CHAPTER 09 - PART 02

40 3 1
                                    

MAGAAN ang kanyang pakiramdam pagkagising niya kinabukasan. Kahit ala-una na ng madaling araw natapos and dinner-slash-engagement celebration nilang iyon ni King ay tila siya hindi puyat. Hindi niya iniinda ang mabigat pa na talukap ng kanyang mga mata. Nag-inat pa siya sabay hikab nang tumingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Alas-siyete pa lang ng umaga.

Bumangon siya at kaagad na tumawag sa front desk ng hotel upang magpahanda ng almusal. Now, she should give back the favor to her fiancé. Napangiti siya at hindi napigilan ang kiligin nang maalala ang mga nangyari kagabi. Parang noong isang araw ay iyak siya ng iyak. Ngayon naman ay ngiting-ngiti siya. Daig pa niya ang may sayad.

Tiningnan niya ang singsing na kanyang suot at wala sa sariling hinaplos iyon. Oh, Lord. She could not ask for more. Masayang-masaya na siya at hinding-hindi na siya gagawa pa ng dahilan upang muling masira ang relasyon nilang dalawa ni King.

That's what she promised after King told her that she doesn't need to fix herself alone. Hindi niya maiwasan na magpasalamat ng walang sawa sa Diyos dahil isa rin siya sa mga babaeng sinuwerte sa pakikipagsapalaran sa pag-ibig. Hindi siya sinukuan ng lalaking mahal na mahal niya. At kahit pa ano pang pagtataboy ang ginawa niya rito ay hindi ito napagod. Nanatili itong nasa tabi niya kahit pa hindi maganda ang nakaraan nilang dalawa.

She found someone that made her accept her flaws. Someone that made her forgive herself and gave her courage to try again. Someone that made her forget all of her unwanted past, those hurtful events that changed her. At ngayon, alam niyang hinding-hindi na siya mag-iisa dahil alam niya na hindi siya iiwan ni King kahit pa siya na yata ang taong may pinakamatigas na ulo na nakilala nito.

Matapos lamang ang halos kalahating oras ay dumating na ang almusal na ipinahanda niya at nagdalawang-isip pa siya kung tatawagan niya si King upang ipaalam na pupunta siya sa hotel room nito. Akmang tatawag na siya nang maalala niya na binigyan naman siya ng spare key ni King napangiti siya nang maisip niyang sorpresahin na lang ito.

Mabilis na nalarating siya sa kanyang destinasyon at dahan-dahan na binuksan ang pinto. It's as if she was walking on eggshells, afraid that King might wake up. Pero hindi naman pala dapat siya mag-alala sapagkat gising na ang binata. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi nito napansin ang pagpasok niya. He was on the verandah and talking on his phone. She stared at his back for a while and smiled. Kung si King ang unang makikita niya sa tuwing pagkagising niya ay wala na siyang magiging reklamo pa. Unti-unti siyang lumapit matapos ilapag ang dalang pagkain sa mesa. She was a few steps away from him when King suddenly dropped a bomb.

"Yeah, we didn't talk about the renewal of her contract yet."

Hindi niya napigilan ang mapakunot-noo. Was King referring to her? Hindi naman siguro, tanggi pa niya sa sarili. Ngunit kahit na anong pagkumbinsi ang gawin niya ay hindi mawala amg kaba niya. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya at may halong takot ang niyerbiyos niya nang mga sandaling iyon.

Paano kung siya nga ang tinutukoy ni King? Hindi niya alam kung alin ang mas uunahin niyang maramdaman; ang masaktan sapagkat naniwala siya na may isa pa silang pagkakataon ng binata o ang magalit sa mga kasinungalingan nito. At daig pa ng binata ang nakakita ng multo nang pumihit ito at nakita siyang nakatayo sa di-kalayuan.

But it was strange. The moment their eyes met, she didn't feel anything. It's as if she was numb enough to feel anger or pain. She sighed and started to walk away.

"I'll call you back."

Iyon ang huli niyang narinig mula kay King bago siya naagapan nito. Hinawakan nito ang braso niya upang pigilan siya sa paglalakad palayo.

"Chandria, mag-usap tayo."

Humarap siya sa binata at binawi ang braso niyang hawak-hawak pa rin nito. "Sure," sagot niya. And her voice was calm as the sea but she wanted to yell at him. "Pero hindi ako interesado sa mga sasabihin mo, Harlequin."

Bakas ang gulat sa mga mata ng binata matapos marinig ang pahayag niyang iyon. King knew that she's pissed off. Tinatawag lang naman niya ang buong pangalan nito kapag seryoso na siya sa usapan.

"And I want you to answer one question for me," matapang niyang wika. "Ayos lang ba 'yon?"

"Anything," anito sabay tango.

"When you set your foot on this island, did you or did you not think of talking to me regarding the renewal of my contract?"

Matapos ang ilang sandali ay tila nahimasmasan si King. Kumunot ang noo nito at tinitigan siya ng diretso. "Hindi ba't ang unfair naman ng tanong mo na 'yan?"

She laughed in disbelief. "Bullshit! Unfair? Ako pa ngayon ang unfair?" Humalagpos ang tinitimpi niyang galit magmula kanina nang marinig ang tinuran nitong iyon.

"Andi, publisher mo pa rin ako, sa ayaw at gusto nating dalawa, mag-uusap at mag-uusap pa rin tayo tungkol sa kontrata mo. How do you expect me not to think about it? I think about it every single day, Andi. I just don't know how to start when our relationship was a mess for the past few years."

"Precisely my point, King. Hindi maayos ang pakikitungo natin sa isa't isa 'tapos bigla mo akong babanatan ng 'I still want you.'? At ako naman itong si gaga, naniwala. Not knowing that..." She wasn't able to finish what she wanted to say. Napabuntong hininga na lamang siya at nahilamos ang mukha gamit ang kanyang dalawang palad.

"Chandria, walang kinalaman ang pakikipag-ayos ko sayo sa kontrata mo," mariin nitong tanggi.

"And you expect me to believe that?"

"Wala ka talagang tiwala sa akin, Andi."

"Dahil kung totoo ang sinasabi mo, sana hindi na tayo inabot ng ganito katagal. Paano naman ako maniniwala sayo kung kailan malapit nang matapos ang kontrata ko ay saka mo ako nilapitan?"

"You were the one avoiding me," pagpapaalala nito sa kanya.

"You knew exactly why, King. Huwag mo naman sa akin isisi ang lahat."

"I do. Kaya nga humingi ako ng tawad sayo. I know I was a total jerk-"

"King, just stop," aniya sa binata. "Paikot-ikot lang naman tayo. And for your information, my dear publisher," panimula niya at talaga namang idiniin ang ipinantukoy niya rito. "Wala na akong plano na magsulat para sa publishing house mo o kahit na kanino man. I'll quit writing." Para siyang nakipaghabulan sapagkat habol niya ang kanyang hininga matapos sabihin iyon. Tumalikod na siya at napahinto sa pagbubukas ng pinto nang muling magsalita ang binata.

"Hanggang ngayon, Andi, hindi ka pa rin marunong makinig."

Muli niyang tiningnan si King na nanatili lamang na nakatayo at nakatingin sa kanya. "At magmula noon, Harlequin, gustong-gusto kong itanong sayo na bakit ang sakit-sakit mong mahalin?"

For a moment they just stared at each other. Nang maramdaman niya ang pamamasa ng kanyang mga mata ay dali-dali na niyang nilisan ang silid ng binata. Sa pagsara niya ng pinto ay kasabay niyon ang pagtatapos nilang dalawa. How cruel life can be?

The Ex-TensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon