ENTRY #17

34 5 4
                                    

"HALLUCINATION"

---

"WAAAAAHHHHHHHH!!"

Napabalikwas ako bigla mula sa aking pagkakatulog nang marinig ko ang malakas na pag iyak ng aking anak.

"WAAAHHHHHHHHHHH!!"

Agad agad naman akong tumayo at lumapit sa crib kung saan ko sya iniwan kaninang natutulog.



"Sshhhhh.. Mommy's here."


Kinarga ko sya at ipinatong sa aking bisig palapit sa aking dibdib.



"WAAAAAHHHHHHHHH!!"


Tuloy tuloy pa din sya sa pag iyak kung kaya't hinalik halikan ko sya sa kanyang pisngi.



"Tahan na, baby Lucas. Dito na si Mommy oh. Di naman mawawala Mommy e."



Hinele hele ko pa sya upang mapatahan at maibalik sa kanyang pagkakatulog. Nang hindi pa din sya tumahimik ay tinimplahan ko sya ng kanyang gatas gamit ang aking isang kamay dahil ang isang kamay ko ay nakayakap sa kanya habang karga ko sya.




"Mommy's making your milk na para mag stop na si baby sa pag cry diba?"




I looked at him and smile. Natuwa ako dahil kahit paunti unti ay humihina na ang kanyang mga pag iyak lalo na nang mapainom ko na sa kanya ang gatas.




Bumalik ako sa kama at umupo doon habang hawak hawak ko ang bottle ng milk nya. I stare at my baby for awhile. Hindi ako kahit kelanman magsasawang titigan ang napakacute nyang mukha. Kahit sanggol palang si baby Lucas ay halata na agad na kamukhang kamukha sya ni Henry- Ang asawa ko.



"Mommy loves you so much, baby.." Bulong ko bago ko idinikit ang pisngi ko sa kanya at pinapakiramdaman ang kanyang paghinga.




He's alive and kicking.




He's alive.





Right?




Tumayo ako at inihiga ko si baby Lucas ng maayos sa kama. Hindi na ulit sya nakatulog pa ngunit halatang busog na dahil nakikipagkasatan nanaman sya sa akin.




"Tickle tickle!"




Kiniliti ko nang kiniliti ang tiyan nya na syang naging dahilan sa kanyang mga munting pagtawa. He looks like his Daddy.. He looks like an angel.




I gave him a peck on his cheeks before I hugged him.




"I love you, son." I whispered and close my eyes.

---



"Hon.."



"Hmm.."



"Hon.."




I slowly opened my eyes nang maramdaman ko ang marahang pagtapik ni Henry sa hita ko. Nakita ko syang halatang kararating lang galing work pero nakatanggal na ang kanyang necktie. He smiled at me before he kissed my forehead.




"What do you want for dinner? I'll cook." Tanong nito bago tumalikod sa akin at naglakad palapit sa closet upang maghanap ng damit pambahay.



"Anythi---"



Hindi ko na natuloy pa ang nais kong sabihin nang bigla syang humarap sa akin na may pag aalala sa kanyang mga mata. Marahil sa pagtataka ko kung kaya't napatingin ako sa maliit na boteng hawak hawak nya sa kanyang kanang kamay.



"Bakit marami pa ding laman 'to? Dapat sa araw na 'to ay ubos na 'to, Alice."



Bahagyang nakakunot noong sabi nito sa akin. Napahinga ako ng malalim bago ako tumayo. Naglakad ako papalapit sa asul na crib ni baby Lucas.




I smile when I saw him smiling back at me.





"Alice, I'm asking you. Why aren't you taking your medicine?"




Napapikit ako ng madiin bago ko pinunasan ang luha kong bigla nalamang tumulo.



"Kase may mawawala.."



Mahina kong sagot sa kanya bago ko narinig ang mga yabag nyang naglalakad papalapit sa akin.



"Sino?"



Rinig kong tanong nya na may halong pag aalala. Nilingon ko sya bago ko sya malungkot na nginitian.






"Ikaw at si Lucas."

THE END.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon