"THEY TOLD ME I DID SOMETHING WRONG, BUT FOR ME IT WAS RIGHT."--
"So, anong kaso mo?"
"Wala."
"Tanga ka ba? Kung wala, bakit andito ka?"
I smile bitterly.. Bakit nga ba andito ako?
Or should I say..
Bakit ako ang naandito?
--
YEAR 2010
"Mom, don't leave me here.. please.. please."
Patuloy ko lang syang hinahabol kahit na pilit na nya akong inilalayo sa kanya.
"Hahaha. Ang arte mo naman!" Tumatawang sambit nito bago yumuko upang maging magkalevel kaming dalawa. "Magtatrabaho lang naman ako! Pagbalik ko, may dala na akong mga pagkain. Wala nang ibang gagawa nun kundi ako. Kaya dito ka na, maiwan na kita.. 'Wag na mag inarte." Pagkatapos ay ginulo nito ang aking buhok.
Hindi ako kumibo at nanahimik nalamang dahil alam ko naman sa sarili kong wala na akong magagawa pa upang pigilan sya.
Pagkatapos nyang makalabas ng bahay ay saka ko naman nakita ang isang demonyo na pumasok sa loob ng bahay namin.
Tumakbo ako patungong kwarto dahil sa takot ko sa kanya.
Sinundan nya ako at ginawa nanaman ang karumal-dumal nyang gawain.
I cried and begged for him to stop.
Pero tila nagbingi-bingihan lamang sya.
Again, nakaramdam ako ng sakit at pandidiri sa buo kong pagkatao.
YEAR 2012
Dahil laging nasa trabaho si Mommy ay hindi ko magawang makapagsumbong sa kanya.
Bakasyon ngayon ni Kuya. Sya ang madalas kong makasama sa bahay. Dahil madalas nang may tao dito ay hindi na ulit magawa ng demonyo na yun ang kung anomang ginagawa nya sa akin.
Hanggang sa isang gabi, pinagtangkaan nanaman ng demonyo na pumasok sa aking kwarto. Sumigaw ako at humingi ng tulong kay Kuya. Agad agad syang tumakbo papuntang kwarto ko pero mistulang pinagbulaan naman ng demonyo ang kung anomang sinasabi ko.
Kinabukasan, nang kami lang dalawa ni Kuya sa bahay ay kinausap nya ako kung totoo ba daw ang mga sinasabi ko sa kanya kagabi.
Umiyak ako at sinabi ko sa kanya ang lahat lahat.
Naniwala sya.
Ngunit ang akala ko ay iba sya.
Pero isa rin pala syang demonyo.
Ginawa din sa akin ni Kuya ang kung anomang ginagawa sa akin ng demonyo ilang taon na.

BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Historia CortaA collection of one shot stories! These stories are work of fiction. Every chapter is a new story for you to read! PLAGIARISM IS A CRIME. Credits goes to the rightful owner of the book cover.