AFTER ten years and ten thousand liter of tears, she decided to go out of her hotel room. Hindi na nakakatulong ang pagmumukmok niya. Maya't maya kung may crying session siya. Kung ma-dehydrate man siya ay hindi na siya mabibigla.
Balak niya na magliwaliw na lang at naalala niya na may island hopping activity na in-offer ang hotel sa kanilang dalawa ni Ellie noong isang araw. Sana naman ay maging okupado ang kanyang utak at nang hindi na muling maisip pa ang nangyari sa pagitan nila ni King kagabi.
Kasalukuyan siyang kumakain ng ice cream sa verandah ng isang restaurant kung saan siya kumain ng tanghalian. Kung tanghalian pa ba na matatawag iyon sapagkat alas-dos pasado na nang lumabas siya ng hotel at nakaramdam ng gutom. Ang kutsara na gamit niya ay naiwan sa kanyang bibig nang may umupo sa tapat niya.
"Nagustuhan mo ba 'yung breakfast?" nakangiting tanong ni King sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Hindi naman siguro siya nililinlang ng kanyang paningin, ano? Pero kinausap siya nito. Imposible naman na hindi totoong tao ang nasa kanyang harapan ngayon. Tinanggal ni King ang kutsara sa kanyang bibig at noon lang siya nakapag-react.
"Bakit nandito ka pa? Hindi ba dapat nakauwi ka na kasama nina Ellie?" kunot-noong tanong niya sa binata na ngiting-ngiti pa rin sa kanya.
"Surprised! Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko?" wika nito at tila hindi apektado sa pagsusungit niya.
"King, hindi ako nakikipagbiruan sayo," matatag niyang sambit.
"Sino ba ang nagsabi na nagbibiro ako?" anito sabay scoop sa ice cream niya. Sumubo muna ito bago umiling. "Not me. Seryoso akong tao, Andi."
Talaga naman na naguguluhan siya sa pagiging cool nito habang kausap niya na para bang walang nangyari sa kanila kagabi. As if what happened last night was just a joke. Hindi rin niya makitaan ng pag-aalinlangan o nerbyos ang binata habanag kaharap siya.
"Nabagok ba ang ulo mo kagabi or something?" naguguluhan niyang tanong kay King. Muli itong kumuha sa ice cream niya at nanatiling nakatingin lang sa kanya. "Wala ka bang naaalala? We decided to end things between us, Mr. Villegas," aniya rito. "Pinapaalala ko lang sayo dahil mukhang nakalimutan mo na."
"Uh-uh," anito sabay iling. Sinubukan siya nitong subuan ng ice cream ngunit lumayo siya. Bandang huli ay ito rin ang kumain niyon. "Ayaw mo? Fine."
"Harlequin," aniya habang nagpipigil ng inis sa pambabalewala nito sa kanya.
"You suggested that," wika nito mayamaya. Lalo siyang napakunot-noo nang idiniin pa nito ang salitang 'you'. "Did I agree?" tanong nito sa kanya. "No."
Ito na rin ang sumagot sa sariling tanong. Siya naman ay wala pa rin imik at tahimik na pinakinggan ang kapraningan ng ex-boyfriend niya.
"Meaning?" aniya nang hindi na nito dinugtungan pa ang mga naunang pahayag.
"Hindi ka pwede na mag-decide lang mag-isa. Dapat parehong mag-agree ang both parties. Kumbaga, bawal ang one-sided," pagpapaliwanag ng binata sa kanya. "I'm a businessman, Andi. That's a no-brainer."
"So, ang ibig mong sabihin ay void ang pinag-usapan natin kagabi, tama?" Tumango ito at tuluyan na siyang nainis sa kabalbalan nito. "Siraulo ka naman pala, eh!"
Mabilis na dumukwang si King sa mesa at tinakpan ang kanyang bibig. Pagkatapos ay tumingin-tingin pa ito sa paligid nila. Hindi kasi niya napigilan ang pagtaas ng kanyang boses dahil sa pinagsasabi ng binata sa kanya. Daig pa nito ang isang paslit. Bakit ba ang hirap nitong makaintindi? Bakit gusto pa nitong mahirapan sila pareho?
"'Wag kang maingay baka akala ng mga tao, nag-aaway tayo," suway nito sa kanya. Inis na hinawakan niya ang kamay nitong nakatakip sa kanyang bibig at kinagat iyon. "Aray!" Muli itong bumalik sa upuan at tiningnan ng maigi ang nasaktan nitong kamay.
"Ilang taon ka nga ulit, King?" gigil niyang tanong dito.
"Thirty-three," tugon naman nito.
"Then why are you acting like a goddamn child?" naiinis niyang wika rito.
"I can't let you go just like that, Andi," diretso nitong sagot sa kanya. Nakatingin ito sa kanyang mga mata at kitang-kita niya ang pagiging seryoso nito nang mga oras na iyon. He sighed and caught her hand. Sa lamig niyon dahil sa lalagyan ng ice cream na hawak niya ay bigla iyong uminit dahil sa palad nito.
"Masokista ka ba, King?" tanong niya sa binata. She was trying her best to push him away. To free him from another heartbreak. "Hindi ka pa ba nadadala? Paano kung ulitin na naman natin 'yung nangyari four years ago? Paano kung—"
"Paano kung hindi na?" sersyoso nitong wika sa kanya. "Paano kung natuto na tayo, Chandria?"
Hindi siya kaagad nakatugon at nanatili lamang na nakatingin sa binata. Dapat nga ba niyang ipagpasalamat ang hindi nito pagsuko sa katigasan ng ulo niya? Her heart and brain were screaming to give it a go. May tiwala siya kay King pero sa sarili niya? Wala.
"Hindi ko alam kung ano ang tamang paraan para mahalin ka, King," pagtatapat niya sa binata.
"Sapat na sa akin na mahal mo ako, Andi. I won't ask for more," anito sa kanya bago marahan na pinisil ang kanyang palad. "Kung ano lang ang kaya mong ibigay, pwede na ako. Hindi na ako maghahanap pa ng kung anu-ano. Hindi na—"
"Ang unfair naman yata 'non?" putol niya sa sinasabi nito. "Alam mo ba kung ano ang hinihiling mo sa akin? Hinihiling mo na balewalain lang ulit kita. Hindi ka na nadala," aniya sabay iling. Binawi niya ang kanyang kamay na hawak nito atsaka tumayo.
"Give me two days," ani King sabay pigil sa braso niya nang akma na siyang aalis. "Just two days. At kung hindi pa rin nagbabago ang isip mo tungkol sa ating dalawa, hindi na kita pipilitin pa."
"Two days?" tanong niya.
Tumango naman si King. "Then, if you still think that we are over, we'll pretend nothing of this happened pagbalik natin sa Maynila."
"This is nonsense, King," komento niya sabay iling.
"Natatakot ka ba, Chandria? Natatakot ka ba na pwede pa tayong dalawa? Na may pag-asa pa?" panghahamon sa kanya ng binata.
"Bakit naman ako matatakot?" manghang tanong niya rito.
"Hindi ko alam," tugon nito sabay kibit-balikat. "You keep on running away from me."
"Ano naman ang gusto mong gawin ko?"
"Subukan mo lang," suhestiyon nito. How she wished it'd be that simnple. Akala ba ni King ay ganoon lang kadali para sa kanya ang lahat? Bakit ba hindi nito maintindihan ang mga sinasabi niya? "Don't be such a chicken."
"Chicken?" Nang dahil sa sinabi nitong iyon ay napahugot siya ng malalim na hininga at binawi ang kanyang braso. "Fine. Deal."
BINABASA MO ANG
The Ex-Tension
RomanceMay tension sa pagitan ni Chandria at ng ex-boyfriend niyang si King. Pareho silang galit at sinisisi ang bawat isa sa naging hiwalayan nila noon. Kahit na ayaw na niyang makita ang damuho ay alam niyang imposible iyon sapagkat nagtatrabaho siya sa...