MATAPOS maglibot-libot at kumain ng kung anu-ano ay hindi nila napansin ni King ang mabilis na paglipas ng oras. Hindi rin siya napilit nito na sumakay ng jet ski dahil nahihiya pa rin siya sa kagagahan niya. Mas pinili na lang nila na panoorin ang mga taong sumusubok ng iba't ibang water sports.
Hindi naman nakakalimutan ng binata ang pang-aasar sa kanya sa tuwing nagkakaroon ito ng pagkakataon. Tinawag pa siyang duwag ng hinayupak. Para naman patunayan na hindi siya duwag at apektado sa ginagawa nito ay lakas-loob niyang tinanggap ang dinner date na inalok nito sa kanya kanina matapos siyang ihatid sa kanyang hotel room.
Kasalukuyan pa lamang siyang nagpapatuyo ng buhok nang may kumatok na naman sa pintuan. Sa katunayan ay natatakot na siyang buksan iyon magmula nang maghatid ito ng almusal sa kanya kanina. Nagka-phobia na yata siya sa tuwing makakarinig ng katok.
"Delivery!"
Nakahinga siya ng maluwag nang mapagtanto na hindi iyon boses ni King. Binuksan niya ang pinto at tumambad sa kanya ang isang bungkos ng pulang rosas at isang malaking kahon. Mabilis na pinirmahan niya ang delivery note at isinara ang pinto gamit ang kanyang paa. May kabigatan ang kahon at hindi niya maiwasan na mag-isip kung ano ang laman niyon.
Dumiretso siya sa kama at doon ibinagsak ang kanyang mga bitbit. Ipinusod muna niya ang kanyang buhok bago binuksan ang kahon. Dahan-dahan niyang tinanggal ang tali at tumambad sa kanya ang isang itim na puff long sleeves dress. May katerno pa iyong puti ng ankle strap heels na dalawang pulgada lamang ang taas.
Wear this and meet me at the penthouse of the hotel.
Dinner starts at 8 on the dot.
See you later, sweetheart.
- King :)
Napangiti siya at muling binasa ang note na kasama ng mga bulaklak. Hindi niya naiwasan na ma-excite. Paano ba niya dededmahin ang malakas na sigaw ng puso niya kung sa simpleng sulat lang ay natutunaw na siya?
She decided to keep it simple. Pulang lipstick lamang ang naging kolorete niya sa mukha at bahagyang kinulot ang kanyang buhok. Pasado alas-otso na rin nang lisanin niya ang kanyang kwarto. It wouldn't hurt to be a little late, right?
Pagkarating niya sa penthouse ng hotel ay napanganga siya sa ganda niyon. Hindi inakala na may pool doon at napansin niya ang isang mesa sa 'di kalayuan. It was indeed a candlelight dinner. No wonder King sent her a dress that would fit the location and event. Ang nerbiyos niya ay mas nadagdagan nang lumabas ang binata mula sa isang pintuan at may bitbit na isang bote ng wine.
He looked so flawless in his gray suit. Isang puting long sleeve shirt naman ang panloob nito. There were three buttons undone. Nang mapansin siya ng binata na nakatingin ay napahinto ito sa paglalakad at ngumiti ng matamis sa kanya. Naglakad ang mga mata nito sa kabuuan niya at kitang-kita niya ang pagkislap ng mga iyon.
Napalunok siya nang matapos ibaba ni King ang bote ng wine sa mesa ay nilapitan siya nito. Hindi nawala ang ngiti sa mapula nitong labi at ganoon din naman siya. Hindi siya gumalaw mula sa kanyang kinatatayuan at tahimik na hinintay ang paglapit nito sa kanya. Nakasunod siya sa bawat hakbang ng binata at halos kapusin na siya nang hininga nang huminto ito sa kanyang harapan nang dalawang hakbang na lang ang pagitan nila.
Marahan nitong ikiniling ang ulo atsaka ngumiti ng mas malapad. Humalukipkip ito atsaka marahang bumuga ng hangin. "Nagkamali yata ako ng ipinadalang damit sayo."
"Huh?" naguguluhan niyang tanong sabay tingin sa damit na suot niya.
"Hindi ko napansin na maikli pala 'yan atsaka medyo, ano," anito sabay kamot ng batok. He placed his hand on his chest afterwards. "Revealing sa part na 'to."
Natawa siya ng bahagya dahil doon at naintindihan ang nais nitong iparating. May kalaliman nga ang neckline niyon kaya naman nahantad ng kaunti ang puno ng kanyang dibdib. Wala sa sariling sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri. Kinagat niya ang ibabang labi at hindi maintindihan kung bakit parang biglang uminit sa penthouse kahit pa mahangin naman doon.
"Do you want me to change?" tanong niya kay King mayamaya.
Mabilis itong umiling. "No, it looks good on you." Nang ngumiti siya ay kaagad nitong dinagdagan ang naunang sinabi. "Parang ako."
"Parang ikaw na ano?" tanong niya kahit na tila may ideya na siya sa kung ano ang ibig nitong sabihin.
"Parang ako, bagay sayo."
Hindi na niya napigilan ang matawa sa walang pasakalye ni King. Nakuha pa nitong magbiro ng ganoon samantalang hindi siya magkaugaga sa pag-aanalisa ng nararamdaman niya. She doesn't know what to feel first. Should she pay attention to her excitement first? Her nervousness? Her trembling hands?
King crossed the distance between them and placed a gentle kiss on her forehead. "I'm glad you're here."
Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng disappointment nang dahil doon. Bakit hindi maganda sa pakiramdam na sa noo lamang ang iginawad nitong halik sa kanya? Where were you expecting, Chandria? Sa lips? Nakakatawa ka, sermon niya sa sarili.
Bumalik ang diwa niya nang maramdaman ang mainit na palad na ni King na hinawakan at pinisil ang kanyang kamay. Nagwawala ang puso niya at kung makakalabas lang iyon sa dibdib niya ay hindi na siya magugulat pa. Nagkamali nga yata siya sa ginawang pagpayag sa dalawang araw na pagpapatintero nila ni King.
Sa umpisa pa lang ay alam na niyang talo na siya sa kasunduan na iyon pero sadyang matigas ang ulo niya. Ipinagpatuloy pa rin niya ang malabong usapan na iyon kahit alam niyang siya ang masasaktan at iiyak bandang huli.
Nang hilahin siya ng binata ay pinigilan niya ito. Nagtatanong ang mga mata nito nang tumingin sa kanya. Pagkatapos ay lumipat naman ang tingin nito sa magkahawak nilang kamay pabalik sa kanyang mukha. Pinilit nitong hulihin ang kanyang mga mata at matapang naman niyang sinalubong ang mga iyon.
"King, let's just be friends."
BINABASA MO ANG
The Ex-Tension
RomanceMay tension sa pagitan ni Chandria at ng ex-boyfriend niyang si King. Pareho silang galit at sinisisi ang bawat isa sa naging hiwalayan nila noon. Kahit na ayaw na niyang makita ang damuho ay alam niyang imposible iyon sapagkat nagtatrabaho siya sa...