CHAPTER 05 - PART 02

39 3 0
                                    

"CHANDRIA, we have to talk."

Naputol ang masayang pagkukwentuhan nila ng mga kapwa niya manunulat nang basta na lamang sumulpot si King. Kasalukuyan silang nasa isang café dahil katatapos lang ng isa pang meet and greet na mismong ang Pages of Love ang nag-organisa para sa kanilang mga manunulat ng publishing house.

Si Ellie na siyang nakaupo sa tapat niya ay palihim na sinipa ang binti niya sa ilalim ng mesa. Ang ilan naman sa mga kasama nila ay nakangiting binati ang kanilang boss. Inayos muna niya ang kanyang buhok at sapilitang ngumiti bago humarap kay King.

"Bakit po, Sir?" tanong niya. Masama ang kutob niya sa magiging pag-uusap nilang iyon. Pero, in fairness, hindi niya inaasahan na matapang na lalapit si King sa kanya kahit na may iba pa siyang kasama. Talaga naman na ikinabigla niya iyon.

"Confidential," maikli nitong sagot sa kanya. "So, we have to talk," anito atsaka isa-isang tiningnan ang mga kasama niya sa mesa, "Alone."

Nakakaunawang tumango naman ang mga manunulat na kasama niya. Nang tumingin siya kay Ellie upang humingi ng saklolo ay ngumiti ito bago nagsalita.

"Magkita na lang tayo mamaya sa room, Dia."

Mabilis na naiwasan ni Ellie ang ginawa iyang pagsipa sa ilalim ng mesa. Kung pwede lang niyang bigyan ng dirty finger ang butihin niyang kaibigan ay kanina pa niya ginawa. Isang masamang tingin ang muli niyang ipinagkaloob dito bago siya tumayo at sumunod kay King na nauna nang naglakad palabas sa café na iyon.

Ano na naman kaya ang problema ng damuho na 'to? Hindi na nagsawa sa kaka-away sa akin, aniya habang nakatingin sa likod ni King. Confidential daw? Hmm.

Ano naman kaya ang sasabihin nito sa kanya at kinailangan pa siyang hilahin sa mesa nila kanina? Hindi naman niya maiwasan na kabahan na baka tungkol sa kontrata niya ang pag-uusapan nila. Pero paano niya sasabihin sa binata na balak na niyang huminto sa pagsusulat?

Paano kung tanungin siya nito kung bakit? Maamin kaya niya ang katotohanan dito? Na gagawin niya iyon upang tuluyan nang maputol ang anumang uganayan nila? Hindi ba siya lalabas na mahina sa lagay na 'yon? Ah, basta, kahit ano pa ang maging verdict nito sa desisyon niyang iyon ay wala na siyang pakialam.

"Summer!"

Napahinto siya sa paglalakad nang bigla na lamang humawak sa braso niya. Isang matangkad at mestisong lalaki iyon na noon lang niya nakita. Nang makita nito ang kanyang mukha ay mabilis itong humingi ng paumanhin.

"Oh! I'm really sorry, Miss. Akala ko kasi ikaw 'yung asawa ko. Bigla na lang kasi siyang nawala sa tabi ko," nakangiting paumanhin ng lalaki na nakahawak pa rin sa braso niya. She could easily say that it was really an honest mistake. Nahagip din ng mata niya ang wedding ring na suot ng lalaki at ang dala nitong isang bungkos ng bulaklak.

Nakangiting tumango siya. "It's okay. Wala naman—"

"Kung nagkamali ka pwede mo na siyang bitawan," ang sinabing iyon ni King ang pumigil sa kung ano man ang sasabihin niya.

"Ooops," wika naman ng lalaki na mabilis siyang binitawan sabay taas pa ng kamay. Nakangiti pa rin ito sa kabila ng kagaspangan ng ugali na ipinakita ni King dito. "Pasensya ka na, pare. Hindi ko naman sinasadya na hawakan ang girlfriend mo."

Siya naman ang napakunot-noo at handa na sanang itama ang lalaki sa pag-aakalang may relasyon sila ni King. Ngunit bago pa man siya makapagsalita ay hinawakan na ni King ang kanyang kamay at inilayo sa estranghero. Itinago pa siya ng binata sa likuran nito na animo'y may kumukuha sa kanya sabay pisil sa kamay niya.

"Pasensya ka na rin, pare," ani King. Tumango lamang ang lalaki at ngumiting tumingin sa kanya bago sila iniwan ng binata. Ngumiti naman siya hindi dahil nginitian siya ng estranghero ngunit dahil nakakita siya ng lalaki na akala niya ay sa libro lang nag-e-exist.

Napakaswerte naman ng asawa nito. She was not a fan of flowers. Pero iba pa rin ang pakiramdam kapag nakakatanggap ng bulaklak mula sa nobyo o asawa sa kanyang palagay. Sigurado siya na kung sino man ang maswerteng babae na iyon ay kikiligin.

Huling-huli ni King ang kanyang pagngiti nang hinarap siya nito. Nagsalubong ang kilay ng binata at Mmuli pang tinapunan ng tingin ang papalayong lalaki. Pilit niyang binawi ang kanyang kamay na hawak pa rin nito ngunit hindi siya nagtagumpay sapagkat napakahigpit ng pagkakawak ni King doon.

"May asawa na 'yon," anito sa kanya na salubong pa rin ang kilay.

"So?" naguguluhan niyang sambit at sinubukan na muling bawiin ang kanyang kamay.

"What do you mean 'So?', Andi?" Tila hinidi nagustuhan ng binata ang sagot niyang iyon. Napabuntong-hininga siya at pumalatak.

"Pwede ba bitiwan mo na ako?" sa halip ay sambit niya. Bahala na itong ma-praning sa hindi niya pagsagot sa tanong nito. Isa pa'y dapat ba niya talagang sagutin ang tanong nitong iyon?

Hindi nakinig sa kanya ang binata at basta na lamang siya hinila papasok sa isang makipot na eskinita na nakapagitan sa isang restaurant at isang tindahan ng mga souvenir. Nang mapadpad sila sa bahagi na medyo nakatago ay noon lang siya binitawan nito. Humalukipkip naman siya at nag-iwas ng tingin sa binata.

Inaamin niya na nakaramdam siya ng kaunting nerbyos dahil sa ikinilos nito pero hindi niya maaaring ipahalata iyon sa binata. "Ano ba ang pag-uusapan natin, Sir?" tanong niya sa tahimik pa rin na si King.

"You joined a dating promo without telling me? Ako na publisher mo?"

Nang tumingin siya kay King ay kitang-kita niya ang inis sa mga mata nito. Nakasandal ito sa pader at nakapamulsa. Hindi niya maintindihan kung inis ba ito dahil binalewala niya ang katotohanan na publisher niya ito o ang pagsali niya sa promo na iyon?

Mas pinili niyang isipin na inis ito dahil sa pagsali niya ng walang pasabi. "Sa akin naman ang mga libro na 'yon. Binayaran ko para i-donate sa organization."

"I am not—" Nabigla siya sa pagtaas ng boses nito at tila nahimasmasan naman si King. Humugot ito ng malalim na hininga at mariing pumikit bago muling nagsalita. "You think this is about the money, Chandria? My point is, bakit ka sumali sa promo na 'yon kung gusto mo lang pala na mag-donate? Paano kung... kung sinu-sino lang ang maka-date mo?"

"Bakit mo pinoproblema ang magiging ka-date ko?" naguguluhan niyang tanong sa binata. "As far as I'm concerned, dalaga naman ako, so free ako na makipag-date."

"But why did you lie? Why did you tell me that you have a boyfriend?"

Hindi niya alam kung saan papunta ang usapan nilang iyon dahil sa mga tanong ni King na wala naman katuturan. "Ni hindi ko nga alam kung bakit kailangan ko na i-discussed sayo ang mga bagay na 'to, Harlequin," pagtatapat niya sa binata. "Hindi ako pwedeng makipag-date. Hindi ako pwedeng ngumiti sa ibang lalaki. Samantalang ikaw nga ang may angkas na ibang babae sa jet ski. Nagreklamo ba ako? Pinakialaman ba kita? Hindi naman, 'di ba? Kaya hindi ko maintindihan kung ano ang ipinuputok ng butse mo."

Humihingal siya nang matapos siyang magsalita. Daig pa niya ang sumali sa Pambansang Palaro sapagkat pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Hindi marahil inaasahan ni King ang mga sinabi niya at nanatili lamang itong nakatingin sa kanya.

"Alam mo, ang labo mo," aniya atsaka na iniwan doon ang binata.

The Ex-TensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon