CHAPTER 01 - PART 02

73 6 0
                                    

"Bakit ka nandito?" tanong niya kay King. Hindi niya alam kung bakit iyon ang unang lumabas sa bibig niya at halata na ikinagulat iyon ni Ellie at ng binata. Bahagyang nagsalubong ang kilay ng ni King at naramdaman naman niya ang mahinang pagsiko sa kanya ni Ellie.

King arrogantly answered her question. "I'm the boss. Your boss."

Natigilan naman siya at napahiya. Bakit ba kasi ang lakas ng loob niya na kuwestiyunin ito? Pero sa pagkakatanda niya ay hindi naman ito kasama sa mga pupunta sa conference na iyon. Kaya nga labis ang saya na naramdaman niya nang malaman iyon. Ang akala pa naman niya ay makakalayo siya ng ilang araw sa lalaking halos isumpa na niya dahil sa labis na sakit na idinulot nito sa kanya.

Si Harlequin Villegas o mas kilala bilang King ay ang ex-boyfriend niya na basta na lang nang-iwan sa kanya. Lumipad ito patungong Canada nang walang pasabi. Kahit simpleng, 'Aalis na ako. Iiwan na kita." ay wala siyang narinig mula sa lintik na lalaki. Ang relasyon nila na umabot ng apat na taon ay basta na lamang nito itinapon na parang basura. Ito ang lalaking lubos niyang minahal at inalayan niya ng lahat. N-O-O-N.

Hindi kailanman pumasok sa kanyang isipan na muli silang magkikita nito. Ang akala niya ay sa panaginip lamang niya ito madalas na makikita. Ngunit noong nakaraang taon ay nagulo ang nananahimik niyang buhay nang sumulpot ito sa conference roon ng Pages of Love at nagpakilala bilang bagong CEO ng kompanya. Ang akala pa niya noon ay niloloko lamang siya ng kanyang paningin pero kahit na anong klaseng pagpikit ang ginawa niya ay si King pa rin ang nakikita niya sa tuwing nagmumulat siya ng mata.

Bago pa siya pumirma ng kontrata sa Pages of Love Publishing Corp., ay nagdalawang-isip na siya sapagkat nakita niya ang apelyido ng may-ari. Pero naisip niya na napakarami naman na Villegas sa mundo at malabo na konektado iyon sa kanyang ex-boyfriend. Wala naman kasi itong nabanggit sa kanya noong boyfriend pa niya ito.

Bakit ba kasi ang editor in chief ng naturang kompanya ang nagpapirma ng kontrata sa kanya? Kung ang lolo lang siguro ni King ang nakausap niya ay baka tumakbo na siya palabas ng opisina nito at hinding-hindi na muli pang tatapak doon.

Nakilala naman kasi niya ang pamilya ng binata noong mga panahon na sila pa. Ang lolo at lola nito ang nagpalaki sa binata na katulad niya ay maaga rin na naulila. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit naging magaan kaagad ang loob nila sa isa't isa. They found a common ground.

Nakilala niya ito noong nagtatrabaho pa siya bilang writer ng magazine. Isa ito sa mga naging modelo nila. Ang akala pa nga niya noon ay isa lang itong simpleng modelo ngunit nagkamali siya. Kaibigan pala ni King ang may-ari ng kompanya at napilitan lamang itong mag-modelo sapagkat natalo ito sa isang pustahan.

And then the rest was history. Napakaganda ng naging pagsasama nila at kung kailan kailangan na kailangan niya ito ay noon naman ito nawala ng parang bula. Sino ba ang matutuwa sa lagay na 'yon? Sino ba ang nanaisin pa na muling makita ang taong nagparanas sayo ng labis na kalungkutan?

Wala naman sana siyang balak na kausapin o pansinin ito noong araw na muling nag-krus ang landas nila. Kaya lang si King ang lumapit sa kanya at muli na naman niyang naalala ang araw kung kailan nagsimula ang kabilaan nilang pagsasaringan...

Hindi maitago ni King ang pagkabigla nang makita siya nito sa loob ng conference room na iyon. Nang magtama ang kanilang tingin ay sabay pa na nanlaki ang mga mata nila. Ang akala niya ay tahimik siyang makakapuslit nang dumating ang pizza na in-order ng binata para sa mga writers, editors at ilan pang mga empleyado na dumalo sa meeting na iyon ngunit nagkamali siya. Paglabas niya ng rest room ay mayroon humablot sa braso niya. Labis man siyang nagulat ay napigilan naman niya ang tumili.

Nang makarating sa isang sulok ay panay pa ang linga ng binata upang masigurado na walang nakakakita sa kanila. Nang makampante ito ay noon lang ito tumingin sa kanya. Kahit na gustong-gusto na niyang haplusin ang mukha nito ay hindi niya ginawa. Nang muli niyang makita ang binata parang biglang nawala ang lahat ng sakit at galit na nararamdaman niya. That's when she realized she still cared for him.

Mas nanaig din ang pagka-miss niya rito. Sa loob ng ilang taon na hindi nila pagkikita ay inakala niya na nakalimutan na niya ito ngunit niloloko lang pala niya ang sarili niya. Kaya lang, wala pang isang minuto ay muling bumangon ang galit na mayroon siya para kay King nang magsalita ito.

"What are you doing here?"

Hindi niya mapigilan ang magtaka sa paraan ng pagtrato sa kanya ng binata. Bakit tila ito pa ang galit sa kanya samantalang ito naman ang may kasalanan sa kanilang dalawa? Bakit ang tapang nito na harapin siya sa ganoong paraan na para bang wala itong ginawang masama sa kanya?

"Answer me, Chandria. Damn it!"

She always liked the way he said her name. But not today. He pronounced it correctly but it sounds bitter. Muling luminga si King sa paligid nang mapagtanto na tumaas ang boses nito. At naikuyom naman niya ang kanyang dalawang palad sa labis na pagpipigil na suntukin ito. Akmang aalis na siya nang isinalya siya ng binata sa pader at gamit ang dalawang braso ay ikinulong siya roon.

"What the hell"

"Nagpakilala na ako sayo kanina sa conference room, Sir." Idiniin pa talaga niya ang pagkakabigkas sa 'Sir'. "I'm one of this company's writer and my name is Chandria."

Nagsalubong ang dalawang kilay ng binata at tiyak niya na hindi nito nagustuhan ang tono ng kanyang pananalita. And it was a good thing because that's what she wanted— to pissed him off.

Nang alisin nito ang mga braso na nakatukod sa pader ay kulang na lang ay lumipad siya paalis doon. Hindi pa siya nakakahakbang palayo ay muli siya nitong pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang braso. Napakahigpit ng paghahawak nito sa kanya at hindi na siya magtataka kung bumakas man doon ang palad nito.

Pero nahihibang na yata siya sapagkat imbes na bawiin niya ang kanyang braso ay hindi niya magawa. Hindi niya matanggap sa kanyang sarili na sa simpleng pagdampi ng palad nito ay nanlambot ang kanyang mga tuhod.

"Hindi mo ba alam na pagmamay-ari ng lolo ang Pages of Love, Dia? Bakit—"

"Hindi ko alam," putol niya sa mga sasabihin pa ng binata. Masyado ng masakit ang ipinakita nito sa kanya ngayon at hindi naman siya masokista para mas lalo pang saktan ang sarili niya sa pananatili sa maliit na espasyo na iyon kasama ito. "Before I signed my first and second contract I didn't know. Kasi kung alam ko lang..."

"Kung alam mo lang?"

Mas lalo pa niyang ikinuyom ang kanyang palad upang pigilan ang panginginig ng kanyang boses. Kailangan niyang makaalis ngayon doon dahil nagbabantang kumawala ang kanyang mga luha. Ang kanyang mga luha na akala niya ay natuyo na sapagkat tatlong taon na rin nang huli siyang umiyak. At ngayon sa pagbabalik ni King, muli na naman napunô ng kalungkutan ang puso niya.

"Kung alam ko lang, tumakbo na ako ng malayong-malayo para hindi na kita nakita pa ulit. Para hindi na sana tayo nagkausap pa ng ganito."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay unti-unting gumaan ang kamay nito na pumipigil sa kanya. Ginamit niya ang pagkakataon na iyon upang makatakas dito at noon lang pumatak ang luha na kanina pa niya pinipigilan.

Magmula noon ay naging madalang na lang ang pagbisita niya sa Pages of Love. Kung noon ay siya mismo ang naghahatid ng mga manuscript niya, matapos ang insidente na iyon ay ipinapadala na lang niya sa e-mail ang mga nobela na natapos niya.

Hangga't maari ay hindi na niya nais pa na muling makadaupang-palad ang binata. She always felt suffocated whenever they were in the same room. At hanggang maaari ay ayaw din niya na magtama ang kanilang mga mata. Sapat na sa kanya ang parusa na iisa lamang ang hangin na pumapalibot sa kanila ni King.

Siya rin ang madalas na umuwi ng maaga pagkatapos ng monthly meeting nila. Kahit anong pilit sa kanya ng mga kasamahan niya ay nakakagawa siya ng dahilan upang makalabas sa gusaling iyon. Daig pa nila ang walang nakikita kapag nagkasalubong sila. Maliban na lang kung may ibang tao silang kasama. Kailangan nilang batiin ang bawat isa. Nakasanayan na nilang dalawa na magpakitang-tao. Ayaw man niyang aminin ay nasasaktan pa rin siya kahit pa anong pilit niyang balewalain ang kalamigan ni King sa kanya. But since that's what he wanted, might as well give it to him. Madali naman kasi siyang kausap.

The Ex-TensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon