CHAPTER 10 - PART 02

96 3 1
                                    

MALAKI at mabilis ang mga hakbang ni Dia papunta sa parking lot ng Pages of Love. Mabuti na lamang at dala niya ang kanyang kotse at mapapabilis ang pag-alis niya sa lugar na iyon. Sa susunod na lang siya hihingi ng paumanhin sa mga kasama at katrabaho niya. Matapos ipangalandakan ni King na siya ang babaeng tinutukoy nito ay mabilis pa sa alas-kwatro siyang lumisan doon. Ni hindi na niya maalala kung paano siya nakasakay ng elevator ng matiwasay.

She was so dumbfounded that she didn't know what to do and what to say. And King leaving the publishing house and stepping down from his position, what's that got to do with her? Iyon ba ang proof na sinasabi nito?

"Andi!"

Napakislot siya nang marinig ang pagtawag na iyon sa kanya ni King. Bakit ba ang hilig nito na sundan siya sa tuwing tinatakasan niya ito? Hindi ba nahalata ng binata na ayaw niya munang makaharap ito? Just how the hell could she escape from him? Hinila ni King ang kamay niya at iniharap siya rito. Pawis na pawis ito at habol ang hininga. Did he take the stairs?

"Bitiwan mo ako," matigas niyang pahayag dito.

"Why do you keep on pushing me away?"

She looked at him and it's as if he was on the verge of crying. She inhaled to calm her nerves and her heart. Binawi niya ang kamay niyang hawak pa rin nito bago nagsalita. "Tapos na tayo, King. Ano pa ba ang gusto mo? Hindi ko rin hiningi sayo na magbitiw ka sa pwesto mo. Kaya hindi ko alam kung bakit ginawa mo 'yon."

"Para sayo," mabilis nitong sagot. "And for the record, I never intended to tame you and fix our relationship for the company's sake. Nilapitan kita dahil gusto ko. Dahil mahal pa rin kita at hindi na yata magbabago pa 'yon kahit kailan."

Umiling siya . "Tapos na tayo, King," pag-uulit niya.

"Talaga?" Muling hinawakan ni King ang kamay niya. "Then, why are you still wearing this ring?"

Napatingin siya sa singsing na nasa daliri pa rin niya. Napahiyang hinila niya ang kanyang kamay. "Nakalimutan ko lang na tanggalin," aniya sabay ismid.

Ang totoo ay hindi niya magawa na alisin iyon. Hindi pa siya handa putulin ang lahat ng harap-harapan kay King. Kaya nga nagkulong lang siya sa bahay at nagbabakasakali na baka makaipon siya ng sapat na lakas ng loob na hubarin ang singsing na iyon. Talk about being pathetic. Siya na yata ang may ugali na pinakamahirap intindihin.

She tried to take it off in front of him but the stubborn ring won't wear off. "Aalisin ko naman talaga para ibalik sayo," aniya habang patuloy pa rin na sinusubukan na alisin ang lintik na singsing sa kanyang daliri. "Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggal-tanggal ang bwisit na 'to." Ilang beses pa niyang pilit na hinihila ang singsing hanggang sa sumakit na ang daliri niya. "Take it off! Take it off!" gigil niyang utos kay King atsaka itinapat sa mukha nito ang kanyang kamay.

Ngumiti ang binata at muling hinawakan ang kanyang kamay. Pagkatapos niyon ay hinila siya nito at hinapit ang kanyang baywang nang maglapit ang kanilang mga katawan. "Stop fighting it. 'Wag ng matigas ang ulo mo, Andi. Para sayo talaga 'yan at para sayo lang ako." After that, he slowly bent his head to meet her lips. He was trembling as if he was afraid he might hurt her. He was so careful as if she was a fragile glass that could break any moment.

The moment his lips touched hers, she realized that nothing changed. Pagmamay-ari pa rin ni King ang puso niya. Wala na ngang hihigit pa sa pagmamahal na mayroon siya para sa binata. Pinawi ng halik na iyon ang lahat ng lungkot at sakit na naramdaman niya nang mga nakaraang linggo. That made her wonder how she lived for the past years without him or could she really call that living?

Nang matapos ang halik na iyon ay pareho nilang habol ang hininga. Idinikit ni King ang noo nito sa kanyang noo. "Hindi kita hinabol at kinausap kaagad dahil alam kong hindi mo naman ako pakikinggan hangga't hindi ka pa handa. That also gave me enough time to settle things down in Pages of Love. Kung sa palagay mo ay basta na lang kita pakakawalan, nagkakamali ka, Andi. I apologized to Lolo, as well. Alam ko na ako lang ang inaasahan niya na magpapatuloy sa publishing house pero kung wala ka naman sa tabi ko, hindi ko alam kung kaya kong gawin 'yon. It will remind me of you every single time. Naintindihan naman ako ni Lolo at pinagbigyan niya ako. Kahit na mawala sa akin ang lahat, magiging ayos lang ako basta nasa tabi kita. Ikaw lang ang kailangan ko, Andi.

"Ito ang dahilan kung bakit ayoko na magkita ulit tayong dalawa pagbalik ko ng Pilipinas. I had a feeling that I'll fall for you over again. Kaya naman 'nung nakita kita sa conference room ng Pages of Love, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. In the end, I hurt you and made you feel bad. I've said things that made you cry. I'm sorry.

"Gustong-gusto na kitang lapitan noon pa man para kausapin ka ng maayos pero hindi kita mahagilap. Whenever I see you, I don't know how to react and I always say and do things I don't even mean. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit panay ang iwas mo sa akin. And when we were in Isla Avalos, everything changed. Pagkatapos kong mabasa ang nobela mo at mabalitaan na sumali ka sa isang date promo, it was my turning point. I knew right then that I have to do everything I could to win you back, Andi. Mahal na mahal pa rin kasi kita at ikaw lang talaga magmula noon hanggang ngayon."

Hindi niya alam kung bakit sa tigas ng ulo niya ay patuloy pa rin siyang hinahabol at minamahal ni King. And as absurd it may sound, she believed everything he confessed. She knew he was being sincere and she couldn't ignore the fact that she still loves King with all her heart. Sinapo niya ang mukha ni King at tinitigan ito ng buong-puso. "Paano naman ako makakatas sayo niyan pagkatapos ng lahat ng narinig ko?" Ngumiti siya at ginawaran ng mabilis na halik sa labi ang binata. "I'm sorry for being such a stubborn brat, King."

"You're forgiven," mabilis nitong sagot.

"Ang bilis naman?" taning niya sabay ngiti.

"Basta ikaw," ani King atsaka kumindat. "Malakas ka sa akin, eh."

"I love you."

Ilang segundo siya nitong tinitigan matapos niyang sabihin iyon. "For real?" tila hindi makapaniwalang tanong ng binata.

Tumango siya ng sunod-sunod. "For real. Sigurado ako na mahal talaga siguro kita kaya madalas akong nasasaktan kahit sa mga simpleng bagay lang. I was also afraid that we might repeat the same mistakes. And don't worry, hindi lang ikaw ang takot na magkita ulit tayo. I fell for you over again the moment we met each other's eyes. Gumaganti lang ako sa lahat ng pang-aasar mo para hindi mo mapansin 'yon."

"Kaya ba lagi mo akong tinatarayan?"

Nahihiyang tumango siya. "Napakayabang mo naman po kasi."

"Defense mechanism ko lang 'yon. Paano ba naman palagi na lang bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita kita."

"Ang corny mo naman po." She wrinkled her nose and laughed.

"Basta para sayo," anito sabay kindat. "Bati na tayo, ha?"

"Uhm, okay."

"'Wag na tayong mag-aaway."

"Pwede ba 'yon?"

"Basta ayoko na nag-aaway tayo."

"Hmm, let's see."

"Tayo na ulit?"

"Yes," aniya sabay ngiti. "Pero bawiin mo na 'yung resignation letter mo." Tinitigan siya ni King na para bang naninigurado sa narinig nitong sinabi niya. "Seryoso ako. Naisip ko lang naman na tumigil sa pagsusulat 'nung hindi pa tayo okay. Pakiramdam ko kasi hindi tayo matatahimik kung may koneksyon pa rin tayong dalawa. And it made me wonder kung may love story pa ba akong maisusulat kung loveless naman ako."

"And now?"

"I won't stop writing," aniya.

"Good but stop swearing. Hindi bagay sayo," anito atsaka sumimangot.

"Opo," sagot niya sabay tango.

"Stop driving me away," paalala pa ni King sa kanya.

"I'm done running away and I promise I won't stop loving you."

"Same here, sweetheart. I love you the most, my Andi."


*THE END*

The Ex-TensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon