mo 10 years from now, tayo pa din ang magkasama kahit na tutol ang lahat sa atin.."

Naramdaman ko nalang ang dalawang kamay nyang yumakap sa akin mula sa aking likuran. Naramdaman ko ang pagpatong ng chin nya sa kaliwang balikat ko habang marahan akong isinasayaw.

"Happy Anniversary, Ellie. Iloveyou so much, hindi magbabago yun." Mahina nyang sabi kung kaya't naging dahilan ito upang dahan dahang gumuhit ang ngiti sa aking labi.

I was 16 and he was 17 when it all happened. Mahal na mahal ko pa rin ang lalaking nagbigay kulay sa aking mundo. Sya pa din ang dahilan ng bawat pagpupursigi kong magtrabaho dahil ayun ang pangako namin sa isa't isa. And ngayon nga after 10 years, I'm now officially a wedding planner.

I have this current client. She is Amy. She's so beautiful at sa bawat paggalaw nya at pananalita ay halatang napakahinhin.

"Gusto ko sana maging pastel colors ang tema ng wedding ko. Pwede naman yun diba?" Nakangiting tanong nito sa akin. Nginitian ko sya bago ako tumango bilang pang unang sagot.

"Yes. Alam mo ba pinangarap ko din dati na magkaroon ng wedding na may mga pastel na kulay ang design? Kase I'm so inlove with those colors." Nakangiti kong sabi habang iniimagine ang pangarap kong kasal kasama ang kaisa-isang lalaking iniibig ko.

"So, you mean hindi ka pa ganap na isang Misis?" Halata ang pagkagulat sa boses nito. Umiling naman ako.

"Not yet." Tipid kong sagot. "I'm still waiting for someone.." Mahina kong sabi na halatang narinig nya naman dahil naramdaman ko ang paghaplos nya sa likuran ko.

"I hope you will never wait for him anymore.." Napatingin naman ako sa kanya. "I can feel you're such a good woman and will be a good wife to your husband."

"Thanks." Nakangiti kong sagot sa kanya. Ilang linggong inaasikaso namin ang kasal nya na kami lang dalawa dahil marami pa daw kasing inaasikaso sa Company nila ang magiging asawa nya.

"Mr. Carpio?" Rinig kong may halong pagtatakang tanong ni Maggie habang hawak ang invitation. Si Maggie ay ang best friend ko at kababata. "Omg!" Dugtong nitong may pagkagulat. Pinanlakihan ko sya ng mata at sinenyasan na mali ang iniisip nya.

"Baka nagkataon lang.. Halika na!"

Tama.. Isipin mong nagkataon lang. Pagkumbinsi ko sa aking sarili kahit na alam kong sobrang linaw nito. Pareho na kaming pumuntang simbahan para siguraduhing magiging maganda at maayos ang daloy ng kasal nila at sa wakas ngayon ay makikita ko na din ang groom ni Amy. Sobrang excited ko kapag araw na ng kasal dahil dito ko nakikita ang dalawang taong nag iibigan at nagsusumpaang magsasama habam-buhay.

And now here I am in front of the church. When I saw the groom, hindi na ako nag abala pang tuluyang pumasok sa loob ng simbahan at hindi na din ako humarap kila Amy.




"Ellie, are you alright?" Tanong ni Maggie bago nya ako mahigpit na niyakap. Tumango ako sa kanya bago ko madiing pinunasan ang aking mga luha upang hindi nya makita.




"I, Edward Carpio.."


Kasabay ng bawat pagbigkas nya ng pangalan nya at bawat salitang pinapangako nya sa kanyang kabiyak ay ang pagtulo naman ng aking mga luha.

I remembered something..

10 years ago, I met the man of my dreams and had a happy relationship with him. He promised me everything. He even promised to marry me someday. We parted ways dahil mas inuna namin tuparin ang mga pangarap naming dalawa and dahil na din sa hindi sya gusto ng pamilya ko.

Nagpursigi syang mag aral at makapaghanap ng magandang trabaho upang patunayan sa mga magulang ko na kaya nya akong buhayin.

But after years, wala na akong balita sa kanya na kung nasaan na sya or what.. Ang tanging alam ko lang ay successful na ang buhay nya.

Gusto ko syang makita upang sabihing mahal na mahal ko pa din sya at patuloy ko pa din syang inaantay na bumalik sa akin upang magpakasal sa kanya.

I've waited for too long for him to comeback..

But now..

I think, I don't have to wait for him anymore.


'Cause he already found someone to share his whole life with..


Ang sakit lang na sa tuwing maiisip kong pinagtagpo lang kami pero hindi itinadhana sa isa't isa..





—In fact, we're in the same church right now and I'm the one who organized his wedding.

THE END.

LIKE AND COMMENT :)))

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon