"DIA, badtrip ka pa rin ba?"
Mula sa pagtipa sa kanyang laptop ay napasulyap siya kay Ellie. Nagtatanong ang kanyang mga mata na tumingin sa kaibigan. "Anong ibig mong sabihin?"
"Kagabi ka kasi pagdating ko, mukhang asar na asar ka. Lukot na lukot ang fez mo, sis. Iniwan mo pa nga ako sa bar buti na lang gwapo 'yung bartender kaya pinatawad na kita," nakangiting wika ni Ellie pagkatapos. Hindi naman niya maiwasan na ma-guilty sa ginawa niyang basta na lamang na pag-alis.
"Sorry, bigla kasing sumakit ang ulo ko," pagdadahilan niya. Tinanggal niya ang suot na salamin sa mata at kinuskos iyon.
"Okay lang ano ka ba. Pero pwede ka naman bumawi sa akin," nagniningning ang mga mata nito nang sabihin iyon sa kanya.
"Paano naman ako makakabawi sayo, aber?"
"Lumabas naman tayo para makapag-unwind. Tigilan mo muna 'yang sinusulat mo."
Kung wala sana si King sa islang 'yon baka nga hindi pa niya maisipan na i-on ang kanyang laptop. Kaya lang umiiwas talaga siya na muling makasalubong ang binata. Kaninang umaga naman ay naging abala siya sa meet and greet kaya ni hindi man lang sumagi sa isipan niya ang lalaki.
"Nandito tayo for business and pleasure. 'Wag puro business ang atupagin mo," dagdag pa ni Ellie.
Nakangiting tumango siya. "Okay, you have a point."
"Kailan ba wala?" biro pa nito sa kanya. Natawa na lang siya at matapos i-save ang kanyang ginagawa ay isinara niya ang kanyang laptop. Malapit na siya sa pinto nang pigilan siya ni Ellie sa akmang pagbukas ng pinto.
"Wait!" Nagtatakang tumingin siya sa kaibigan at pinasadahan siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa. "'Yan talaga ang suot mo?" tanong nito sabay turo sa suot niyang oversized na T-shirt at maong shorts. Flip Flops naman ang kanyang sapin sa paa. Hinayaan lamang niyang nakalugay ang mahaba niyang buhok. "Ni hindi ka man lang ba magpapalit?"
"Ano naman ang mali sa suot ko?" tanong din ang sagot niya sa tanong ni Ellie sa kanya. Sa katunayan ay pinalitan lamang niya ang kanyang suot na skinny jeans pagkatapos ng meet and greet. Wala naman siyang balak na magsuot ng bikini kahit pa nasa beach sila.
"Paano ka makakakuha ng mga Papable niyan?" naiiling na wika nito sa kanya.
"'Mga' talaga, ha? Plural?" natatawang komento niya. "Palibhasa ikaw ready ka na na mang-akit."
Napakamot ng ulo si Ellie at tiningnan ang suot na high waist two-piece aztec print na swimwear. Pinatungan nito iyon ng see-through na white summer kimono. Iyon nga lang sa taas na four feet eleven inches ng kaibigan niya ay nagmukha lang itong bata na sabik maligo sa dagat.
"Tsk, pinaghandaan ko talaga ito, 'no. Ready na akong maging isang ganap na dalaga," pilya nitong wika sabay kendeng.
Naiiling na niyakap niya ang sarili dahil sa sinabing iyon ni Ellie. "Ugghhh. You're so gross," maarte niyang wika.
"Gross-gross ka pang nalalaman," ani Ellie na tila wala naman pakialam.
"Pumunta ka rito para makipag-one night stand?"
"Two kung meron man. Three pa kung papayag ulit siya. Aba, itotodo ko na. Minsan lang 'to."
"Adik ka ba?"
"Malakas lang ang loob ko kasi alam kong hindi na kami magkikita pagkatapos ng kung sino man ang papalarin," pilyang saad ni Ellie sabay kindat. "May instant na nobela pa ako at siyempre ako ang bida."
"Kailan ba hindi naging ikaw ang bida ng mga sinusulat mo?" natatawang sambit niya sabay bukas ng pinto. Sumunod naman ito sa kanya at umangkla sa braso niya.
"Oo nga 'no? You have a point. Ako pala lagi ang bida sa mga nobela ko. Special kasi ako, eh."
"Mahal na mahal mo ang sarili mo 'kamo," sagot niya. Pinindot niya nang going down button ng elevator pagkatapos sabihin iyon. Habang hinihintay ang pagbukas niyon ay hindi tumigil sa kakakulit sa kanya si Ellie.
"Kung makapag-inarte ka naman diyan. Kontrabida ka. Gagawin kitang pusa sa susunod na nobela ko," anito sa kanya.
"Kung saan ka masaya, sige lang."
"Pero may itatanong ako sayo," wika nito sabay bitaw sa kanya. "Promise mo sa akin na hindi ka magagalit, ah?"
"Ano na naman 'yan, Ellie? Naku, tigil-tigilan mo ako," banta niya sa kaibigan.
"Sige na, Dia. Curious lang talaga ako. Last na 'to," wika nito. Ellie even looked at her with puppy eyes.
"Ayoko nga. Kilala kita, Elyana Marie," aniya sabay tukoy sa buong pangalan nito. "Wala akong tiwala sayo."
"Grabe ka naman. Ang judgemental mo," tila nagmamaktol na saad nito.
"'Wag kang mag-inarte. Hindi bagay sayo."
"Pero seryoso ako," giit pa rin nito.
"Mas seryoso ako, Ellie." Humaba ang labi nito ngunit hindi pa rin bumibitaw sa kanya. Tinatawanan lang niya ang ka-praningan ng kaibigan.
"Hindi na ba talaga kita mapipilit?" hindi sumusuko na tanong nito.
"Hindi," sagot niya sabay iling.
"Para naman tayong hindi friends, Dia."
"Hay, oo na sige na," pagsuko niya sa kakulitan nito. "Ano ba 'yon?"
Ngumiti ito ng matamis dahil sa sinabi niyang iyon at tila nag-atubili pa noong una pero nagpatuloy pa rin matapos ang ilang sandali. "Asking for a friend, virgin ka pa ba?"
Nanlaki ang kanyang mata at halos sikmuraan na niya si Ellie sapagkat eksaktong pagbukas ng elevator nang itanong nito iyon sa kanya. At sadyang malas nga yata siya sapagkat si King lang naman ang lulan niyon at hindi maipagkakailang narinig nito ang sinabi ni Ellie.
Nang magsalubong ang mga mata nila ni King ay hindi nito maitago ang gulat sa mga iyon. Ni hindi niya magawa na mainis sapagkat wala siyang ibang nararamdaman kundi hiya. Sinasabi na nga ba niya't mali ang ginawang niyang pagpapatalo sa kagagahan ng kaibigan niya. Gusto na niyang tumakbo pabalik sa kanilang silid upang magtago sa labis na kahihiyan.
"Hello, Sir King," tila walang nangyaring wika ni Ellie. Saan ba niya pwedeng ibaon ng buhay ang bubwit niyang kaibigan?
Tumango si King at mabilis na pinindot ang open button nang akmang magsasara na ang elevator. "Going down?" malumanay nitong tanong atsaka nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Ellie. Iyon nga lang mas matagal ang ginawa nitong pagtitig sa kanya.
"Yes, Sir," sagot ni Ellie sabay hila sa kanya papasok ng elevator. Tahimik na lumulan siya roon at napakislot nang bigla na lamang sumigaw at pinindot ng kanyang kaibigan ang open button.
"Ay! Wait lang po. May nakalimutan pala ako sa kwarto. 'Yung sun hat ko." Bago pa niya mahila pabalik si Ellie sa kanyang tabi ay mabilis itong nakalabas ng elevator. "Kulang ang outfit ko kung wala 'yon. Magkita na lang tayo sa baba, Dia!" pahabol pa nito nang bago tuluyan magsara ang elevator.
Ang akala pa naman niya ay sa ex-boyfriend lamang siya malas pero nagkamali siya. Pati pala sa kaibigan ay ganoon ang kapalaran niya. Tsk.
BINABASA MO ANG
The Ex-Tension
RomanceMay tension sa pagitan ni Chandria at ng ex-boyfriend niyang si King. Pareho silang galit at sinisisi ang bawat isa sa naging hiwalayan nila noon. Kahit na ayaw na niyang makita ang damuho ay alam niyang imposible iyon sapagkat nagtatrabaho siya sa...