ENTRY #11

30 6 9
                                    

"UGOY NG DUYAN"

--

"OMG! Ang ganda naman ng bracelet mo, Yna!" Napatigil ako sa pagsipsip sa hawak kong milkshake nang marinig ko ang sinabi ng kaibigan kong si Flor. Lumipat sya ng upuan sa tabi ni Yna habang manghang mangha na pinakatitigan ang suot nitong bracelet.

"Thanks, Flor. Uwi yan ni Daddy galing States. Ang ganda no? Mahal yan!" Pagmamalaking sagot naman nito. Pabagsak kong inilapag ang milkshake sa table kung kaya't halos sabay silang napatingin sa akin. "Anong problema?" Takang tanong nya sa akin.

"Iyan lang ba ang kaya mo?" Nakataas na kilay kong tanong sa kanya. Napaawang naman ang bibig nya dahil sa gulat.

"W-What do you mean?" Naguguluhan nitong tanong. Nag smirk ako.

"Wala naman. Abangan nalang natin yung regalo ng Mommy ko sakin." Pagkatapos ay nakangiti akong sumandal sa sandalan ng inuupuan ko.

---

"MA!" Galit kong ibinato ang mamahalin kong shoulder bag sa sofa at nagmamadaling hinanap si Mama. "Ma!" Sinilip ko sya sa kwarto nya ngunit wala sya doon. Pumunta din ako sa kusina pero wala sya.

"Anak, nakauwi kana pala!" Pabalik na sana ako sa salas nang makita ko syang halos kararating lang habang may buhat buhat na batsa at tabla. Basang basa din sya. Pawisan at halatang pagod. Kinunutan ko naman sya ng noo.

"Ma, may kailangan ako." Sabi ko sa kanya bago ako patuloy na naglakad at umupo sa sofa. Pinunasan nya ang pawis na tumulo galing sa noo nya bago sya tumabi sa akin.


"Ano yun, anak---"


"Ew, Ma! Please huwag ka namang dumikit sakin!" Naiinis kong pagtaboy sa kanya. Hello??? Basang basa kali sya! Tapos didikit sya sakin?


"P-Pasensya kana, anak. Napagod kase ako at gusto ko lang sana ng yakap mo." Kalmadong sabi nito. Napairap naman ako sa hangin bago ko sya labag sa kalooban na niyakap. Kung wala lang akong kailangan sa kanya hindi ko naman 'to gagawin! Habang yakap ko sya ay amoy na amoy ko ang pinaghalong amoy ng ginamit nyang sabon panlaba at ang pawis nya.


Eeerrrrr..


"Alam mo ba dati ayaw na ayaw mong nalalayo ka sa akin.. Lagi mo akong yakap habang hinahaplos ko naman ang iyong buhok. Makalipas lang ang minuto ay mahimbing ka nang nakakatulog sa mga bisig ko, Angel." Muli akong napairap sa hangin nang magkwento nanaman sya. Makalipas ang ilang minuto ay umayos na akong muli sa pagkakaupo at sinabi na ang tunay na pakay ko.


"Ma, may bagong bracelet si Yna. Bilhan mo rin ako ng tulad ng kany----"


"A-Anak.. Hindi ba't kakabili lang natin ng kwintas mo?" Pagputol nito sa akin. Kunot noo ko naman syang tinignan.


"Ma, nung nakaraang buwan pa yun! Hindi ko na nga sinusuot kase mapapansin nila Yna na wala pa akong bago e. Alam mo bang nahihiya ako kada sinasabi kong nakalimutan ko lang suotin? Kase laging ganun nalang ang dahilan ko!" Pagmamaktol ko sa kanya. "At ngayon, kailangan ko ng bagong maganda at mamahaling bracelet. Hindi ako papayag na si Yna lang ang may ganon." Dugtong ko pa.



"Anak, sana maintindihan mo namang wala na tayong pera at labandera lamang ang Mama mo.. Sa katunayan nyan, kulang pa nga ang kinikita ko para sa pang araw araw nating gastusin." Pinunasan muli nito ang pawis nya. Napabuga naman ako ng hangin.


"Pwede ba Ma, wag mo kong pag inartehan! Kailangan ko ng bagong alahas! Kailangan ko ngayon na!!" Naiinis kong sigaw sa kanya bago ako padabog na tumayo na at pumuntang kwarto ko.



One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon