"DOUBLE KILL"
I also posted this one on my facebook account but this is also my own work. Enjoy!
---
Normal na araw. Normal na damit. Normal na mga tao. Normal na panahon at abnormal na ako—este normal din naman. Pumila ako upang magbayad ng mga pinamili ko dito sa 7/11. Tamlay na tamlay ako dahil maghapon akong walang silay sa crush kong si Kian. Nagpaabot na nga ako ng 5:30pm sa eskwelahan pero ni anino nya hindi ko natagpuan.
"Ano ba naman yan, Kian!" Napatigil ako mula sa kinatatayuan ko at hinanap ng mata ko ang pinang gagalingan ng boses. Narinig ko ba ang pangalan ni Kian? Sunod sunod ang pagkabog ng puso ko nang matanaw ko ang nakatalikod na katawan ni Kian. Umalis ako sa pila at humakbang papalapit sa kanya.
"Sabi ko gusto ko ng ice cream e!" Pero halos napunit ang puso ko nang makita kong may kasama syang babae. Nakakunot noo itong nakatingin sa kanya. Halos mukhang iiyak na.
G-Girlfriend ba sya ni Kian? GIRLFRIEND SYA NG CRUSH KO!? HOW DARE THEM!! Agad na gumana ang kalokohan ko sa katawan. Animo'y na full charged ako at handa na makipag sagupaan.
"HOY, KIAN ANGELES!!" Malakas kong sigaw. Dahil dito nakuha ko ang atensyon nilang dalawa pati na din ng ilang customers na andito sa loob ng 7/11. Nagtataka nya akong tinignan.
"Bakit?" Tanong nya sa akin. Yung kasama naman nyang babae ay pasalit salit ang tingin sa aming dalawa.
"NAGTATANONG KA PA HA! MONTHSARY NATIN NGAYON PERO KINALIMUTAN MO!! KASAMA MO PA YANG BABAE NA YAN IMBES NA SAKIN KA NAKIKIPAG DATE!!" Nagpameywang pa ako sa harapan nya. Kitang kita ko naman ang pagsiko ng babae sa tagiliran ni Kian na parang inaasar nya ito. Tumawa sya ng mahina.
"Hindi mo naman sinasabi samin nila Mama na may jowa kana, ayiiieeee!" Ang kaninang nakakunot kong noo ay unti unting napalitan ng pag awang ko ng aking bibig dahil sa pagkabigla sa aking narinig..
I-Ibig sabihin..??
Dahil sa kahihiyan ay tumakbo ako palabas ng 7/11!! Hinabol pa nga ako ng guard dahil hindi pa ako nakakabayad! Hiyang hiya akong umuwi sa bahay at nagkulong sa kwarto. Nang hindi pa din ako nahimasmasan ay kinuha ko yung phone ko para mag online sa facebook at ipamalita sa aking mga beshies na gumawa ako ng isang pinaka nakakahiyang bagay—
Napatigil ako nang makita kong may nag notif.
"Kian Angeles commented on your photo"
Ito nanaman ang puso ko!! Sobrang bilis ng pagkabog!! Agad agad kong inopen ang notification at binasa kung anoman ang cinomment nya..
"Rain Gomez Happy Monthsary, babibububear!!! Ang lupet mo kanina sa 7/11!! Sunduin kita sa bahay nyo kasi hinahanap ka ni Mama🧡 charot"
"AAAHHHHHHHHHHHH!!" Kikiligin na sana ako ng todo todo pa ngunit may charot sa dulo. Ano ba! kelan nya ba ako seseryosohin!? Napatigil akong muli nang makita ko ding nagcomment si Papa doon sa comment ni Kian.
Pakiramdam ko gusto kong lamunin nalang ako ng lupa.
"RAIN ARTURO GOMEZ, GRADE 6 KA PALANG!!"
Double Kill!!
-
THE END!
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryA collection of one shot stories! These stories are work of fiction. Every chapter is a new story for you to read! PLAGIARISM IS A CRIME. Credits goes to the rightful owner of the book cover.