"Please, Andi. Please..."
Just what in the world was he pleasing about?
"Hear me out, please."
Napalunok siya at unti-unting tumingin sa binata. Nakita niya ang paghihirap sa mga mata ni King at gusto na niyang yakapin ang binata upang maibsan ang kung anuman na nararamdaman nito. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Hindi niya dapat na gawin iyon sapagkat hindi tama. But her heart, her poor heart, was crying for him.
"W-What's wrong?" tanong niya sa mababang tinig. Umiling ang binata at nanatiling walang imik. "May problema ba?" Umiling itong muli ng marahan bago nagsalita.
"Ako ang date mo ngayong gabi," pagtatapat nito sa kanya. "Binili ko ang lahat ng libro mo para wala kang ibang maka-date. " Nanatili siyang tahimik at hinihintay lang ang iba pa nitong sasabihin. Talaga namang ikinabigla niya iyon. "That was a douche-move, I know. Pero hindi ko kasi kayang makita ka na may kasamang iba. Ayoko dahil ang gusto ko sa akin ka lang." Yumuko ang binata matapos sabihin iyon. "Gago nga siguro talaga ako."
"Gago ka nga," aniya sabay iling. Binitawan nito ang kanyang braso at napamulsa.
"I'm sorry. 'Nung sinabi mo sa akin na hindi na sa akin umiikot ang mundo mo, I know I fucked up. Big time," pagpapatuloy ni King at muling tumingin sa kanya. "Alam ko na makasarili rin ako pero kasi, Andi, hindi ko kayang ipamigay ka sa iba. Kahit na anong mangyari gusto ko sa akin ka pa rin. At sana, sana pwede pa. Sana tayo na lang ulit."
Umiling siya at napapikit ng mariin. She was trying to absorb what she just heard. Napakabilis ng mga pangyayari at hindi niya maintindihan kung bakit sinasabi iyon sa kanya ni King.
"Are you on drugs?" tanong niya sa binata. Umiling lamang ito bilang sagot habang nakatingin lang sa kanya. "Lasing ka ba?" Katulad kanina ay isang marahan na iling lang ang isinagot nito at dahil doon ay bumuhos na ang frustration niya. "Then, what the hell do you want, Harlequin?" Hindi niya napigilan ang pagtaas ng kanyang boses. Tumaas-baba pa ang kanyang dibdib dahil doon.
"You," sagot nito. "I still want you."
Naiinis na kinamot niya ang kanyang ulo at humugot ng malalim na hininga. "'Tangina! Pagkatapos mong umalis ng walang paalam sasabihin mo 'I still want you.'? Sinong niloloko mo?" Lahat ng pagtitimpi niya ay kumawala na at wala na siyang pakialam kung makakuha man sila ng atensyon mula sa ibang taon. "Sinong niloloko mo?!"
"I was wrong but I was hurt, too, Andi," sagot ni King sa kanya. "I was never your number one. Naiintindihan naman kita kaya lang kasi madalas mo pa rin akong nakakalimutan noong tayo pa. Four years ago, do you still remember that I was constantly asking you to free your time on a certain date? Ang sabi mo sige at umasa ako na sana hindi mo makalimutan. At nangyari nga ang kinatatakutan ko, Andi, nakalimutan mo at hindi mo ako sinipot.
"Do you know how painful that was? I was about to propose to you that night. Lahat ng effort ko, ng pagod ko, ng oras ko, nasayang dahil lang hindi ka nagpakita. Pero sabi ko okay lang kaya pinuntahan pa rin kita sa bahay ninyo. Kaya lang walang tao. Masisisi mo ba ako kung hindi na kita hinintay o hinanap man lang? Masisisi mo ba ako kung napagod ako, Andi?"
Sa mga isiniwalat ng binata ay kulang ang salitang gulat para ilarawan ang kanyang nararamdaman. Ang akala pa naman niya ay siya lang ang kawawa sa kwento nilang dalawa. Akala niya siya ang laging inaapi. Kaya pala ganoon na lang ang naging reaksyon nito nang makita siya sa Pages of Love noong nakaraang taon. Kaya pala asar na asar ito sa tuwing nakikita siya.
"Hindi kita masisisi, King," aniya sabay buntong-hininga. "Pero sana nagpaalam ka. Sana sinabi mo para nakahingi ako ng tawad sayo. Para hindi rin ako nagalit sayo sa loob ng apat na taon."
"I was devastated when I left the country," depensa nito.
"Of course you were." Nakakaunanawang tumango siya at ngumiti ng mapait. "Pasensya ka na kung hindi kita hinabol kaagad. I had a funeral to arrange."
"What?" Daig pa ni King ang nakarinig ng bomba sa sinabi niyang iyon. "What do you mean?"
"Hindi ko nakalimutan ang araw na sinasabi mo, King. Paalis na ako ng bahay 'nung nag-collapsed si Tita Marie. I rushed her to the hospital pero huli na ang lahat. I was too busy at ni hindi ko nga naisip na isang linggo na pala ang lumipas at nailibing na si Tita pero hindi ka pa rin nagpakita. Tumawag ako sa bahay ninyo 'nung hindi na kita ma-contact sa cellphone mo. Doon ko nalaman na nasa Canada ka na pala. At wala naman akong magagawa. Tinanggap ko na lang na tapos na tayo."
"Hindi ko alam. I'm so sorry, Andi," puno ng sinseridad na wika ni King matapos ang paglalahad niya. Ilang sandali rin ang lumipas bago nito nasabi iyon sa kanya.
"Pasensya ka na dahil hindi ko alam na nasaktan din pala kita," aniya sabay ngiti ng matipid. What now? Nagawa na nilang sabihin ang mga hinanakit nila sa isa't isa. Doon na ba matatapos ang chapter nilang iyon sa buhay nila? Pero bakit parang ayaw niyang tanggapin iyon?
"So, I think this is it?" wika niya matapos ang ilang sandali. Hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang pisngi at kaagad niya iyong pinunasan gamit ang kanyang palad. Tumikhim siya at pinilit na ngumiti nang salubungin ang tingin ng binata. "I'm sorry. I... I was just being emotional."
Just how many times did they say sorry to each other that night? Quotang-quota na silang dalawa ni King. Hinihintay na lamang niya ang pagsang-ayon nito na isara na ang kabanatang iyon ng buhay nila. She was waiting anxiously. Silently praying that her knees won't give out.
"Hindi na ba tayo pwede, Andi?" tanong ni King na ikinabigla niya. Hindi pa man siya nakakasagot nang dugtungan na nito ang naunang pahayag. "I will do better. I will be better. I'll make sure to be the man that you deserve. This time, I will love you right."
Tila hinahabol si King nang tuluy-tuloy nitong sabihin iyon sa kanya. How she wanted to say yes, right there and then. Pero may pag-aalinlangan pa siya. Paano kung masaktan na naman niya si King? Paano kung magkamali na naman siya at mahirapan na naman ito ng dahil sa kanya? She couldn't afford that to happen again. She loved him enough to let him go.
"Don't you think we've hurt each other enough?" malumanay niyang tanong sa binata. "Kahit mahal pa rin kita, Harlequin Villegas, I'm not selfish enough to let you stay. Kahit na miss na miss kita, ayoko na masaktan ka ulit ng dahil sa akin."
"Andi—"
"Good night," putol niya sa sasabihin pa nito. "And thank you. Thank you... for everything..."
Noon ay hinihiling niya na sana, sana bumalik si King sa kanya. Sinabi pa niya sa sarili na handa siyang patawarin ito sa kahit pa iniwan siya nito ng basta. Siya pa ang may lakas ng loob na magalit sa binata samantalang mas malaki pala ang kasalanan niya.
Now, how was she going to live after knowing that she was the one to blame? Masyado niyang mahal si King para kalimutan na lang basta ang kasalanan niyang iyon dito. Kung kaya ng binata na kalimutan iyon, puwes, hindi ganoon kadali iyon para sa kanya.
"Hindi ko na hahayaan pa na manlimos ka ng oras sa akin. I'm not the woman you deserve, King." Ngumiti siya ng mapait at lumapit sa binata. Sinapo niya ang magkabila nitong pisngi at napapikit naman ito sa ginawa niyang iyon. She planted a soft kiss on his lips. As soft as a butterfly's wings. "I guess this is goodbye, my The-One-That-Got-Away."
BINABASA MO ANG
The Ex-Tension
RomanceMay tension sa pagitan ni Chandria at ng ex-boyfriend niyang si King. Pareho silang galit at sinisisi ang bawat isa sa naging hiwalayan nila noon. Kahit na ayaw na niyang makita ang damuho ay alam niyang imposible iyon sapagkat nagtatrabaho siya sa...