CHAPTER 06 - PART 01

38 3 0
                                    

Hindi alam ni Chandria kung ano ang gagawin niya. Hindi siya mapakali sa kanyang inuupuan. Sinabayan pa ng malamig na ihip ng hangin ang nerbyos na nararamdaman niya. She wasn't even sure if the nervousness she feels at the moment's a good kind. Ngayong gabi lang ulit siya nag-ayos ng bongga para sa isang date. Iyon rin ang una niyang paglabas matapos ang apat na taon niyang pagkukulong sa alaala nila ng ex-boyfriend niya.

The place was perfect. Nabigla pa nga siya nang sinabi ng organizer na ang date niya ang pumili sa lugar na iyon. Ito pa raw ang nagbayad sa lahat ng ginastos doon. Hindi niya maiwasan isipin na maaring may pera ang nanalo sa promo na iyon. Muli niyang iginala ang mga mata sa kabuuan ng lugar. Malapit iyon sa dagat at ang bilog na buwan ang nagsilbing liwanag doon. Nasa tagong bahagi iyon at hindi masyadong daanan ng tao. It was an open cottage with outdoor string lights.

Napakatahimik pa at feel na feel niya ang pagiging dalaga nang mga oras na iyon. Idagdag pa na mayroong isang bungkos ng pulang rosas sa kanyang upuan nang dumating siya. Iyon din ang unang pagkakataon na muli siyang nakataggap ng bulaklak matapos nilang maghiwalay ni King.

Speaking of her ex-boyfriend, mas itinodo pa niya ang pag-iwas kay King matapos ang naging sagutan nila kahapon. Sa tuwing alam niya na lalapitan siya nito ay hinihila niya si Ellie o kung sino man ang kasama niya para hindi siya nito makausap.

Sa katotohanan ay gusto niyang sabunutan ang sarili sa tuwing naiiisip niya na nadulas siya at sinabi niyang nakita niya itong may kasamang ibang babae. Kung hindi ba naman talaga siya tanga. 'Di bale, pagkatapos ng gabi ay natitiyak niyang hindi na niya makikita si King sa isla. Teka nga, bakit nga ba nagsasayang siya ng oras na isipin ang lintik na lalaking iyon?

Ilan sa mga kasama niyang manunulat ay babalik na sa Maynila at siya naman ay maiiwan upang ituloy ang bakasyon na kanyang inaasam-asam. Sa totoo lang ay tuwang-tuwa ang mga kasama niya nang sinabi niya ang tungkol sa desisyon niyang manatili sa isla. Ang ilan ay nainggit pa nga ngunit hindi maaaring magpaiwan dahil na rin sa kanya-kanyang dahilan.

Her hands were sweating profusely due to waiting in anticipation about her date. Mas pinili niyang mag-suot ng isang simpleng summer dress na umabot hanggang binti niya. It was a green floral print sleeveless dress. Napilit din siyang bumili ng damit ni Ellie kaninang hapon. Ang ipinares naman niya roon ay isang pares lamang ng simple at flat na sandals.

Hinayaan lamang niya na nakalugay ang kanyang mahabang buhok. Wala siyang suot na anumang alahas maliban sa isang kwintas na hindi rin naman bongga. Isang maliit na yellow hand bag na lang ang kanyang binbitbit na tanging lipstick, wallet at cellphone lang ang laman.

"Good evening, Chandria."

Napatuwid siya nang upo nang marinig ang baritonong tinig na talaga namang pamilyar sa kanya. Dumoble pa ang nerbyos na nararamdaman niya magmula kanina. Parang biglang nagkaroon ng kabayong naghahabulan sa kanyang dibdib. Mabilis siyang tumingin sa kanyang likuran kung saan nanggaling ang boses nang nagsalita at daig pa niya ang nakakita ng multo. Nanlalaki ang mga matang sinundan niya ang paglapit nito hanggang maupo sa bakanteng upuan sa tapat niya.

"Anong—Bakit ka nandito?" tanong niya kay King. Ni hindi siya magkaugaga kung ano ba ang dapat niyang itanong o sabihin sapagkat nabigla talaga siya sa pagdating nito.

He's wearing a black short sleeve button-down shirt. Slim fit na khaki trousers naman ang pang-ibaba nito at isang pares ng white sneakers ang suot sapin sa paa. He looked so elegant and classy that it made her drool over him. Wala talagang kupas ang kagwapuhan at sex appeal ng dating kasintahan niya.

Marahan niyang kinagat ang sariling dila upang magising sa panandaliang panaginip na iyon. Nagpapalinlang na naman siya sa angking karisma ng hinayupak at hindi maganda iyon. Patuloy naman sa pagkabog ang kanyang dibdib at kung dahil ba iyon sa gulat ay hindi niya alam. Mas minabuti niya na huwag na lang alamin at baka hindi niya magustuhan ang sagot.

"Hindi ka dapat nandito," aniya sa binata na hindi sinagot ang nauna niyang tanong.

"Bakit hindi?" kampante nitong sagot at prenteng nakasandal pa sa upuan habang nakatingin lang sa kanya. "Hinihintay mo ba ang ka-date mo?"

"Paano mo nalaman ang tungkol sa lugar na 'to?" tanong pa rin niya kay King.

"Masyadong maliit ang isla para sa ating dalawa, don't you think?" wika ng binata kasabay ng pagtaas ng sulok ng labi nito.

"Tama ka," sang-ayon niya. "Actually, the world is too small for us."

"I don't mind," sagot nito sabay kibit-balikat.

"I do," mabilis niyang sagot. "Umalis ka na."

"Why? Afraid that your date might show up any minute now?"

"Eh, ano naman sayo ngayon?"

Ngumiti ito pero tila hindi iyon umabot sa mga kulay tsokolate nitong mga mata. "Galit ka pa rin ba sa akin, Andi?"

Natawa siya at hindi inaasahan ng binata ang naging reaksyon niyang iyon. "Ako? Galit sayo?" sarkastiko niyang wika. "Nagpapatawa ka ba?"

Kumunot ang noo ni King bago dahil sa tinuran niyang iyon. "Hindi ba?"

"Bakit mo naman naisip 'yan?" aniya rito. "Sa ating dalawa ikaw nga itong parang mas galit."

"Wala ba akong karapatan na magalit, Chandria?" anito na talaga namang nagpagulo sa utak niya.

"Alam mo, walang patutunguhan ang usapan natin na 'to," pagsuko niya sabay hilamos sa mukha niya gamit ang kanyang mga palad. "Umalis ka na lang, King."

"I'm not going anywhere, Andi," matigas nitong wika.

"Fine, suit yourself," aniya sabay tayo. "Ako ang aalis." She turned around and was about to step away when he grabbed her arm.

"Please," puno ng pagsusumamo ang boses ng binata nang mga oras na iyon. At iyon ang unang pagkakataon na naringgan niya ng ganoong tono si King. Magmula nang magkita sila ay panay ang gitgitan at pag-aasaran nila. What changed? Anong nangyari? Hindi siya sanay at gusto na niyang bumigay. "Please, Andi. Please..."

The Ex-TensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon