CHAPTER 02- PART 02

46 4 1
                                    

THE questions were the same as usual; How does it feel to be called the Queen of Rom-Coms?; Ano ang mga aabangan ng mga readers sa mga susunod na buwan? But one of the readers, her reader, she might add, asked her something that she didn't anticipate at all.

"Miss Chandria, sobra po ang galing ninyong magpa-kilig. May boyfriend po ba kayo na nagpapakilig sa inyo ngayon? Sa kanya po ba inspired ang mga heroes ninyo?"

Pilit siyang ngumiti kahit pa talagang nagulat siya sa tanong na iyon ng isang dalaga na sa hula niya ay nasa edad na bente-dos pa lamang. Kung hindi siguro niya alam na nandoon si King na tahimik na nagmamasid sa kanya ay baka mabilis siyang nakasagot.

Maari niyang sabihin na base sa karanasan niya ang ilan sa mga eksena sa nobela niya. Maari niyang ipagmalaki iyon kung wala lang doon ang binata. Paano ba niya tahasan na aaaminin sa lahat na ang ex-boyfriend niya ang inspirasyon niya sa tuwing nagsusulat siya? Kung hindi ba naman tanga ang tawag doon ay hindi na niya alam kung ano.

Hinanap niya ang isang pares ng mata na kulay tsokolate na ramdam niyang nakatingin sa kanya nang mga oras na iyon. And, viola. She saw him standing near the front door with his arms crossed. What she saw next annoyed her.

May isang babae na lumapit dito. Nakasuot iyon ng dress na humaba lang ng konti sa T-shirt at kitang-kita niya ang pagbulong nito sa binata sabay abot ng isang papel. Kung hindi siya nagkakamali ay calling card iyon.

Sa kanya naman nakatingin si King at bahagya lang tinanguan ang babae hanggang sa tuluyan itong umalis. Hindi niya alam kung bakit kailangan kumulo ng dugo niya sa kanyang nasaksihan. Past tense pala, ha? Mas naasar pa siya dahil sa munting tinig na iyon na nanggaling sa isip niya.

"No, they were imaginary," sagot niya habang nakatingin pa rin sa direksyon ng binata. "And I never had a boyfriend," dugtong pa niya sabay ngiti ng matamis.

Kung bakit niya sinabi iyon ay hindi niya alam. Basta ang gusto lang niya ay inisin din si King. Gusto niyang makabawi sa lahat ng pinaggagawa nito sa kanya sa loob ng isang taon. Nang makita niya ang pagsalubong ng kilay ng binata ay umiwas na siya ng tingin at ngumiti sa dalaga na nagtanong sa kanya. Pagkatapos ay may isa pang nagtanong sa kanya na malugod naman niyang sinagot.

"If you've never been in a relationship before, how come you know so much about love and relationships?"

"Ahm, because I have so much love to give?" Tumawa pa siya bago sinundan ang nauna niyang sinabi, "And maybe because I recieved so much love from my family."

"I have a question for Miss Chandria of Pages of Love Corp,."

Nanlaki ang kanyang mga mata at kulang na lang ay mahulog siya sa kanyang upuan nang makita si King na may hawak na mikropono. Base sa ekspresyon nito ay hindi nito nagustuhan ang sinabi niya kanina. Hindi ito nakasuot ng formal suit kaya naman mapagkakamalan itong isa lamang sa mga attendees ng conference na iyon.

Game on. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis bago nagsalita. "Sure. Ano 'yon?"

"If you have so much love to give, paano mo ipinapakita ang pagmamahal mo sa isang tao?"

Napatingin lahat ng mga tao na nandoon sa binata ngunit tila wala itong pakialam dahil sa kanya lang ito nakatingin at nagsisimula na siyang makaramdam ng ilang. Hindi niya inaasahan ang tanong nitong iyon. Ang praktisado niyang ngiti ay sumilay sa kanyang labi nang makita niya na tila nag-aabang ang lahat sa kanyang magiging sagot.

"Simple lang naman. Exert effort, give time—"

"Time, big word," putol ni King sa sinasabi niya.

Alam niya na patungkol sa kanya ang sinabi nitong iyon. Napakasarkastiko ng pagkakasabi ng binata sa salitang 'time'. Hindi naman siya tanga para hindi mapansin iyon. May isang dalaga na nagtaas ng kamay at tumayo pagkatapos.

"Hindi po ba dahil sa kawalan ng oras ni Andi kay Kian kaya sila nagkahiwalay?"

I'm so done. Ready na po ako Lord. Kunin na po ninyo ako, aniya sa sarili habang kagat-kagat ang ibabang labi. Si King naman ay mas dumoble ang gatla sa noo. Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanya at sa nagtanong niyon.

Ngumiti pa rin siya kahit na parang umiikot na ang sikmura niya sa sobrang nerbiyos. "Yeah," tipid niyang sagot.

Kahit siya ay hindi makakalimutan ang isa sa mga nobelang naisulat niya. Paano nga ba niya makakalimutan ang true to life na istorya niyang iyon? Iyon nga lang, sa totoong buhay ay wala siyang happy ending hindi kagaya ng heroine niya. Isa iyon sa mga naging dahilan kung bakit nakilala siya at naging matunog ang pangalan na 'Chandria' sa mga mambabasa.

"Pero mabuti na lang po at naintidihan siya ni Kian kaya sila nagkabalikan," dagdag pa ng dalaga. Kulang na lang ay bumaba siya sa entablado upang takpan ang bibig ng madaldal na dalagita.

"Paano po kayo nakakagawa ng isang hero na sobrang loveable? Kahit po 'yung asawa ko naiinis na sa tuwing ikinokompara ko siya sa mga sinusulat mo, Miss Chandria," nakangiting wika naman ng isang reporter na malapit sa kanya. She was saved by the bell. Thanks to this woman.

"I based them on our preferences. And when I said 'our', I meant us, women. At masakit man aminin, sa libro lang sila nag-e-exist," biro pa niya sa mga taong nandoon. Mabuti na lamang at hindi na nakisali pa si King sa kaguluhan na iyon dahil baka mag-debate lang sila sa harapan ng maraming tao.

"Wala pa po ba kayong na-meet na gaanong klase ng lalaki sa buong buhay ninyo, Miss Chandria?" tanong ng isa pa.

"'Yung gwapo at may maayos na trabaho?" pilyang tugon niya. "Marami na pero 'yung makakaiintindi sayo at hindi ka iiwan? Wala pa," aniya sabay iling ng marahan bagama't nakangiti. "Hindi ko naman nilalahat pero palagay ko may iilan lang na babae ang swerte at nakakahanap ng lalaking uunawain sila at pipiliin sila kahit na gaano pa kapangit o kagulo ang buhay na meron sila."

Nagpalakpakan ang mga kababaihan sa bulwagan na iyon at may ilan pang sumang-ayon sa kanya. Ang mga lalaking naroon naman, mapa-photographer man o mapa-security staff ay pawang naiiling lang at pakamot-kamot ng ulo. Hindi maaring pumalag ni isa sa mga iyon dahil halos walumpung porsyento ng naroon ay mga kabaro niya.

And speaking of guys, there was one specific guy she'd like to see at the moment. Gusto niyang malaman kung ano ang naging reaksyon nito sa mga pinagsasabi niya. But to her dismay, likod na lang ni King ang nakita niya. Palabas na ito at ni hindi man lang muling tumingin sa direksyon niya. Oh, well, sigurado siya na hindi naman ganoon lang matatapos ang araw nilang dalawa. Natitiyak niya na to be continued ang sagupaan nilang iyon.

With that thought, she sighed and continued answering the questions being thrown at her.

The Ex-TensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon