CHAPTER 05 - PART 01

37 3 0
                                    

 "Tama ang naging desisyon mo, Dia. Makakatulong ka pa sa mga nangangailangan. Alam mo ba na hindi ko alam na ang pera na kinita nila sa pagbebenta ng libro mo ay mapupunta sa isang charity? Alam mo ba na dagdag points iyon kay Lord? Sigurado ako na—"

"Sigurado ako na sumasakit na ang tenga ko sa sobrang daldal mo," putol niya sa litanya ni Ellie matapos siya nitong samahan na mag-register sa 'Buy a Book, Win a Date' promo.

Ngumisi ito at nagpa-cute pa sa harapan niya. "Baka kasi biglang magbago ang isip mo, eh. Kaya kailangan kitang bigyan ng mas maraming dahilan para hindi ka na mag-back out."

"Sinasabi ko na nga ba," naiiling niyang wika. "Huwag kang mag-alala, hindi naman ako aatras."

"Very good!" natutuwang saad ni Ellie. "Pero bakit nga pala nagbago ang isip mo?"

"Huh? Uhm, wala naman," sagot niya sa tanong nito. "I just realized na tama ka. Na kailangan ko 'to para makapag-move on. This will be my first step."

Hindi na siya nag-abala pa na sabihin dito ang katotohanan na nakita niyang may ibang kasama na babae si King kanina. Anyway, sooner or later, that won't matter anymore. Kahit lahat pa ng babae sa islang iyon ay isa-isang isakay ni King sa jet ski ay wala siyang pakialam. Hindi na siya magpapaapekto. Weh, di nga? kontra naman ng isang tinig sa isip niya.

"Sabi ko naman sayo, eh. Never akong naging mali," mayabang na saad nito. Napailing na lang siya at hindi na kumontra pa.

"All-expense ng organization ang date na 'yon, tama?" paglilinaw niya kay Ellie. Ang sinabi kasi sa kanya ng organizer ng naturang event ay kailangan lamang niya na mag-donate ng kanyang nobela na maaring ibenta. Lahat ng kikitain ay mapupunta sa bahay-ampunan na kumakalinga sa mga batang ulila at mga inabandona ng magulang.

Nang malaman ang tungkol sa bagay na iyon ay hindi na siya nagdalawang-isip pa na sumali sa promo na 'yon. Alam niya ang pakiramdam ng walang magulang at kung pagkatapos ng dalawang buwan ay hindi nagbago ang pasya niya na tumigil na sa pagsusulat, naisip niyang maging volunteer na lang sa organisasyon na iyon.

Sa katunayan ay hindi niya maiwasan na manabik. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa katotohanan na may iba na siyang mapaglalaanan ng oras at puso o dahil sa katotohanan na handa na siyang palayain ang sarili niya mula kay King. Alin man sa dalawa ay nasisisguro niya na magiging maayos din ang lahat.

"Yep, wala kang ilalabas na pera pero kung gusto ng magiging ka-date mo na bonggahan pa ang date ninyo ay siya na ang gagastos," excited na sagot ni Ellie. "Anong nafi-feel mo?'

"Okay lang?" aniya. Nakatanggap siya ng mahinang kurot sa tagiliran dahil sa sagot niyang iyon.

"Hindi dapat na okay lang. Dapat ma-excite ka."

"Mas excited ka pa yata sa akin, eh?"

"Oo. Excited ako para sayo." Nang mahagip nang mata ni Ellie ang isang boutiques sa di-kalayuan ay hinila siya nito. "Bumili tayo ng damit na susuotin mo."

"Ha? Kailangan pa ba? May dala naman akong damit," tanggi niya.

"Alin? 'Yung mga T-shirt at skinny jeans mo? Mag-effort ka naman, Dia."

"Alangan naman na mag-gown pa ako?"

"Aba, why not, coconut?" walang pakialam na saad ng kaibigan.

Pagpasok na pagpasok nila sa boutique ay daig pa ni Ellie ang pumunta sa Disneyland. Excited ito na nag-ikot ikot at natatawang nakasunod lamang siya rito. Kung anu-ano pa ang mga damit na itinuturo nito sa kanya. May sleeveless, may backless at may high slit pa ang mga dress na napipili nito at panay naman ang iling niya.

The Ex-TensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon