"I BETRAYED MY BEST FRIEND"
---
"Sandy.."
"Sandy.."
I heard my best friend's voice but I couldn't find her anywhere.
"Sasa!"
I began to feel uneasy and scared but I don't know why..
"Sandy? Sandy!!"
Tila nag eecho ang boses nyang may bahid ng takot.. Agad akong nataranta at pilit syang hinahanap sa paligid pero tila puro usok lang ang sumasalubong sa akin na nagiging dahilan para mas lalong hindi ko kaagad makita kung ano ang aking dinadaanan.
"Sandy!! Sandy, p-please...."
Her voice cracked dahil sa paghikbi. Rinig na rinig ko na ang labis nyang pag iyak.
"Sasa, nasan ka ba! Anong nangyayari?"
Tumakbo ako kahit na pakiramdam ko hindi naman ako umaalis sa kinatatayuan ko.
"N..No.. No.. Sasa.."
Sunod sunod ang pagkabog ng dibdib ko nang makita ko ang matalik kong kaibigan na nakalutang..
No...
Hindi sya basta nakalutang lang...
May lubid na nakagapos sa kanyang leeg..
Nakabigti si Sasa.
"SASA!!!!"
Umiiyak kong sabi. Tumakbo ako palapit sa kanya ngunit dahil sa nakabitin sya at mataas ay hindi ko magawang lagutin ang lubid.
I was about to touched her nang bigla syang dumilat at diretsong tumingin sa akin..
Pabagsak akong napaupo sa sahig dahil sa gulat at takot.. Umiling iling ako at tila nilalabanan ang kung anomang aking nasasaksihan.
No..
Hindi pa patay si Sasa!!
Panaginip lang 'to!!
Malakas kong sinampal ang aking magkabilang pisngi ngunit nanatiling andito ako sa lugar na 'to..
"Sandy..."
I heard her voice again..
Hindi ko na sya nagawang tignan.
Tell me how can I look up to her again if she's now floating towards me?
I can hear her sobs while she's crying..
"Sandy... Tignan mo ko.."
Mabilis akong umiling bilang sagot..
"Sandy..."
Habang nakayuko ako ay kitang kita ko ang laylayan ng kanyang damit na lumulutang at huminto sa harapan ko..
"You betrayed me..."
"SASAAAAAAA!!!!"
Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga. Hingal na hingal ako at tila pawis na pawis. Nagpalinga linga ako sa aking paligid at doon ko lamang napagtantong andito ako sa loob ng kwarto ko. Nakahinga ako ng maluwag habang sapo-sapo ko ng aking mga kamay ang aking ulo.
![](https://img.wattpad.com/cover/222918166-288-k367973.jpg)
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Cerita PendekA collection of one shot stories! These stories are work of fiction. Every chapter is a new story for you to read! PLAGIARISM IS A CRIME. Credits goes to the rightful owner of the book cover.