CHAPTER 07 - PART 01

36 3 1
                                    

Bandang alas-diyes na ng umaga nang magising si Chandria kinabukasan. Kung paano at anong oras siya nakatulog ay hindi na niya alam. Basta pagbalik niya sa hotel room nila ni Ellie ay tahimik lang siyang umiyak sa kanyang kama. She knew for certain that everything between her and King was over when she kissed him goodbye. Done. Finished.

Nang magmulat siya ng mata ay kaagad niyang iginala ang kanyang paningin. Malinis na ang katabi niyang kama, palatandaan na wala na si Ellie. Hindi rin niya nadatnan ito kagabi at marahil ay nakatulog na siya nang nakabalik ito sa kanilang kwarto. Hindi na siya marahil ginising nito upang magpaalam.

Daig pa niya ang may hangover sapagkat ang bigat ng katawan niya at masakit din ang ulo niya. Kung dahil iyon sa kaiiyak niya kagabi ay hindi na siya magtataka. Unti-unti siyang bumangon at naglakad papunta sa banyo upang maligo. Pagpasok niya roon ay kaagad niyang tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin.

Ngumiti siya ng mapait nang makita ang pagmumukha niya. Namumugto ang kanyang mga mata at daig pa niya ang isang panda. Ni hindi na niya nagawa na alisin ang kanyang makeup kagabi kaya naman lalo siyang nagmukhang bruha. Wala sa sarili niyang inabot ang makeup remover wipes niya at nagsimulang linisin ang kanyang mukha.

Napabuntong-hininga siya at kinausap ang sarili. "Ano na ngayon ang gagawin mo, Chandria? Paano ka magsisimula ngayong wala na talaga siya?" tanong niya sa sarili. Hindi niya napigilan ang mapangiliran ng luha dahil doon.

Malinaw na malinaw pa sa alaala niya ang naging pag-uusap nila ni King kagabi. Parang may instant replay sa utak niya nang mga sandaling iyon. She was used to being by herself for the past few years but why does it feel so different now? Bakit sobrang lungkot ng nararamdaman niya?

And then it hit her. Sa mga nakalipas na taon ay nangarap siya na may part two pa ang love story nila ni King. Kaya naman kahit gaano pa siya nangulila noon sa binata ay hindi siya nawalan ng dahilan para mabuhay pero kagabi ay natapos na ang lahat. Tinapos na niya ang lahat.

"O, anong inaarte mo ngayon?" aniya sa sarili sabay punas ng luha niya. "Bakit ka umiiyak? Kung hindi ka ba naman gaga," wika pa niya sabay sinok. Tuluyan na siyang napaupo sa sahig ng banyo at umiyak. Hinayaan na niya ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

Magagawa pa kaya niya na magmahal ng iba? King matters the most to her. He was her most precious treasure. The love of her life. Pero sa tuwing naiisip niya na ang laki ng nagawa niyang kasalanan sa binata ay hindi niya magawang balewalain ang lahat. Kaya naman kahit masakit para sa kanya at ikinadurog ng puso niya ay pinalaya niya ito ng taos sa kanyang puso.

Iyon lang ang tanging parusa na maibibigay niya sa sarili. Now, she even doubts herself. Anong klaseng girlfriend nga ba siya noon? Ah, iyong tipo na laging tumatanggap. Si King ang giver at siya naman ang taker. Sa lahat ng pagkakataon ay iniintindi siya nito. Sa tuwing nakakalimot siya ng date dahil sa sobrang pagkasubsob niya sa trabaho ay wala naman siyang narinig mula rito. Sa tuwing nagkakansela siya ng lakad nila dahil may iba siyang uunahin na gawin ay hindi ito nagrereklamo.

How did King even try to ask her to give it a try again? She feels sorry for everything she has done. Pero hanggang kailan siya mamumuhay ng ganoon? Ano nga ba ang—

Naputol sa pagdaloy ng mga tanong sa kanyang isipan nang makarinig siya ng katok mula sa labas ng kanyang silid. Mabilis siyang tumayo at naghilamos ng mukha. Nagpupunas siya nang humakbang palapit doon. Muling kumatok ang kung sino man na nasa labas.

"Room service!"

Napakunot-noo siya sapagkat wala naman siyang natatandaan na tumawag siya at humingi ng kung ano sa front desk ng hotel. "Wrong room!" aniya at saka sumilip sa peephole. May isang staff ng hotel ang nakatayo sa tapat ng kanyang pintuan.

"To Miss Chandria Rivera po," wika ng staff.

Napilitan siyang buksan ang pinto at hindi na siya magtataka kung matakot man ito sa pagmumukha niya. Ang kanyang buhok ay itonali na lang niya ng basta at hindi man lang sinuklayan. Ang kanyang mga mata ay namumula pa rin dahil sa kanyang pag-iyak sa banyo kanina. Ang ilong naman niya ay ganoon din at panay pa ang singhot niya. Kahit sino pa ang makakita sa kanya ay iisa lang ang iisipin— ang broken hearted siya. Na totoo naman.

"Good morning, Ma'am. Nandiyan po ba si Miss Chandria?" magalang na tanong ng staff sa kanya na hindi naman gaanong pinansin ang estado niya.

"That would be me," sagot niya sabay singhot. Nang matapos ipasa sa kanya ang isang tray na naglalaman ng pagkain ay mabilis na siyang iniwan nito bago pa siya makapagtanong kung kanino nanggaling iyon. Matapos isara ang pinto ay kaagad siyang nagtungo sa maliit ng dining table at tinanggal ang takip ng tray.

Mayroong isang plato na naglalaman ng bacon, itlog, waffles at may kasama ring isang tasa ng hot chocolate. Na ikinatuwa naman niya. She was not a big fan of coffee. May napansin siyang isang maliit na papel na nasa ilalim ng tasa. Wala sa sariling kinuha niya iyon at binasa.

You haven't eaten anything last night.

Good morning :)

King

Gusto niyang magmura sa asar. Muli na naman nanubig ang kanyang mga mata dahil sa simpleng mensahe na iyon ng binata. How in the world was she going to move on? Iyon dapat ang unang araw niya pero dahil sa sulat na iyon ni King ay na-postpone na naman ang paglimot niya. Bukas na lang ulit siya magsisimula. Hindi naman siguro masama na i-delay niya iyon ng isa pang araw, tama?

Umiiyak na humigop siya ng hot chocolate. Hindi na kataka-taka na iyon ang in-order ni King para sa kanya. Alam kasi nito na hindi siya umiinom ng kape. Muli niyang tinitigan ang maliit na papel at hinaplos ang smiley face na nandoon.

"Walang hiya. May pa-smiley face ka pa na nalalaman. Mukha bang masaya ako ngayon?" aniya na tila ba sasagot ang papel sa tinuran niyang iyon.

Kung pupwede lang ay hindi niya kakainin ang pagkain na nasa harapan. Mas gusto niya iyong ipa-frame para may souvenir naman siya kahit paano. Kung ang Diyos ay may pa-Last Supper, hindi nagpatalo si King dito. Ipinilig niya ang kanyang ulo at sinumulan na kainin ang pa-Last Breakfast ng ex-boyfriend niya.

The Ex-TensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon