Pagmulat ng mga mata niya kinabukasan ay si King kaagad ang pumasok sa isip niya. Naiinis na sinabunutan niya nag sarili nang maalala na naman ang pinag-usapan nila nito kahapon. Ang lakas ng loob niya na makipag-deal kay King samantalang nanlalambot na ang buong katawan niya sa tuwing hinahawakan siya nito. Paano pa kaya kung dalawang araw pa itong nakadikit sa kanya? Sa pinasok niyang iyon ay hindi niya alam kung makakalabas pa ba siya ng buo. Kung maayos pa ba siyang makakauwi sa Maynila.
Well, it's just two days. Na-extend na naman ang pagmu-move on niya ng dalawang araw pa. Naloko na. Sisiguraduhin niya na hindi na lang siya bibigay sa lahat ng pagpapa-cute nito sa kanya. Gagawa siya ng paraan para hindi nito matibag ang pader na nakapalibot sa kanya laban dito. Nagawa niya iyon ng halos isang taon, ano ba naman 'yung dalawang araw pa?
Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya na patulan ang kabalbalan nito.
Ngayon, siya tuloy ang may problema. Magmula kahapon ay hindi na siya tinantanan ni King. Maya't maya kung makabuntot ito sa kanya. Hindi siya nito nilubayan kahit na hindi naman niya ito gaanong pinapansin.
Katulad kahapon ay napilitan siyang tumayo nang may nag-doorbell at kumatok sa pintuan ng kwarto niya. Humihikab pa siya at pupungas-pungas siyang lumapit sa pinto upang pagbuksan ang nasa labas.
"Good morning! Breakfast?"
Nawala ang kanyang antok nang marinig ang masiglang boses na iyon ni King. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat habang ito naman ay ngiting-ngiti. He looked so fresh in his white muscle shirt and cargo shorts. Basa pa ang buhok nito at amoy bagong shaved.
Noon lang niya naalala na hindi pa siya nakapaghilamos man lang. Mabilis na inagaw niya ang bitbit nitong tray at kaagad na isinara ang pinto sa pamamagitan ng kanyang paa. Sumandal siya doon pagkatapos at hingal na hingal pa na tila siya nakipaghabulan.
"Andi?" ani King sabay katok.
"Ba-bakit?" tugon niya sabya kagat sa kanyang ibabang labi. Bakit ba kasi hindi niya naisipan na sumilip muna sa peephole kagaya ng ginawa niya kahapon?
"Hindi ka man lang ba magte-thank you?"
Kahit hindi niya nakikita ang mukha ni King ay sigurado siyang may malapad itong ngiti sa labi nang mga oras na 'yon. Asar na sinipa niya ang pintuan. Bahala na itong mag-isip ng kung ano dahil doon.
"Thank you!" malakas na wika niya.
"Bakit parang galit ka?" nakakalokong wika ng binata. Kumatok ulit ito nang hindi siya sumagot. "Why don't you open the door?"
"Ano ka, sinuswerte?" inis niyang tanong dito.
"Bakit ayaw mong buksan?"
"Umalis ka na. Nag-thank you na ako."
"I just want to see your pretty face before I leave."
Muntik na niyang mabitawan ang tray na naglalaman ng almusal kung hindi lang siya naging maagap. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya nang marinig ang sinabing iyon ni King. Wala sa sariling ibinaba niya ang tray sa sahig at muling sumandal sa pintuan. Hinawakan niya ang seradura at patuloy ang pakikipagdebate sa saril kung bubuksan ba niya iyon o hindi.
"You're l-leaving..?"
Hindi niya alam kung narinig pa iyon ni King sapagkat tila wala siyang lakas na sabihin iyon. Kung anu-ano ang pumasok sa kanyang isipan. Nagbago na ba ang isip nito? Hindi na ba nito itutuloy ang dalawang araw na hiniling nito sa kanya? Hindi ba dapat ay ipagpasalamat niya iyon? Pero bakit parang masakit? Bakit tila hindi pa siya handa?
"Andi? Are you alright?"
Napakislot siya nang muling kumatok ang binata. Para silang tanga na nga-uusap habang sarado ang pintuan. Kung may makakita kay King sa labas ng silid niya ay aakalaing nababaliw na silang dalawa.
BINABASA MO ANG
The Ex-Tension
RomanceMay tension sa pagitan ni Chandria at ng ex-boyfriend niyang si King. Pareho silang galit at sinisisi ang bawat isa sa naging hiwalayan nila noon. Kahit na ayaw na niyang makita ang damuho ay alam niyang imposible iyon sapagkat nagtatrabaho siya sa...