"King, let's just be friends."
That was her last resolved. If he agrees, then their problem will be solved. Hindi na nila kailangan pa na pagtaguan ang isa't isa pagbalik nila ng Maynila. Magagawa na rin nilang kausapin ang isa't isa ng sibilisado at hindi nag-aasaran. Siguro ay pwede naman iyon. Siguro naman ay—
"Hindi pwede. Ayoko," mariin na sagot ng binata na ikinagulat niya. Hinila siya nito atsaka niyakap ng mahigpit. Hindi siya nakahuma at nanlamig ang kanyang buong katawan nang maramdaman ang pagsiksik ni King sa mukha nito sa kanyang leeg.
"K-King," aniya atsaka sinubukan na itulak ito palayo ngunit hindi siya nagtagumpay. Lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayapos sa kanya.
"I don't see you as a friend. I can't see you only as a friend. Imposible ang hinihiling mo sa akin, Chandria." He sighed and continued talking. "Para mo na rin hiniling sa akin na huminto na ako sa paghinga."
"Anong pinagsasabi mo? Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, Harlequin," suway niya rito. Kahit anong subok niya na kumawala mula sa mga bisig nito ay hindi siya nagtagumpay. Hiningal lang siya kaya naman bandang huli ay hinayaan na lang niya ang binata.
"Bumalik ka na sa akin, Andi," anito na tila nagsusumamo. Mas humigpit pa ang yakap nito sa kanya. It's as if he was afraid that the wind would take her away. "Make me feel alive again. Make my life worth living. Ayoko ng magising sa umaga, knowing that you're no longer mine. Parusa ko siguro 'yon dahil sa naging katarantaduhan ko noon pero handa akong bumawi sayo, Andi."
"Look, King. Wala ka naman kasalanan," aniya sa binata. "Ako, ako ang may kasalanan kaya tayo nagkaganito. Why are you making this harder for the both of us?" nanghihina niyang sambit. Hindi niya napigilan ang mapangiliran ng luha. "Hindi mo ba talaga ako naiintidihan? Masasaktan lang kita ulit dahil hindi pa ako buo, King. I'm still trying to fix myself."
Kumalas ang binata sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang balikat. His eyes were misty, too and her heart ached for him. "Why do you have to do it alone? Hindi ba pwede na nasa tabi mo ako habang inaayos mo ang sarili mo? Bakit kailangan na magkahiwalay tayo? Tutulungan kita." Lumunok ito at halatang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha.
Umiling siya at yumuko. "Hindi pwede. Hindi ko kayang hingin sayo 'yon."
"Kahit hindi mo hingin sa akin, Andi, kusa ko naman ibibigay ang sarili ko. My shoulder for you to lean on. My—"
"K-King..."
"Wala akong hindi gagawin para sayo, Andi."
He lifted her chin after that. Huminga siya ng malalim at muling pinigilan ang pagbuhos ng kanyang mga luha nang makita ang paghihirap sa mukha ni King. "Sigurado ka na ba talaga na hindi mo pagsisisihan 'to?"
"Hinding-hindi," matapang nitong sagot. Sunud-sunod pa ang pagtango na ginawa nito. "Mahal na mahal kita, Andi."
May luhang kumawala sa kanyang mga mata at mabilis na pinahid iyon atsaka ngumiti. "And I love you, too." Sinapo niya ang magkabila nitong pisngi at puno ng pagmamahal na tinitigan ang mga mata ng binata. "Mahal na mahal din kita, King."
"Is that a 'Yes'?" puno ng pananabik ang boses nito nang sambitin iyon. "Andi?" tawag nito sa kanya nang hindi siya kaagad na sumagot.
Siya naman ay mas lalong lumapad ang ngiti at tumango. "Yes."
He sealed the start of their second chance with a kiss. A breathtaking-heart-awakening kind of kiss. Funny how his kiss made her feel alive again. It's as if her missing soul came back to life. Kusa niyang iniyakap ang kanyang mga braso sa baywang ni King. Ang mga kamay naman ng binata at bumaba rin sa kanyang baywang at mas inilapit pa ang kanilang katawan sa isa't isa. Malakas ang pagkabog ng dibdib niya at dahil iyon sa lubos na kasiyahan.
He broke the kiss and they were both panting. "Oh my God, Andi... I've missed you so much." Sinapo nito ang magkabila niyang pisngi pagkatapos. Ginawaran ulit siya nito ng halik sa kanyang noo, ilong at labi. Ngiting-ngiti siya at nanunubig pa rin ang kanyang mga mata.
She softly caressed his hands and inhaled deeply. She was trying her best to calm down. Kung siya lang ang masusunod ay kanina pa niya gustong magtatalon sa tuwa. It felt so surreal. Everything that happened that night felt so magical. Kung panaginip man iyon ay ayaw na niyang magising pa.
"I know this is long overdue but," ani King mayamaya. He looked so nervous that she could feel his hands quiver. Binitiwan nito ang kanyang mukha ngunit hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nagtatanong ang mga mata niya nang tumingin dito. "This ring will always belong to you."
Mula sa bulsa ng suot nito coat ay may kinuha itong isang maliit na kahon. Yes, the famous red velvet box that drives other women crazy. Wala sa sariling sinapo niya ang dibdib at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. The ring was the simplest she has ever seen. It was a round diamond in a solitaire setting. No bling. Just plain, classic and elegant.
When King got down on one knee, she almost choked. Napanganga siya sa gulat at tinakpan ang kanyang bibig gamit ang kanyang dalawang palad.
"K-King..." Her lips waver together with her whole body.
"Will you marry me, sweetheart? Will you spend the rest of your life with me?" tanong ng binata na bagama't nakangiti ay halatang pinipigilan ang pag-iyak.
Hindi niya naiwasan ang mag-isip. Kung noon ay hindi sila naghiwalay at natuloy ang proposal na iyon, ano na kayang klase ng buhay meron sila ngayon ni King? May mga anak na kaya sila? Anong bansa na kaya ang napuntahan nila ng magkasama? Maybe it's not too late to know the answers to her questions. All she has to say is another 'Yes'.
Ngumiti siya ng matamis at nagpalipat-lipat ang tingin kay King at sa hawak nitong kahon na naglalaman ng singsing. "Yes, Mr. Villegas."
Isinuot ng binata ang singsing sa kanyang daliri at tila ito isang paslit na binilhan ng bagong laruan. Tumayo ito at muli siyang niyakap ng mahigpit. Gumanti siya ng yakap dito at inihilig ang sarili sa dibdib ng binata. Ang lakas ng tibok ng puso nito at ganoon din ang sa kanya. Their hearts were together once again.
This? This is life. This is love.
BINABASA MO ANG
The Ex-Tension
RomanceMay tension sa pagitan ni Chandria at ng ex-boyfriend niyang si King. Pareho silang galit at sinisisi ang bawat isa sa naging hiwalayan nila noon. Kahit na ayaw na niyang makita ang damuho ay alam niyang imposible iyon sapagkat nagtatrabaho siya sa...