CHAPTER 01 - PART 01

187 9 14
                                    

After almost two hours on the plane and one hour boat ride, Chandria arrived in Isla Avalos. At naroon siya para sa annual conference at bookfair ng AWP. Ang Association of Writers & Writing Programs ay isa sa mga pinakamalaking event na dinadaluhan niya taon-taon. Ngayong taon na ito ay ang may-ari ng naturang isla ang sponsor kaya naman kahit na ayaw niyang magbiyahe ng matagal ay wala naman siyang nagawa.

Kung hindi siguro siya nakatira sa Pilipinas ay aakalain niya na ang islang iyon ay ang Boracay. Though, Isla Avalos gained her favor. Hindi pa kasi masyadong crowded iyon. At kung hindi siya nagkakamali ay maselan din ang isla sa mga turistang pinapayagan na magbakasyon doon. Mabilis ang naging pag-unlad nito at kaliwa't kanan na ang nagsulputan na hotel, restaurant at kung anu-ano pa. Walang hindi nakakaalam sa isla na iyon. Naging sikat rin ito sa loob lang ng maikling panahon.

"Hay, sana naman makahanap ako ng bago at gwapong inspirasyon sa isla na ito," ani Ellie na kapwa niya writer. Ngumiti siya at nagsimulang maglakad papunta sa hotel na tutuluyan nila. Ito rin kasi ang kasama niya sa kwarto kaya wala siyang choice kundi ang hintayin ito. Ang ilan naman sa mga kasamahan nila ay kanya-kanya ring bitbit ng maleta at nauna na sa kanilang naglakad.

"Maraming isda sa dagat. Hanapin mo si Nemo," biro niya rito.

"'Kainis ka naman, eh. Wala kang suporta sa pakikibaka ko," reklamo nito. Nang tingnan niya si Ellie ay kitang-kita niya na nakasimangot ito. Tumawa siya at binalikan ito. Umangkla siya sa braso ng kanyang kaibigan at sinabayan ito sa paglalakad.

"Trabaho ang dahilan kung bakit tayo nandito. Sa susunod mo na lang isipin ang paghahanap mo ng inspirasyon," aniya rito.

"Ayan ka na naman, Dia. Masyado ka talagang workaholic." Nakasanayan na ni Ellie at ng ilan pa niyang kasama na manunulat na tawagin siyang 'Dia'. Masyado raw kasing mahaba at nakakabaluktot ng dila ang pangalan niya.

"Hindi naman. Masyado lang kasing maikli ang tatlong araw para makahanap ka ng inspirasyon."

Tatlong araw lang ang conference na iyon ngunit ang balak niya ay manatili sa isla ng isang linggo. Tuwang-tuwa siya sapagkat matagal-tagal na rin magmula nang huli siyang nagbakasyon. Isa pa, gusto rin muna niyang magpahinga mula sa maingay na siyudad ng Maynila. Mabuti na lamang at wala naman siyang iba pang arrangements na maaapektuhan kung sakali.

Mahigit apat na taon na magmula nang naging manunulat siya ng isa sa mga kilalang publishing company, ang Pages of Love Publishing Corp. Sa loob ng panahon na iyon ay wala siyang ibang ginawa kundi ang magsulat ng magsulat. Kaya naman hindi niya masisisi ang mga nakakakilala sa kanya na tawagin siyang adik sa trabaho.

Wala naman siyang ibang pinagkakaabalahan sapagkat nag-iisa na lang siya sa buhay. Bata pa lamang siya ay ulila na siya at ang nagpalaki sa kanya ay ang nakatatandang kapatid ng kanyang ina, na isa naman matandang dalaga. Ngunit apat na taon na rin ang nakaraan nang mamatay ito dahil sa sakit na cancer.

Kaya naman nang mabigyan siya ng pagkakataon na magsulat para sa isang malaking kompanya ay ginawa niya lahat ng kanyang makakaya. Ngayon ay kilala na siya bilang isa sa mga sikat na manunulat ng Pages of Love. Noon pa man ay alam na niyang hilig na niya talaga ang pagsusulat. Bata pa lamang siya ay mahilig na rin siyang magbasa. Isa iyon sa naging bonding nila ng kanyang tiya.

Kumuha siya ng kursong Bachelor of Arts in Communication sa kolehiyo. Apat na taon rin siyang nagtrabaho sa isang fashion magazine company bilang isang writer. Ngayon ay bente nueve na siya at kilala bilang Chandria ng kanyang mga mambabasa. Hindi na siya nagpalit pa ng pen name dahil gusto niyang makilala siya bilang siya.

"Malay mo naman dito sa isla mo matagpuan ang taong magpapatibok sa puso mong bato," wika ni Ellie.

Hindi na rin bago sa kanya na tawagin siyang pusong bato. Sa tagal na ng pinagsamahan nila ay masasabi niya na kilalang-kilala na nila ang isa't isa. Kung hindi man pusong bato ay man hater ang bansag nito sa kanya.

She never paid attention to the opposite sex. Well, at least for the past four years. Nagkaroon naman siya ng nobyo noon sa una niyang pinasukan na kompanya. She was twenty one at that time. Tumagal din ng apat na taon ang relasyon nila ngunit nagtapos iyon ng hindi maganda.

Magmula noon ay hindi na siya nag-entertain ng ibang lalaki na nagtangkang makipaglapit sa kanya. Hindi naman siya man hater tulad ng sinasabi ng mga kaibigan niya. Sadyang nasaktan lang siya noon at ayaw na niyang maranasan ulit iyon. Kung alam lang ng mga ito ang balde-baldeng luha na iniyak niya noon. Her aunt died and her boyfriend left her. That was the lowest point of her life. And writing saved her.

Ang pagsusulat ang naging daan niya upang muling lumabas sa dilim na pinagtataguan niya. It was also the reason why her world started to gradually revolve again. Kaya naman hinding-hindi niya kailanman iiwan ang pagsusulat kahit na ano pa ang mangyari. Pero noon iyon. Noong mga panahon na tahimik ang buhay niya at hindi pa bumabalik ang lalaking dumurog sa kanya.

"Wala naman akong makita na gwapo, Ellie," wika niya habang abala sa paghahanap ng scarf niya upang gawing panangga sa mainit na sikat ng araw.

"Puwes, ako meron na."

Ngising-ngisi si Ellie nang sulyapan niya ito at may kung anong tinitingnan sa di-kalayuan. Napailing na lang siya.

"Kahit kailan talaga ang linaw ng mga mata mo kapag may gwapo sa paligid," natatawang wika niya. "Ang bilis mo, 'ne."

"Aba siyempre. 20-20 ang vision ko," mayabang nitong sagot.

"Kaya pala ang taas ng grado ng suot mong salamin, ano?" aniya rito sabay hablot sa eyeglasses nito. Mabilis naman nito iyong nabawi sa kanya at muling sinuot.

"Huwag ka ngang magulo, Dia."

"Batukan kaya kita?"

Hindi ito sumagot at nakita niya ang paglukot ng mukha nito. Napakunot-noo naman siya sa biglaang pagbabago ng ekspresyon nito.

"Ay, si Sir King lang pala 'yon," anito mayamaya.

Nagpanting ang kanyang tainga sa narinig. Lalong lumalim ang gatla ng kanyang noo dahil doon. "Sino?" aniya kay Ellie.

"Si Sir King," pag-uulit naman nito. "Sabagay, gwapo naman talaga siya. Hindi ko nga lang type."

Nang tumingin siya sa direksyon na tinitingnan nito ay nakita niya ang isang pigura ng lalaki na papalapit sa kanila. He looked so refined in his white Mandarin collar short sleeves shirt. Tinernuhan nito ng charcoal gray na Chino shorts iyon at kulay navy na Espadrille. Ang buhok nitong natural na kulay tsokolate ay isinasayaw ng hangin kasama ang pang-itaas nito na may tatlong butones na nakabukas.

Sa taas nitong six feet one ay ilang kababaihan ang napasulyap dito. Idagdag pa ang tikas ng katawan nito na lalong nagpadagdag sa angkin nitong sex appeal. Pakiramdam niya ay nakatingin ang binata sa kanya. She wasn't sure though, because her boss was wearing reflective Aviator sunglasses.

Hindi niya napigilan ang mainis sa mga babaeng tingin ng tingin kay King. Kung maari lang niyang tusukin ang mata ng mga iyon ay ginawa na niya. Hindi na yata naalis ang pagkakakunot-noo niya dahil sa kagagahan niya na iyon. Ano ba ang pakialam niya kung titigan ng lahat ng babae sa buong mundo ang lalaki?

Nang makalapit ng tuluyan sa kanila si King ay napansin niya ang stubble sa makinis nitong mukha. Mas lalo itong naging gwapo nang alisin nito ang suot na shades at nakita niya ang light brown nitong mga mata. Ang pagkakatanda niya ay nasabi nito sa kanya noon na may lahi itong Espanyol.

"Bakit ka nandito?"

The Ex-TensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon