ENTRY #7

41 8 6
                                    

"KOLEHIYO"

--

"Mga nagbabagang balita!"

Pupungas pungas ako habang pababa ng hagdan. Balita agad mula sa telebisyon ang bumungad sa umaga ko. Humalik ako at yumakap kay Mama bilang pagbati.

"Ano ba yan, Ma! Ang aga aga ganyan agad mga balitang pinapanood mo." Sabi ko pa.  Kase ano pa bang inaasahan ko? Paniguradong hindi mawawala ang mga krimen sa balita ngayon. Aalis na sana ako patungong kusina nang marinig ko ang ibinabalita ng isang reporter.

"Isang dalagita ang natagpuang duguan at wala nang buhay sa bayan ng Quezon kaninang alas dos ng madaling araw. Ayon sa mga saksi, nakita daw nila ang biktima na naglalakad pa mag isa pauwi bago nila ito natagpuang wala nang buhay."


"SUSMARYOSEP!" Malakas na sigaw ni Mama. Kinabahan ako lalo na nang makita ko ang pigura ng babae nang ipakita ito sa tv. Kahit na malabo ang picture ay halatang nakakaawa ang sinapit ng dalagita.

--

"Narinig mo na ba ang news?" Tanong ni Nico sabay upo sa tabi ko. Kumagat sya ng hawak nyang sandwich bago muling tumingin sa akin. Nang muli ko syang tignan ay doon ko nakita ang isang babaeng nakatayo sa likuran nya.

"A-Anong balita?.." Pag iwas ko ng tingin. Napapunas ako sa noo ko nang makaramdam ako bigla ng sobrang pagkatakot at pagkabalisa.

"Yung tungkol sa dalagang---" Agad kong inipon ang gamit ko at tumayo na kung kaya't napahinto sya sa pagsasalita. "John!" Rinig ko pa ang malakas na pagtawag nito sa akin pero hindi ko na sya nilingon pa.

Hanggat maaari—Ayoko nang lumingon pa.

--

"JOHN, PARE!"

Alas sais. Naglalakad na ako pauwi nang makasalubong ko ang grupo nila Justine. Napahinga ako ng malalim bago ko sila isaisang tinignan. Kada nakikita ko sila, nagiging sariwa lang sa alaala ko ang mga nangyari.

"O, John.. Bakit parang pinagpapawisan ka?" May halong tawa sa boses ni Justine. Umiwas ako ng tingin sa kanya at naglakad na palampas. "Teka! Bakit ba nagmamadali ka?" Unti unti akong napahinto sa paglakad at lumingon sa kanila.

Kanina ay apat lang sila—Ngunit ngayon ay lima na.

"TIGILAN MO NA KO!!" Malakas kong sigaw kung kaya't halos lahat sila ay nagulat ang reaksyon sa inasta ko. Tumalikod na akong muli bago ako nagmamadaling tumakbo palayo sa kanila.

"Anak---" Pagkarating ko sa bahay ay nakasalubong ko pa si Mama pero hindi ko na sya nagawa pang batiin. Dire-diretso lamang akong tumakbo papunta sa taas patungong kwarto ko. Sunod sunod ang kabog ng puso ko habang nakasandal ako sa nakasarado kong pintuan.

Takot akong napalingon sa bintana ng kwarto ko nang makarinig ako ng kaluskos doon. Nanginginig akong tumakbo papalapit dito at mabilis na isinara ang kurtina. Hanggang ngayon ay labis pa din akong pinagpapawisan.

*Knock! Knock! Knock!*

Nanlaki ang dalawa kong mata nang makarinig ako ng pagkatok.

"Tama na... T-Tama na.." Halos umiiyak ko nang sabi habang nakatakip ang dalawa kong palad sa magkabila kong tenga. Pilit kong isiniksik ang katawan ko sa sulok ng aking silid. Yumuko ako at niyakap ang sarili kong mga tuhod.


"Anak!" Narinig ko ang biglang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko kasabay ng pagtawag sa akin ni Mama. Hindi ko sya tinignan hanggang sa naramdaman ko nalamang ang mga bisig nyang yumakap sa akin. "John.. Anak.. Ano bang nangyayari sayo?" Rinig ko ang bawat paghikbi nya habang yakap yakap ako. Umiling iling ako habang tahimik na umiiyak.

"H-Hindi.. Hindi nya ako titigilan.. Mama.." Halos pumiyok ko nang sabi. Naramdaman ko ang pagbasa ng aking balikat na senyales sa sunod sunod na ding pagluha nya.

"Sino ba ang gumugulo sa iyo, anak? Sabihin mo sakin.." Bulong nito. Gusto kong sabihin sa kanya ngunit hindi ko mawari kung bakit may kung anong hindi ko maintindihang nakaharang sa lalamunan ko kung kaya't wala akong boses na mailabas upang makapagsumbong sa kanya.

---

Dalawang araw ang lumipas. Nagpapapunta na din si Mama ng manggagamot dito sa buhay na kumukunsulta sa kalagayan ko. Hindi na rin ako nakakapasok sa eskwelahan at ayoko na ding pumasok. Kahit saan ako magpunta.. Kahit saan ako tumingin ay palaging andun sya. Andun at laging nakatayo habang may mga matang galit na nakatingin sa akin.

Kung minsan, bago ako matulog ay naririnig ko ang mga walang katapusan nyang pag iyak at paghingi ng saklolo habang nakatingin sa akin. Yung mga iyak nya ay naghahatid ng sobrang kilabot sa buo kong pagkatao..

"Maybe nasosobrahan lang sa hallucination ang anak nyo, Misis. Ang tanging magagawa lang natin ay patuloy syang libangin at kausapin upang maiwasan nyang mag isip ng mga bagay bagay na nasa isip nya lamang."

Napahinga ako ng malalim. Rinig na rinig ko ang mga sinasabi ng Doctor kay Mama. Anong iniisip nya? Baliw ako? Hindi nya alam kung anong pakiramdam! Hindi nya alam ang lahat ng naranasan ko!




Friday. Naisipan kong pumasok sa eskwelahan. Lahat ng estudyante ay iba kung makatingin sa akin. Tila ba nalaman na nila ang tunay na nangyayari sa akin. Marahil ang iniisip na rin nila ay baliw na ako.

"John!" Napaigtad pa ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang makita ko si Nico. Nginitian nya ako ng tipid. "Andito lang ako kung kailangan mo ng kausap." Tumango ako bilang sagot. Pagkatapos nga nun ay naglakad na sya ulit papuntang klase nya. Hindi pa nga nakakalipas ang ilang segundo ay sila Justine naman ang nakita ko. Kinabig nya ako at binulungan.

"Nagkakaroon na sila ng lead kung sino ang may gawa.. Wag na wag ko lang malalaman na nagsumbong ka." Pagkatapos ay tinapik nya pa ako ng isang beses bago sila sabay sabay na naglakad paalis.


"John.. John pala ang iyong pangalan." Tila humangin ng sobrang lakas ng marinig ko ang boses nya. Napapikit ako bago ko muli naramdaman ang takot at kaba sa aking dibdib.

"Layuan mo na ko, parang awa mo na." Nakapikit kong pakiusap sa kanya.

"Tignan mo ko, John." Rinig kong may seryosong boses na utos nito sa akin. "TIGNAN MO KO!!" Humangin ng sobrang lakas na naging dahilan para mapadilat ako kahit na hindi ko gustuhin. Bumungad sa akin ang isang babaeng nakasuot ng school uniform kagaya ng isinusuot ng mga kababaihan dito sa eskwelahan na pinapasukan ko.

Kitang kita ko ang mga pulang mantsa ng dugo sa uniform nya pati na rin sa mukha at sa kanyang buong katawan. Punit punit at gulo gulo ang kanyang buhok..

"Kolehiyo kana pala?" Hindi ako nakasagot agad. Sa halip ay dahan dahan ko lamang naiangat ang mata ko patungo sa mga mata nya. Umiiyak sya..


Umiiyak sya ng dugo.


"Ako rin sana e. Kung hindi nyo lang ako ginasa at pinatay."

"Hindi kita ginasa at pinatay!" Mabilis ngunit may takot kong sagot sa kanya. Kitang kita ko ang pagkuyom ng mga kamao nya dahil sa galit.

"Pero andun ka! Humingi ako ng tulong sayo na awatin mo ang mga kasamahan mo! Pero anong ginawa mo!? Tumakbo ka papalayo dahil sa takot!" Habang nagsasalita sya ay kitang kita ko ang mga dugong umaagos pababa sa kanyang mga pisngi galing sa kanyang mga mata.

Hindi ako nakapagsalita dahil totoo ang mga sinabi nya. Dumagdag sa takot na nararamdaman ko nang marinig ko syang mahinang biglang tumawa bago matalim na ngumiti sa akin.





"Sana naniwala ka sa kasabihang may masamang mangyayari kapag tinitigan mo sa mata ang patay."






"Isang katawan ng binatilyo ang natagpuang nakabigti sa isang puno ng mangga sa bayan ng Quezon----"


THE END

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon