Hindi alam ni Dia kung paano siya nakumbinsi ni Ellie na pumunta sa Year-End party ng Pages of Love. May stage at malalaking speaker sa rooftop kung saan idadaos ang pagtitipon na iyon. May iba't ibang kulay din ng ilaw ang nakapalibot doon. The place is full of life and joy and the people are all jolly. Kaya nga nagtataka siya kung bakit hindi naaapektuhan ang mood niya. Wala sa sariling nakatanaw lamang siya sa kawalan. Magmula nang umuwi siya galing ng isla ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang magkulong sa bahay. Nakatulong naman iyon sapagkat natapos niya ang mga nobela na dapat niyang tapusin and that was six weeks ago.
Para siyang ermitanyo na lumalabas lamang ng bahay kapag wala na siyang makain. Daig pa niya ang bampira sapagkat matagal-tagal na rin nang huli siyang maarawan. Para raw siyang isinawsaw sa suka dahil ang putla-putla niya ayon na rin kay Ellie.
Nang pumunta ito sa bahay niya ay wala na itong ibang ginawa kundi ang sermonan siya. Sa sobrang daldal nito ay nagawa na rin nitong iligpit ang magulo at makalat niyang sala. Nang mapagod sa kakasermon ay kinulit naman siya nito na samahan ito sa party sapagkat nami-miss na raw siya ng kaibigan. At dahil gusto na niyang matapos ang pangugulo sa kanya ni Ellie ay pumayag siya. Heto nga't suot pa niya ang dress na binili nila noon sa isla para sa date na napanalunan niya.
At nang maalala ang date na iyon ay muli na naman nanumbalik sa alaala niya si King. Sa tuwing mangyayari iyon ay hindi maaring wala siyang maramdaman na kurot sa kanyang puso. May mga pagkakataon na talagang umiiyak siya at hindi makatulog ng maayos sa kakaisip.
Speaking of King, she hasn't heard from him since. Not that she was waiting for him. Pero mabuti na rin siguro iyon at nang matuldukan na niya ang nakaraan nilang dalawa. At tulad noon, nasisiguro niyang mabilis na lilipas din ang panahon at makakalimot ulit siya.
She sighed and sipped her drink when Ellie nudged her shoulder. "Ang lalim naman yata ng iniisip mo?"
Tumango siya at tumingin dito. "Iniisip ko kung anong klaseng pangkukulam ang ginawa mo at napadpad ako sa lugar na 'to."
"Grabe ka naman makapagsalita sa akin."
"Ewan ko sayo."
"Isipin mo na lang na farewell party mo 'to," ani Ellie sa kanya sabay ismid. "I-enjoy mo ang paglabas mo bago ka bumalik sa kulungan mo."
"Para naman akong preso kung makapagsalita ka. Ikaw kaya ang itapon ko sa bilibid?" ganti niya sa kaibigan. Sasagot pa sana ito nang basta na lamang huminto ang tugtog at pumanhik sa entablado ang abuelo ni King.
"Are you all enjoying the night?" nakangiting panimula nito.
"Yes!"
Tumango-tango ito matapos marinig ang sagot ng mga taong naroon. "Mabuti naman kung gano'n. Aba, isang beses sa isang taon lang tayo may party na kagaya nito." Matapos niyon ay napuno ng tawa ang munting rooftop ng gusaling iyon. "Pero may dalawang tao ang magpapaalam sa atin ngayong gabi. Nakakalungkot man isipin ay wala akong magagawa sapagkat buo na ang pasya nilang dalawa."
Napakunot ang noo ni Dia nang marinig ang sinabi ng lolo ni King. Sa kanyang kaalaman siya lamang ang hindi na muling pumirma ng kontrata sa mga kasamahan niya. Baka isa sa mga editors, aniya sa sarili sabay kibit-balikat. Oh well, lahat naman may karapatan na magdesisyon ng kung ano ang makakabuti para sa sarili.
"So, let's call one of them to give a farewell speech." Nakahanda na siyang tumayo kung sakali man na siya ang unang tatawagin ng ginoo ngunit napasinghap ang lahat nang marinig ang pangalan na sinambit nito. "King, hijo, the floor is yours."
"What the fu—" Hindi na niya naituloy pa ang kanyang nais sabihin nang takpan ni Ellie ang kanyang bibig. Nakangiting pumanhik ang binata at kinuha ang inabot na mikropono ng abuelo nito.
"Hello, ladies and gentlemen," bati ni King sa kanila. Hindi niya alam kung bakit pero naiinis siya na nagagawa nitong ngumiti ng malapad sa kabila nang nangyari sa kanilang dalawa. Was that really nothing for him? Was that not affecting him at all? Gusto tuloy niyang murahin ang lintik.
"Piece of shit," bulong niya na sa tantiya niya ay narinig ni Ellie dahil kinurot nito ang kanyang tagiliran. "What?" aniya sa kaibigan.
"Magagalit si Lord, mura ka ng mura," sagot nito sa kanya atsaka nag-sign of the cross. Well, her friend was raised in a God-fearing environment. Hindi ito nagmumura at ito rin ang walang-sawa na nagyayaya sa kanyang magsimba. But there's a catch, Ellie's an erotic-romance writer and one of the best sellers in Pages of Love. Hindi na niya nakuha pang sumagot sapagkat muli nang nagsalita si King.
"I had fun working with you, guys."
More like you had fun making fun of me, komento niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa binata na panay lang ang ngiti samantalang siya ay ngitngit na ngitngit.
"Ayoko sanang bitawan ang publishing house, kaya lang kung hindi ko gagawin 'yon, ang babaeng pinakamamahal ko ang mawawala sa akin."
Sabay silang napatingin ni Ellie sa isa't isa matapos marinig ang tinuran na iyon ni King. Nanlaki ang kanyang mga mata at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. She felt a sudden rush of blood to her head. Parang may libo-libong paru-paro ang nasa kanyang sikmura. Was it because of her cocktail? I don't think so, kontra niya sa sarili.
"Alam ko na kung magpapaliwanang ako sa kanya, pwede niyang sabihin na nagsisinungaling lang ako. And I can't blame her, we have a past where we hurt each other. Idagdag na rin na kilalang-kilala ko siya. Hindi siya maniniwala sa mga salita lang. I need to do something. I need to show her a proof and I hope by doing this, maniwala naman siya sa akin."
Napasinghap siya at ang mga tao sa paligid niya ay kanya-kanya ng naging reaksyon. They were whispering to each other and wanting to know who's King pertaining to. Bago pa magkaroon ng mas nakakahiyang eskandalo ay naisipan na niyang tumayo at tumakas doon. Imbes na tumayo ay nagpadausdos siya mula sa kanyang inuupuan upang hindi mapansin ni King.
Mabuti na lamang at malapit sa exit ang pwesto nila nina Ellie dahil mas mapapadali ang pagtakas niya. Gumapang siya kahit pa nakasuot siya ng dress at heels. Wala na siyang pakialam kung ano pa ang hitsura niya nang mga oras na iyon. She has one goal, just one goal— to flee without King noticing it.
"I know you're somewhere here, Chandria, Dia, my Andi. Ready ka na ba na kausapin ako?"
Napahinto siya sa ginagawa nang sabihin iyon ng binata. Napapikit siya at bumuntong-hininga. She came to a conclusion at that moment, maybe she has chronic bad luck. Mapapamura ka na lang talaga. "Damn it."
BINABASA MO ANG
The Ex-Tension
RomanceMay tension sa pagitan ni Chandria at ng ex-boyfriend niyang si King. Pareho silang galit at sinisisi ang bawat isa sa naging hiwalayan nila noon. Kahit na ayaw na niyang makita ang damuho ay alam niyang imposible iyon sapagkat nagtatrabaho siya sa...